Chapter 5: Strange

1K 10 0
                                    

Zien's Pov.

Lumipas ang ilang araw.

"Zien,wake up!"
  
Tumalikod ako nang maramdamang may humawak sa pusngi ko. Kaunti nalang, makakatulog na uli ako nang maramdamang may humablot ng kumot ko.

Tamad na iminulat ko ang mga mata ko ngunit nagising ang diwa ko ng makita ang lalaking nakatayo sa harap ko. Walang emosyon ang kanyanh mga mata at nakahalukipkip ang mga braso.

    Sh*t! I forgot!

"Psh!" naiinis na sabi niya.

"What are you doing here?" Halos takpan ko ng unan ang aking mukha para hindi nya makita ang itsura ko.

D*mn it! I almost forgot! Narito nga pala kami sa condominium unit na binili nya para sa aming dalawa. Para hindi na namin kailangang magbiyahe ng matagal araw-araw dahil malapit lang ito sa pinapasukan naming University.

"I'm here to wake you up." Tumalikod na sya sa'kin. "Magbihis kana at mag-almusal" wika niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Dali-dali akong lumaput sa salamin para tingnan ang itsura ko. Namula ang buong mukha ko sa kahihiyan ng makita ang itsura ko sa salaminm Mukha akong ginahasa ng kapre–Err!

Napanguso ako nang makita ang wall clock. Alas sais palang ng umaga, at 8am pa ang pasok namin. Nakalimutan kong kasama ko pala sa iisang bubong ang alas at ang dating presidente.

D*mn it! Mukhang araw araw masisira ang tulog ko dahil may kasama akong tao na pinahahalagahan ang bawat segundo. Great! Dapat masanay na ako.

"Faster!" sigaw niya sa labas na parang alam nyang hindi pa ako kumikilos.

Nag inat-inat pa ako bago kumuha ng towell at pumasok sa banyo. Napapikit ako nang balutin ng malamig na tubig ang buong katawan ko. Parang nawala lahat ng antok ko sa katawan dahil don.

It's our first day as collge students and we're in the same school. Hotel and Restaurant Management ang kinuha kong course  habang Business Management naman siya para matulungan si Raze sa pagma-manage ng company na iniwan ng kanilang ama.

The president is richer than me!

Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko, lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Ace na nakaupo sa sofa at nanonood ng cartoons. Nakabihis na rin siya ng uniform pero medyo basa pa ang buhok. Napatimgin sa'kin ang mapupungay niyang mga mata at saka ngumiti ang kanyang mapulang labi.

"Maganda kapa sa umaga."

Gusto kong sumimangot pero hindi ko kaya. Napangiti ako sa sinabi niya. Ang agang pambungad naman niyon sakin. Parang nawala ang inis ko dahil sa pambubulabog niya sa tulog ko.

D*mn his simle!

"Breakfast na." Iginiya niya ako sa kusina.

Napapikit ako nang maamoy ang isang pamilyar na amoy na nagpakalam sa tyan ko. "Adobo?!" masayang wika ko at aagd na umupo.

Ipinaghain niya ako ng kanin at ulam.

Mabilis naman akong sumubo ng pagkain. Naramdaman ko ang pagtitig nya sakin pero hindi ako nagpatinag. Gutom ako at wala akong panahong mahiya.

"Hinay-hinay lang."

Tiningnan ko siya na nakaupo na sa isang upuan at mabagal na nginunguya ang pagkain. Nahiya naman ako sa kanya. Mas babae pa siyang kumilos sakin.

Di rin nagtagal, natapos na kaming kumain. Bumalik kami sa sofa at nag-usap tungkol sa mga dapat at hindi ko dapat gawin.

Seriously! I am not a kid! In fact, I can give him a baby—Err!

CHASING HELL PART 1(Sequel of Hell University)Where stories live. Discover now