Chapter 6: Hell

1.7K 31 0
                                        

Zien's Pov.

Nakabusangot na pinanood kong umakyat si Dora sa mataas na burol kasama si Boots.

"Ace?"

"Hmm?"

Lalo akong napanguso nang hindi man lang nya ako nagawang lingunin. Nakatuon ang buong atensyon niya sa laptop at busy sa pagtatype.

Sunday ngayon at walang pasok pero sa halip na umuwi kami, nanatili na lang kami sa condo unit gaya ng request ni Ace. Akala ko magbo-bonding kami yon pala, hahayaan nya akong manood lang ng Dora The Explorer buong maghapon habang siya ay busy sa paglalaptop.

Naiintindihan ko naman na kailangan niyang magsipag para kahit paano ay makatulong na siya kay Raze pero ano ba naman yong isang araw na ako lang muna? Sa loob ng dalawang taon, halos ganito na ang eksena namin. Third year college na kami,wala namang nagbago sa amin maliban na lang sa ganito.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinapa ko yon sa bulsa ko. As usual, hindi ako pansin ni Alas. Naiinis na inilabas ko ang phone ko at halos ibato ko yon sa kanya. Binasa ko ang text message.

Galing kay President Cedric. May meeting ang mga president ng bawat department at dahil ako ang maswerteng naging president ng department namin, kailangan kong dumalo. Ibinaba ko ang phone at tumingin kay Ace.

"Ace?"

"Hmm?"

Hmm..na naman?Nakakainis! Mas mabuti sigurong umalis muna ako. Boring din naman dito. "Aalis muna ako."

Biglang umangat ang tingin niya.

Finally!

"Where?" tanong niya bago kumuha ng cookies na binake ko kanina. Sumandal siya sa sofa at tamad na tumingin sakin.

"Meeting." tumayo na ako mula sa pagkaka indian seat at naglakad pabalik sa kwarto ko. Mabilis akong naligo at nag ayos dahil hindi naman party ang pupuntahan ko. Sakto lang ang ayos kobpara hindi rin ako magmukang pulubi roon.

Pagkalabas ko, nadatnan kong nakasandal sa sofa si Ace habang nakatingin sa TV pero nang marinig niya ang kaluskos ko, napatingin siya sa kin.

Sinuri nya ang buong katawan ko bago napakunot ang noo. "Meeting or Date?" he asked.

Naglakad ako papunta sa salamin sa tabi ng TV at pinagmasdan ang sarili ko. Wala namang masama sa suot ko. Sakto lang pero bakit pang date ang tingin ni Ace? Hays. Ang OA talaga ng lalaking to.

"I'm coming."

Tiningnan ko siya ng masama.

Nakahalukipkip syang lumapit sakin.  Nakashorts at sandong gray lang sya. Nanatili ang kunot ng kanyang noo habang nakatingin sa ayos ko.

"No need. Gawin mo na lang kung anong ginagawa mo. You're busy, right?"

"No, Darling, I'll go with you."

Napangiwi na lang ako nang magmartsa na sya papunta sa kwarto. Kahit kailan, siya lagi ang masusunod. Dahil sa gusto kong mapag isa, mabilis kong kinuha ang shoulder bag ko at lumabas ng condo unit.

Halos madulas pa ako sa marmol na sahig sa pagmamadali.
Bwisit kasi! Hindi naman nya kailangang sumama sa lahat ng lakad ko. Busy sya at yon na lang ang atupagin nya.

Pinara ko ang taxi nung makababa sa building. Sinabi ko ang cafe na meeting place namin.

                              --**--

Ace's Pov.

Pagkalabas ko ng kwarto, tanging ang nakabukas na TV na lang ang nadatnan ko. Napailing na lang ako dahil mukang tinakasan ako ng babaeng yon.

CHASING HELL PART 1(Sequel of Hell University)Where stories live. Discover now