CHAPTER 06

199 12 4
                                    

Nang nakalabas na siya ay kitang kita sa mukha ng batang babae ang galit at puot tsaka niya sinugod si ka-berting at pinatay.

Agad na lumaki ang mga mata ko tsaka ako napaatras.

Pero biglang gumalaw si ka-berting at nagsalita.

“Iha, ang lakas mo ay kagaya lang ng lakas ng isang batang kasing edad mo, at mananatili lang yang ganyan hangga't nasa loob ka ng kulungan ng mga kaluluwa.“ Sabi niya.

Nang marinig ko ang sinabi ni ka berting ay agad akong napahinga ng maluwag, ganun pala yun.

“Ngayon ay nakaharap ka sakin na may lakas ng isang bata, kaya sabihin mo sakin ang gusto mong sabihin.“ Sabi ni ka-berting.

Agad namang nagalit ang batang babae st sinubukan siyang takutin pero hindi umi-ipekto, kaya aakmang bubuhusan na sana ni ka-berting ulit ang bata ng holy water pero bigla akong nagsalita.

“Hindi ganyan ang tamang pakikipag usap sa bata ka-berting.“ Sabi ko at pumasok sa loob ng bilog.

Agad namang hindi tinuloy ni ka-berting ang pag basbas tsaka ako nagsalita.

“Isa lang siyang bata sa loob diba? At hindi multo kaya kausapin natin siya ng hindi siya nasasaktan.“ Dagdag ko pa at lumapit ako sa bata.

“Anong pangalan mo?“ Sabi ko habang nakangiti.

Sumimangot naman siya at sinakal niya ako sa leeg.

Bigla naman akong nagulat dahil nahahawakan niya ako, pero wala siyang sapat na lakas kaya hindi ako nasaktan.

At dahil mahahawakan ko ang bata ay agad kong hinimas himas ang buhok niya tsaka ako nagsalita ulit.

“Anong pangalan mo?“ Sabi ko.

Sumagot naman siya.

“Mmm… m-maria po.“ Mahina niyang sabi.

“Ah, maria taga saan ka?“ Dagdag ko pa.

“Hindi ko po alam.“ sabi niya.

“Kung ganun, paano ka nakapunta dito sa bahay nila kelly?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“Nakita kasi kitang nakatingin sakin habang nag lalakad papunta sa gilid kaya naisip ko na baka nakikita mo ako.“ Sagot niya.

Nang marinig ko yun ay biglang lumaki ang aking mga mata, siya pala yung gumagaya kay kuya kenneth doon sa sementeryo. At kaya pala siya sumakay sa kabilang jeep para sumama samin. Ngayon nabigyan na ng sagot ang mga nakita ko doon sa sementeryo.

“Ah ganun ba, pero bakit hindi ka pa pumunta sa kabilang mundo?“ Tanong ko.

Agad namang nagtaka ang bata tsaka siya nagsalita.

“Po? Asan po ba yun?“ Sabi niya.

Nang marinig ko yun ay agad akong napalingon kay ka-berting.

“Hindi niya alam kung paano pumunta sa kabilang mundo.“ Sabi ko.

Tumango lang si ka-berting at hindi sumagot, kaya nagsalita si father.

“Araw ng paghuhukom.“ Sabi niya.

Agad naman akong napatingin kay father.

“Judgement Day? Anong ibig mong sabihin at parasaan yan?“ Sabi ko.

Huminga ng malalim si father at nagpaliwanag.

“Bilyun-bilyong kaluluwa ang haharap sa trono ng Diyos para hatulan ayon sa kanilang mga ginawa dito sa lupa. Ang ilan ay gagantimpalaan ng buhay sa langit, ang ilan naman ay pahihirapan sa impiyerno.“ Sabi niya.

Nang marinig ko iyon ay bigla akong kinabahan.

“Teka! So ibig sabihin maghihirap ang batang ito sa impiyerno!?“ Kinakabahan kong sabi.

Sumagot naman si father.

“Nang magrebelde sa Diyos ang unang taong si Adan, ang lahat ng kaniyang supling ay naging alipin ng kasalanan, pagdurusa, at kamatayan. Para maituwid ang kawalang-katarungang iyan, bubuhaying muli ni Jesus ang bilyun-bilyong namatay. “ sabi niya.

Bigla naman akong naguluhan, ano ba kasi ang ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan.

“Ang mga namatay na hindi kailanman nakakilala sa Diyos ay magkakaroon ng pagkakataong magbago at gumawa ng mabuti.“ Sabi niya at nagsalita pa.

“At yan ang dahilan kung bakit hindi pa siya nakapunta sa kabilang mundo.“ Sabi ni father.

Dahil dun ay naintindihan ko na, kaya pala nandito siya sa lupa ay dahil kailangan niyang gumawa ng mabuti at itakwil ang pag-gawa ng masama.

“Kung magbabago sila at gagawa ng mabuti, ang kanilang pagkabuhay muli ay doon sa langit, subalit may mga kaluluwa rin na hindi na muling bubuhayin pa at ipapatapon nalang sa nag aalab na apoy kapag hindi nila magawang makilala ang dyos at hindi makagawa ng mabuti sa loob ng araw sa wala pang paghuhukom.“ Ika pa ni father.

So ibig sabihin, kailangan makilala ng batang ito ang dyos at kailangan niyang makagawa ng mabuti? Pero paano naman?

Agad namang nagsalita si ka-berting.

“Sa madaling salita, kailangang makapunta sa purgatoryo ang batang to dahil nandoon si hesus Kristo na magtuturo ng mga mabuting gawain.“ Sabi ni ka-berting.

“Ano nanaman yang purgatoryo?“ Tanong ko.

Sumagot naman si father.

“Ang purgatoryo ay isang kalagayan o proseso ng paglilinis kung saan ang mga kaluluwa ng mga namatay na nasa katayuan ng grasya o awa ay inihahanda para sa Kalangitan.“ Sagot niya.

Halos sasabog na ang utak ko sa mga sinasabi nila.

“Kung ganun, paano makapunta ang batang ito doon?“ Tanong ko.

Sumagot naman si ka-berting.

“Kailangan niyang matapos ang mga kailangan niyang gawin dito sa lupa, dapat malaman natin kung anong sadya niya kung bakit hindi pa siya nakapunta sa purgatoryo.“ Sabi ni ka-berting.

Napaisip namang ako, ano kaya ang gusto ng batang to?

Habang nag iisip ay may isang aydeya ang pumasok sa isip ko.

“Kalaro.“ Sabi ko.

Agad naman silang nagsitinginan sakin.

“Oo tama, kailangan niya ng kalaro.“ Dagdag ko pa.

“Kasi noong unang pagpapakita niya sakin ay wala siyang ibang bukambibig kundi ang pag aaya ng laro, at inaya din niyang mag laro si kelly.“ Sabi ko.

“Bakit di mo sinabi sakin yan agad karra?“ Biglang tanong ni kuya kenneth.

Ngumiti lang ako at hindi sumagot, baka kasi mamatay siya eh nakita ko pa naman ang doppelganger niya doon sa sementeryo.

Dahil dun ay nagising na si kelly dahil nawalan siya ng malay noong umalis ang batang babae sa katawan niya at nang makita ni kelly na nakikipag usap kami sa batang babae ay agad siyang lumapit at inaya naman nung babaeng maglaro sila kelly.

Pero bago pa sila nagsimula sa pag lalaro ay pinapahawakan sakin ni ka-berting si kelly na ipinagtaka ko.

“Para saan naman ito?“ Tanong ko.

Sumagot naman si ka-berting.

“Huwag mong hahayaang matapakan ang bilog dahil mawawalang bisa ang kulungan ng kaluluwa pag nasira ang ritwal.“ Sabi niya.

Biglang lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni ka-berting, meron palang ganun. Buti nalang talaga at hindi ko naapakan yung bilog noong papasok ako sa loob. Hindi ko pa naman alam na masisira lang ng ganun kadali ang ritwal.

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon