Chapter 7: Kissed

1.2K 34 3
                                    

Ace's Pov.

I took a sip from my coffee. Napansin ko ang panginginig ng kamay ko habang nakahawak sa tasa ng kape. Natakot ako hindi dahil sa nangyari sa akin kanina kundi sa katotohanang may panibago na naman kaming kakaharapin. Nakakatakot ang mga susunod pang mangyayari.

"May kakilala ka bang may galit sa inyo?" tanong ni Matt.

Kaninang nasa nitso ako, dumating si Matt. Sinundan daw niya ang sasakyan ko nang mapansin na nagmamadali ako at masama rin daw ang kutob niya. Nakita niya ang taong nagkulong sa akin sa loob ngunit dahil madilim, hindi niya naaninag ang mukha nito at mabilis na naglaho sa kadiliman.

I let a heavy sigh. "I don't know."

Wala akong ideya sa kung sino man ang maaaring may gawa non sa amin at iniisip ko ngayon na may kaugnayan ba yon sa taong nag ngangalang Hell sa fb.

I don't think it was just a glitch. Malamang bihasa ang taong iyon.

"Ano ang plano mo? Ayokonh may mangyaring masama sa kaibigan ko," seryosong banta nito.

"Wala sa plano ko ang ipahamak siya," inaantok na sabi ko. Ano ba sa tingin niya? Ipapahamak ko si Zien?

Marami na kaming pinagdaanan at hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagsakripisyo ngunit handa pa akong dagdagan iyon. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa babaeng mahal ko.

Pero, inaamin kong mas natatakot ako sa kalaban namin ngayon dahil hindi namin alam kung sino ba ito. Hindi namin alam kung sino ba ang tunay na kalaban hindi kagaya sa HU na alam namin kaya nakapagplano kami.

Magiging mas madugo ang mga hindi inaasahang pangyayari. Sh*t! That was not just some kind of prank.

"Ang mabuti pa, umuwi ka na." Tumayo na ito at inayos ang blazer na suot. "Gabi na at baka nag aalala na yon sayo," wika pa niya bago tuluyang lumabas ng café.

Napabuntong hininga na lang ako bago pinagmasdan ang cellphone ni Zien sa kamay ko. Dumaan ako sa trash can at itinapon yon. Ayokong maulit pa ito.

                               --**--

Pagkauwi ko, isang walis tambo ang tumama sa ulo ko.

"Aww!" angal ko kay Zien na nakahalukipkip sa harap ko, may hawak itong walis tambo. Hindi ko maiwasang matawa sa itsura niya na parang nalugi.

"Where the hell have you been?"

Pabagsak na umupo ako sa sofa at tinaasan siya ng kilay. "Somewhere." walang ganang sabi ko. Ngumuso ako ng paningkitan niya ako ng mga mata.

Ngumiwi si Zien at muli akong inambahan ng palo ngunit napigilan ko na siya. "Masakit...sorry na," paghingi ko ng paumanhin.

"Sorry? May ginawa ka bang kabalastugan?"

Napalunok ako. Hindi ko pa maaaring sabihin sa kanya ang nangyari lalo nat wala rin akong ideya kung ano yun. Ayokong matakot siya. Itatago ko muna ang mga nangyari kanina. "I'm hungry." Hinawakan ko pa ang tyan ko.

Napabuntong hininga si Zien bago ako sinenyasang sumunod aa kanya sa kusina.

Mabilis na umupo ako at kumuha ng pagkain dahil gutom na rin talaga ako.

"Bakit madumi ang damit mo?"

Napatingin naman ako sa puting damit ko. Malamang na nadumihan yon nang pumasok ako sa loob ng nitso.

"Hmm...nadapa? Oh, Yes! I was tripped," sagot ko bago muling sumubo.

Naningkit ang kanyang mga mata na mukhang nagdududa.
Lihim akong napangiti.

CHASING HELL PART 1(Sequel of Hell University)Where stories live. Discover now