“Sino ka? Ano ang kailangan mo sakin!“ Sigaw kong sabi.
Dahan dahang lumabas sa ilalim ng kama ko ang isang batang babae na may hawak na teddy bear at nagsalita
“Ate, gusto mo ba maglaro?“ sabi niya.
Nabigla naman ako sa kanya.
“H-ha? H-hindi, paki usap umalis kana at huwag kanang babalik.“ Kaba kong sabi.
Bigla naman siyang nalungkot tsaka dumapa at bumalik sa ilalim ng kama ko.
“H-hoy, sabi ko umalis ka na.“ Ika ko pa.
Hindi siya sumagot kaya natahimik ako ng ilang minuto, pinagmasdan ko ang paligid ngunit wala na akong marinig na kaluskos. Kaya dahan dahan akong bumaba at bahagyang dumapa, tiningnan ko ang ilalim ng kama at sa pag tingin ko ay hindi ko na siya nakita doon.
Di ko alam kung umalis ba siya, sana nga umalis siya.
Nagsimula na akong kabahan, baka gumana na naman ang aparisyon kaya niya ako sinundan at kaya ko siya nakikita.
Pero bakit si kuya kenneth ang ginaya niya kanina? Lumipas ang ilang minuto ay lumubog na ang sikat ng araw, nandito ako ngayon sa sala. Nakaupo ako at nakaharap sa lamesa dahil kakain na kami ng hapunan.
“Karra, bigyan mo ng ulam sila kenneth pagkatapos mong kumain. Alam kong wala pa siyang trabaho dahil kakamatay lang ng ina niya.“ Sabi ni mama.
Tumango lang ako at sumagot.
“Oo ma.“ Kunti kong sabi at nagpatuloy sa pag kain.
Pagkatapos ko nga'ng kumain ay agad akong nagkuha ng ulam, medyo dinami kasi ni mama ang pagluto o baka sinadya lang talaga niyang damihan.
Lumabas ako ng bahay at nagtungo ako sa bahay nila, nakita ko si kelly na nanonood ng tv habang si kenneth ay nasa sahig at may finill up-an.
Nang makita niya ako ay tsaka siya nagsalita.
“Oh karra (sabay tingin sa dala ko) para samin ba yan?“ Tanong niya.
Tumango naman ako at dito nga ay kinuha nila ang ulam tsaka sila kumain.
Since wala naman akong gagawin ay nanatili muna ako sa bahay nila at nanonood ng palabas. Pagkatapos nilang kumain ay agad namang hinugasan ni kuya kenneth ang mga plato kaya nasa'akin muna si kelly.
Habang nanonood kami ng palabas ay biglang nagsalita si kelly na ipinagtaka ko.
“Ha? Pero gabi na.“ Mahina niyang sabi.
Dahil dun ay nabigla ako tsaka ako tumingin sa kanya.
“Sinong kausap mo kelly?“ Sabi ko.
Hindi niya ako sinagot tsaka siya tumingin sa harap at tumawa.
“Hahaha gabi na kasi, baka pagalitan ako ni mama.“ Sabi niya.
Nang marinig ko yun ay nagsimula na akong kabahan.
“K-kelly!? (Sabay hawak sa panga niya at pinaharap ko sa mukha ko) Sinong kausap mo?“ Kaba kong sabi.
Sumagot naman siya habang nakangiti.
“Bago ko pong kalaro, sabi kasi niya ay maglalaro kami ngayon pero baka pagalitan ako ni mama kasi gabi na eh.“ Sagot niya.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, kaya tinanong ko pa siya.
“Babae ba ang bago mong kalaro?“ Sabi ko.
Tumango naman siya at nagsalita.
“Oo ate, pinahiram nga niya sakin ang dala niyang teddy bear eh.“ Dagdag pa niya.
Dahil sa sinabi niya ay bigla akong natakot, paano niya nakita ang batang multo? Tsaka bakit nagpapakita kay kelly ang babae?
Ang dami kong iniisip at hindi ko manlang namalayang nakaupo na pala si kuya kenneth sa gilid ko.
“Oh karra, bat namumutla ka?“ Taka niyang tanong.
Nang makita ko siya ay bigla akong napahinga ng maluwag tsaka ko binigay si kelly sa kanya.
“Uuwi na ako kuya ha, mag ingat kayong dalawa rito.“ Sabi ko.
Pakiramdam ko kasi ay ako yung sinundan nung bata at nadala ko pa sa bahay nila kuya kenneth.
Hindi sumagot si kuya kenneth kaya agad akong naglakad palabas, kaso hindi pa ako nakaabot sa pintuan ay nakita ko nanaman si kuya kenneth na papunta palang sa sala habang pinunasan niya ang kamay niya ng damit.
“Oh karra, aalis kana?“ Taka niyang sabi at nagsalita pa.
“Dalhin mo na lang ang plato nyo.“ Ika pa niya.
Nang makita ko si kuya na nakatayo sa gilid ko ay bigla akong napaisip, sino yung taong binigyan ko kay kelly?
Kaya dali dali kong nilingon yung sala at dito ko nakita si kelly na nanonood lang ng tv.
Medyo kinabahan na talaga ako ngayon, walang duda at gumana nanaman ang aparisyon ko.
Kaya nang maabot na ni kuya kenneth ang plato ay agad na akong lumabas sa bahay nila habang iniisip ko kung ano ang kailangan ng batang yun at bakit kailangan pa niyang magpakita kay kelly.
Pagkarating ko sa bahay namin ay agad akong nagpunta sa kwarto ko, nagbabakasakali akong magpapakita sakin yung batang babae. Siguro hindi naman masama yun, baka kagaya lang rin nila marikit na nag hahanap ng hustisya.
Pero lumipas lang ang ilang minuto ay walang nagpaparamdam saking bata kaya napagpasyahan ko nalang na matulog.
Kinabukasan…
Nagising ako dahil sa ingay mg alarm clock ko.
“Arrggg!! (Sabay hikab) Sinong nag set ng alarm na yun?“ Pagtataka kong sabi at agad kong kinuha ang alarm clock tsaka ko in-off.
Tiningnan ko ang oras at alas otso bente dos na ng umaga.
“Grabe ang bilis ng oras.“ Pagmuni muni ko pa tsaka ko binalik sa gilid ang alarm clock ko
Kinuha ko yung celpon kong naka charge sa gilid tsaka ko tiningnan ang messages. Pero wala akong text na tanggap.
“I wonder kung ano na ang mga ginagawa nila eva ngayon.“ sabi ko sa sarili.
Dahan dahan akong bumangon at naupo sa kama, hinimas himas ko ang mata ko dahil nakakaramdam pa rin ako ng antok kasabay ng pag dungaw ko sa bintana.
“Walang bago.“ Sabi ko sa isip.
Agad na akong tumayo at sa pag apak ko ng sahig ay biglang may isang bata ang tumapik sa paa ko. At dito ko naalala na may kasama nga pala akong multong babae na nasa ilalim ng kama ko nagtatago.
Kaya napagpasyahan kong makipag usap sa kanya.
“Magandang umaga, (sabay upo ng bahagya at tiningnan ko ang ilalim ng kama) may kailangan ka ba sakin?“ Sabi ko pero pag tingin ko sa ilalim ay wala namang bata doon.
Well, ano pa bang ini-expect ko sa multo? Kaya agad akong tumayo ulit at naglakad palabas ng kwarto.
Kaso, sa pagbukas ko palang ng pinto ay biglang sumalubong sakin ang isang kutsilyong lumutang sa ere at bigla itong lumipad papunta sa mata ko na ikinabigla ko ng husto.
“Aaahhhh!!!…” sigaw ko.
To be continue…
⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #2)
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang kasunod na storya sa nang...