06

3 0 0
                                    

Hindi na ako makapaghintay na makasama ka sa isang tahanan.

Kung darating man ang araw na 'yun, makakasiguro ka na gigising ka na masaya sa umaga.

Walang sigawan, walang murahan, hinding hindi mo kakailanganing magtakip ng tainga.

Araw-araw kitang ipaghahanda ng almusal, tanghalian at hapunan. Kailanman ay hindi mo mararanasan na magutom o maubusan ng pagkain. Bubusugin kita sa araw-araw.

Kung magiging abala man tayo sa pagttrabaho, sisikapin ko pa ring paglaanan ka ng oras at sisiguraduhin na hindi ako nagkukulang sa'yo. Nang sa ganoon ay maiparamdam ko pa rin sa'yo kung gaano kita kamahal, at hinding hindi iyon mag babago.

Fourteen: Unspoken Feelings of a Significant OtherWhere stories live. Discover now