10

1 0 0
                                    

I'm always proud of having you.

Hindi ako mahihiyang ipaalam sa buong mundo na boyfriend kita.

Eh ano naman kung hawakan ko ang kamay mo sa public? Ano naman kung yakapin kita? Ano naman kung maging sakit tayo sa mata ng iba? Ano naman kung mag "i love you" ako sa'yo sa harap ng maraming tao? Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga saakin ay ikaw.

Ikaw lang naman nakikita ng mata ko, kaya anong pakialam ko sa iba, 'di ba?

Oo maaaring manghina/manlambot ang tuhod ko kung gagawin mo saakin 'tong mga bagay na 'to pero gusto ko pa ring mangyari 'yun. Gusto ng puso ko, ayaw ko lang magmukhang oa sa paningin mo.

Matagal ko nang pinapangarap na mahawakan ang kamay mo sa publiko, mayakap ka kahit may mga tao, umarte katulad ng ibang mga mag nobyo at nobya.

Gusto kong ipaalam sa kanila na tayo. Gusto kong ipaalam sa lahat na ikaw ang kasintahan ko, ikaw ang mahal ko.

Pero kung hindi ka pa komportable o hindi ka pa handang maging ganoon sa ngayon o kung mas gusto man ang pribado at low-key na relasyon lang ay ayos lang saakin.

Kahit ano ayos lang, ikaw naman na 'yan eh. Bakit pa ako aangal? Kung saan ka komportable. Masaya naman ako dahil ikaw 'yung iniibig ko.

Fourteen: Unspoken Feelings of a Significant OtherWhere stories live. Discover now