Kaya kong magsulat ng ilang daang talata tungkol sa'yo. Punuin ang ilang daang pahina at gawan ka ng libro. Ganoon ako kahulog sa'yo.
Ikaw ang nagbibigay saakin ng inspirasyon para magpatuloy sa buhay at magsumikap para sa ating mga pangarap.
Kaya naman, anong gagawin ko kung wala ka? Eh ikaw palagi ang paksa, at ang laman ng mga Akda.
Sana alam mo na sa'yo lang ako handang sumugal. Madali mang naging tayo, sa'yo lang naman ako um-oo. Sa'yo lang handang sumugal.
Ikaw lang ang planong ipakilala at ipaglaban sa pamilya. Wala nang iba. Sino ba sila 'di ba?
YOU ARE READING
Fourteen: Unspoken Feelings of a Significant Other
RomanceFourteen: Unspoken Feelings of a Significant Other contains 14 love letters about what I feel towards you. I am pertaining to one specific person only, which is my significant other. While reading, you may read boring, corny and funny lines but ever...