Up until now, naalala ko pa rin kung paano tayo nagkakilala.Naalala ko pa rin hanggang ngayon kung paano kita unang nakilala,
Kung hindi ako nagkakamali, ika-5 ng Hunyo sa taong dalawang libo't labing pito. Unang araw ng pasukan, inayos ang seating arrangement natin, by height. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa pang apat na row tayo noon, ang pagkakapwesto pa nga ay si Melody, Ikaw, Ako, si Rhyan, at si Mica.
Nakilala lang kita non nang inominate ka bilang escort, sinabi ni Melody na itaas ko ang kamay ko at iboto ka. Nang sumunod na araw ay umabsent ako, hindi ko na mataandan kung anong rason no'n pero nang kinabukasan muli no'n pumasok din naman ako.
Pangatlong araw ng pasukan, wala akong libro sa English na pinamigay noong araw na hindi ako pumasok, binigyan din naman ako nang humingi ako. Matapos akong mabigyan ng libro, may pinakopya/lecture saatin non, at dahil nga magkatabi tayo nagpaunahan pa tayo non magsulat. Kung hindi ulit ako nagkakamali ay wala naman tayong sinabi sa isa't isa na magpaunahan, sadyang competitive lang siguro tayo noon dahil bata. At sa huli, nauna ako sa'yo ng ilang segundo. Parang nacompliment mo ako no'n ng bilis ko kamong magsulat, dun sa point na 'yon nagsimula lahat.
Pagkatapos non ay parang hindi kapani-paniwala na naging close tayo, tinuring talaga kita na best friend nung time na 'yon. Naalala ko pa rin noong PE natin, hindi ka masyadong nagpaparticipate and so do I, sabi mo no'n may hika ka so bali nasa gilid lang tayo no'n habang sila parang naglalaro-laro. May isang laro sila non na kailangan lahat sumali dahil 'di naman masyadong gagalaw sa activity na 'yon. "I wanna be a tutubi" 'yun ang tawag sa laro na 'yon, pinagawa tayo ni ma'am Steph non ng malaking bilog kung saan makatabi tayong dalawa at magkahawak ang mga kamay. Hindi ko talaga binitawan ang kamay mo pero dahil nga napapalitan ata ang taya eh nalipat ang pwesto natin. Nataya nga ako ng isang beses eh.
May naalala rin ako no'n, recess. Lumapit sa upuan natin si Novelyn sabi nya no'n "bagay kayo" gano'n parang shiniship niya tayong dalawa. Medyo na-akwardan ako no'n kasi bakit naman ako shiniship, eh ayoko talaga sa lalaki nung time na 'yon.
Wala pa naman akong feelings sa'yo nung grade 5 pero parang nung mga time ng bakasyon, lagi kitang naiisip dahil na rin siguro na naship tayo no'n ni Novelyn at ng iba nating kaklase, ayokong shiniship sa'yo pero palagi kitang naiisip at parang namimiss?? In denial pa ako non dahil nga crush ka rin ni Tinay at baka mabully ako since parang siya ang ate-ate noon at ayokong magmukhang masama.
Pagdating ng grade 6 medyo nagkalayo na tayo, nasa bandang harap ka noong una pero nalipat ka sa tabi ko dahil nilipat ang isa sa makulit nating kaklase sa harap. Sa wakas magkatabi na ulit tayo, pero sa kasamaang palad nalipat din ako T^T pinagpalit ni ma'am Donna ang pwesto ko at ang pwesto ni Regine dahil malabo ang mata nya kaya naman napunta ako sa likuran.
Doon parang unti-unti ko nang inamin sa sarili ko na crush nga siguro kita, si Tyrus naman ngayon ang natitipuhan ni Tinay kaya naman medyo malaya na akong aminin sa iba na ikaw 'yung crush ko. Ginawa kitang wallpaper at password ng cellphone ko. Buong school year ng grade 6 naging crush na kita, nang dahil sa panunukso saakin nila czarina, novelyn at ng iba nagkatotoong crush nga kita.
Is it really just a coincidence na makatabi kita noon or is it God's plan? What do you think?
YOU ARE READING
Fourteen: Unspoken Feelings of a Significant Other
RomanceFourteen: Unspoken Feelings of a Significant Other contains 14 love letters about what I feel towards you. I am pertaining to one specific person only, which is my significant other. While reading, you may read boring, corny and funny lines but ever...