Agad na natigil ang pananalita ko nang makita kong magkatabi lang si kelly at yung batang babae at magkasabay silang nagsalita ng…
“Ate, gusto mo bang maglaro?“ sabi nila at parehas silang natawa.
Agad kong kinuha ang kamay ni kelly tsaka ko siya hinila palabas sa ilalim ng kama.
“Kelly! Huwag kang makipaglaro sa hindi mo kakilala!“ Sigaw ko sa kanya.
Bigla namang sumimangot si kelly at kiitang kita sa mukha niya ang malapit nang umiyak, pero pinipigilan lang niya.
“Pero ate, wala naman akong ibang kalaro dito sa bahay eh, maliban sa kanya.“ Sabi niya.
Naintindihan ko naman si kelly dahil halos lahat ng mga tao dito sa baryo namin ay mga walang anak, kung meron ay bilang lang sa kamay. Pero puro hindi pa nakakalakad.
“Kahit na kelly! Huwag kang makikipaglaro sa hindi mo kakilala, maliwanag ba?“ sabi ko.
Tumango naman siya at nalungkot kaya medyo nakukunsensya ako, pero ano bang kailangan ng batang yun? Hindi ko pa kasi siya narinig na humingi ng tulong simula noong nagpapakita siya sakin. Ano ba talaga ang motibo ng batang to? Tsaka may kailangan kaya siya?
Ang dami kong iniisip, ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik kami sa sala. At para hindi lingon ng lingon si kelly sa kwarto nila ay mas pinabuti kong isara ang pintuan at nilock ko pa para makasigurado.
Nanood kami ulit ng tv, parang kakaiba ang batang multo na iyon.
Maya maya lang ay nagtanghalian na at dumating na rin si kuya kenneth.
Habang kumakain kaming tatlo ay biglang nangangamusta si kuya.
“May kakaiba bang nangyari habang wala ako karra?“ Tanong niya.
Umiling lang ako.
“Wala naman, nanonood lang kami ng tv.“ Sagot ko.
Bigla namang sumagot si kelly.
“Si ate, pinagalitan niya ako kahit wala naman akong ginawang masama.“ Sabi niya.
Nabigla naman si kuya kenneth.
“Bakit ka naman pinapagalitan ni ate karra mo kelly?“ Tanong niya.
Sumimangot naman si kelly at sumagot.
“Nagalit po siya kasi may kalaro ako, ayaw niyang mag laro ako.“ Sabi ni kelly.
Dahil dun ay tumingin sakin si kuya kenneth kaya napayuko ako ng ulo.
“Nanaman? Ano bang kailangan ng batang yan?“ Sabi niya.
Hindi ko sinagot si kuya kenneth dahil kahit ako ay hindi ko naman rin alam, nagpatuloy nalang kami sa pag kain hanggang sa matapos na kami.
“Kuya, uuwi na muna ako sa bahay namin ah.“ Pag papaalam ko pa.
Tumango naman si kuya dahil wala naman siyang ibang gagawin kaya siya na muna ang mag babantay kay kelly.
Agad akong lumabas pero hindi talaga ako uuwi sa bahay namin, nagtungo ako sa kanto dahil nandoon ang sakayan ng jeep.
Pupunta ako sa baryo nila ka-berting, tatanungin ko siya kung ano ang kailangan ng batang yun since napakarami na nilang karanasan sa ganitong mga eksena.
Lumipas ang halos isang oras ay nakarating na ako sa harap ng bahay nila at napansin kong wala yata si lola mariposa.
Kaya hindi ko nalang ininda yun at kumatok ako sa pintuan nila.
“Tao po.“ Sabi ko.
Pinagbuksan naman ako agad ni ka-berting.
“Oh ikaw pala karra, anong sadya mo at naparito ka? May namataan nanaman ba yang aparisyon mo?“ Tanong niya.
Sumagot naman ako kaya pinapasok niya ako sa kubo niya, pinaliwanag ko sa kanya na may isang batang babae ang nagpaparamdam pero hindi naman humihingi ng tulong. Kaya sumagot si ka-berting.
“Iha, lahat ng kaluluwa sa mundong ito ay may kailangang tapusin. Hindi sila makakatawid papunta sa kabilang buhay hangga't hindi nila matupad ang gusto nilang gawin o layunin.“ Sabi ni ka-berting.
“Kung ganon, paano ko malalaman ang gustong gawin ng batang yun? At paano ko siya matutulongan?“ Tanong ko.
Napaisip naman si ka-berting, pero sumagot naman agad.
“Siguro may kailangan kang ipaalam sa kanya.“ Sabi niya.
Bigla naman akong nagtaka.
“Ipaalam? Anong ipaalam ko sa kanya?“ Taka kong tanong.
“Di ko rin alam, simulan mo sa kung saan mo siya unang nakita. O kaya tanungin mo kung taga saan siya at doon ka mag imbestiga.“ Sagot ni ka-berting at nagsalita pa.
“Baka may iparating lang o may gustong sabihin, isumbong, may ituturo o nanghihingi ng hustisya.“ Dagdag pa niya.
“Kailangan mong malaman yun, dahil kung hindi ay hindi ka lulubayan ng batang yan. Kagaya nalang ng ginawa ni marikit at ligaya, hindi ka nila tinigilan hangga't hindi nila makamit ang hustisyang nararapat para sa kanila.“ Sabi ni ka-berting.
Dahil sa mga sinasabi niya ay napaisip tuloy ako, saan ko nga'ba siya unang nakita? Sa kwarto ko kaya? O doon sa sementeryo habang pinapakain ko si kelly ay biglang dumaan ang doppelganger ni kuya Kenneth?
Hindi ko alam kung saan ko sisimulan, napakahirap talaga pag may ganito kang kakayahan. Pag natapos na itong problemang to ay ipapasara ko ito kay ka-berting, hindi pwedeng ako nalang palagi ang lalapitan ng mga multo pag may kailangan sila.
“Ano na karra, may aydeya kana ba kung saan mo sisimulan?“ Tanong ni ka-berting.
Umiling lang ako tsaka ako sumagot.
“Di ko alam ka-berting, pwede ko bang ipasara to pag natapos ko nang tulungan ang batang yun?“ Tanong ko sa kanya.
Napailing nalang si ka-berting at sumagot.
“Kung ikaw ang tatanungin, swerte ba ang biyayang iyan o malas?“ sabi niya.
Nabigla naman ako sa sinabi ni ka-berting.
“Ano po ang ibig mong sabihin?“ Sabi ko.
Sumagot naman siya.
“Ikaw ang daan karra, kaya may lalapit talaga sayong mga kaluluwa.“ Sabi niya.
Agad akong napalunok sa sinasabi ni ka-berting tsaka siya nagsalita pa.
“Hindi mo lang sila nakikita, nakakausap mo rin.“ Dagdag ni ka-berting.
“A-ako? A-ang daan?“ Bigla kong sabi.
Tumango lang si ka-berting at nagsalita.
“Hindi mo iyan maisasara, hindi naman iyan ikatlong mata para ipasara mo o ipabukas kung kailan mo gusto.“ Sabi niya.
Bigla akong kinabahan.
“Ibig bang sabihin, habang buhay ko na itong dadalhin?“ Sabi ko.
Tumango lang si ka-berting at dahil dun ay na blanko ang utak ko.
Magsasalita sana si ka-berting pero biglang tumunog ang celpon ko kaya ko iyon sinagot.
“Hello? Ikaw pala kuya kenneth, bakit ka napata—”
Naputol ang pagsasalita ko dahil biglang sumagot si kuya kenneth na kinakabahan.
“Karra tulong! Si kelly, gusto niya akong patayin!“
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #2)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang kasunod na storya sa nang...