Pagdating naman ng grade 7, sobrang nadismaya ako nang malaman ko na hindi na tayo magkaklase. Mas nauna ko pa ngang nalaman ang section mo kaysa ang akin, 7 - Honesty, 2nd floor, pinaka bungad na malapit sa hagdanan. At mas lalo naman akong nadismaya nang malaman ko ang section ko, 7 - Trustworthy, 3rd floor, pinaka dulo. Magkabilang dulo tayo ng building, paano na kita makikita?
Pero hindi naman naging hadlang 'yun dahil kahit sobrang layo ng classroom ko sa'yo, daan pa rin ako ng daan sa hallway o kahit sa gilid ng classroom niyo at pasimpleng susulyap sa'yo. Ewan ko ba kung anong meron sa'yo at ang lakas ng tama ko.
May nakilala akong iba no'n, nakausap-usap ko siya at nalilibang naman ako dahil wala naman kasi akong makausap dahil nga 'di ka naman nagfafaceebook pa no'n. Pero biglang nagchat ka saakin, nung una hindi ako naniniwala na ikaw 'yon dahil napaka imposible naman?? Si Nicko?? Nagchat saakin?? Nagiging malandi sa chat?? Eh ang tahimik mo palagi??
I won't deny na kinikilig kilig ako sa mga jejemon natin na pag-uusap n'on. Pero ayoko pang sumugal no'n dahil tambay ako sa wattpad, baka pinagttripan mo lang ako, baka may pustahan o trip niyo lang ako no'n at natatakot akong masaktan. Sobrang imposible lang kasi na magkakagusto rin saakin 'yung taong gusto ko dahil 'di ko pa naman naexperience 'yun before. Patuloy pa rin naman kitang nirereplyan, at halos ikaw na lang talaga kinakausap ko.
Naalala ko pa nga nung ginawa mo 'yung poser account mo na Elmer James/ James Elmer? May kutob na ako na poser account 'yun at ikaw ang may hawak, kaya nga ang dami kong nakkwento sa'yo n'on eh. Kinuwento ko sa'yo friendship natin ganun something, naging madaldal ako sa'yo sa account na 'yon dahil may kutob ako na ikaw 'yun. Pero sobrang takot ko lang talaga dun sa friends nung nakausap ko, ayokong magmukhang masama sa ibang tao, sobrang people pleaser kasi ako dati kaya naman medyo dumidistansya ako sa'yo. One time sinabihan akong malandi nung isa sa mga babae nyang kaibigan, pero hindi naman kami nung lalaki na 'yon?? At wala naman talaga akong planong gawing boyfriend 'yun dahil una sa lahat ang bastos nya at ng mga kaibigan niya, ni hindi ko nga sinasabayan 'yun kahit na medyo may sapak ako sa utak nung grade 7. Sobrang turn off ako sa taong 'yun at sa mga kaibigan niya.
Intrams, may marriage booth. Medyo nagpabebe ako no'n, nagpapilit ako para 'di magmukhang easy-to-get kineme at para 'di magmukhang patay na patay sa'yo. Nagawa naman natin 'yung marriage booth, kaso nalaman 'yun nung kabila. Parang sobrang sama ng tingin nila saakin no'n, 'di ko pinansin 'yun dahil masaya ako 'di lang halata. Pero kinabukasan inaya rin ako nung lalaki ng marriage booth, kasama niya 'yung mga kaibigan niya at ang sama ng titig saakin nung iba kaya parang hindi ko na kayang humindi. 'Yung kaibigan niya ang nagbayad para sa marriage booth at after no'n not the same day pero makalipas siguro ng ilang araw or weeks, nag-ipon ako ng lakas ng loob na itigil na. Nakita kasi ata kitang kasama si Leslie tapos parang ayoko na talaga kausap 'yung lalaki, 'di na ako komportable, 'di ko naman siya gusto at 'di naman kami kaya tinapos ko na. Wala na akong pakialam sa sinabi nya at ng mga kaibigan niya.
Pero after no'n naging malaya na akong magpapansin sa'yo, medyo denial dahil nakikita ni Leslie 'yung mga post ko, delikado.
Field trip 2019, excited ako nang malaman ko na kasama ka rin. Nasa likuran ka kasama si Aaron, habang ako nasa third or fourth row sa unahan. Malayo nanaman ang pagitan, pero okay lang naman dahil nakakanakaw naman ako ng tingin sa'yo n'on. Masakit sa leeg pero, okay lang naman, ikaw na 'yan eh. Enchanted Kingdom, muntik na tayong magkasama sa rides, sa ferris wheel. Kaso sobrang haba ng pila at parang inaya ata kayo ng ate ni Janelle sumama or sumingit sa kanila, edi dismayado at sobrang inis ko sa ate ni Janelle no'n, Naging maayos naman ang fieldtrip kaso wala akong moments or picture na kasama ka. Kaya sinabi ko sa sarili ko no'n, balang araw makakasama kita ulit sa field trip at magpipicture tayo ng marami.
Based on my diary sa notes, December 13, 2019, christmas party, nahawakan ko ang kamay mo at naakbayan mo ako sa picture, mukhang 'di ka masaya roon pero ako masaya. 'Yun ang first picture natin together, sobrang chinerish ko 'yun at ginawa kong wallpaper at password ang date.
December 15, 2019, again based on my diary, nagstart ang carolling keme namin pero 'di naman ako sumama para magkapera at kumanta, sumama ako para makita ka sa court at kiligin ng patago.
December 16, 2019, nangyari ang isa sa mga magandang bagay sa buhay ko. Ito 'yung time na naging "tayo" kineme, kung saan gabi at nasa dilim, nahawakan ko ang kamay mo at nayakap ka ng saglit. Hindi mo alam kung gaano ako kinilig at halos himatayin na no'n, kasama natin si Erika at si Froilan nung mga oras na 'yun.
Pero December 18, 2019 nalaman ko na sinabi lang daw pala sa'yo ni Janela na gusto kita at parang napilitan ka lang daw nung time na 'yun kaya parang naheartbroken ako, kung gaano ako kasaya nung 16 naging sobrang lungkot ko naman nung 18. Hindi naman nagtagal 'yun at patuloy pa rin naman kitang ginusto.
Magbbirthday ako at sinabi ko kay Froilan na isama ka dahil birthday ko nga 'di ba kaso hindi ka naman nakapunta, hindi gaanong kasaya 'yung birthday ko no'n dahil wala ka, umasa ako eh na sana makita kita sa birthday ko.
Nalaman ko kay Louella na naging "kayo" ng isang araw?? Sobrang galit ko kay Louella no'n dahil bakit ikaw pa? Si Tyrus ang gusto niya tapos biglang napunta sa'yo? Marami akong sinabi na naging "crush" ko, dahil nga ayaw ni Louella ng may kaagaw kahit na ako ang nauna magkagusto sa'yo.
Edi pinilit kong magkaroon ng happy crush sa kung sino-sino, happy crush lang naman 'yung parang crush mo pero 'di mo papatulan at wala akong balak na kausapin ganoon? Pero aaaaa patuloy pa rin talaga ang balik ko sa'yo no'n, nang malaman ko na taga Jubilant naman ang tipo ni Louella edi remove na ulit sa buhay ko ang mga naging "happy crush" ko at focus na ulit sa'yo.
March 11, 2020, may mga screenshots ako dito ng pag-iingay natin sa social media, nagshared post ka ng nakatag ako, nagshared post ka ng panay comment ako. At March 13, dito na nagsimula ang lahat, hindi ko na matandaan sino ang nag first move pero ang dami nating natopic about sa isa't isa. Halos 'di ko na binitawan ang cellphone ko no'n habang kausap kita, hanggang umabot tayo ng halos alas singko sa pagpupuyat at magkausap. Madaling araw 'yun ng March 14, 'di ko alam ang exact time pero inaya mo ako na makipag "comeback" kamo?? Go lang naman ako dahil akala ko nakikipagbiruan ka tapos nung magpapaalam na tayo sa isa't isa, nag "i love you" ka edi feel ko talaga noon tayo na.
Pagkagising ko, March 14 pa rin, nakumpirmado ko nga na tayo na dahil tinuloy natin 'yung plano natin na ice cream date kamo hahahaha. Dumiretso tayo sa DS noon at hinatid mo ako sa kanto ng bahay namin habang hawak mo ang payong. Sobrang kilig to the max ako nung araw na 'yun, kaso kinabukasan din no'n nagstard ang lockdown T^T.
Dito nagsimula ang lahat. Marami tayong pinagdaanan pero masaya akong nandito ka pa rin kasama ko.
YOU ARE READING
Fourteen: Unspoken Feelings of a Significant Other
RomanceFourteen: Unspoken Feelings of a Significant Other contains 14 love letters about what I feel towards you. I am pertaining to one specific person only, which is my significant other. While reading, you may read boring, corny and funny lines but ever...