His DarkPast Compilation Series Chapter 17

0 0 0
                                    

His DarkPast Compilation Series   Chapter17 (  There Mourn    )
Revenge, Regret, Love Story, Love Triangle
RSPG 18+

Available in Wattpad

Sa Panulat Ni : Sogin Wp

Pagkatapos ng masalimoot na pangyayari , hindi lubos maisip ng dalawa na mangyari iyon. Kung kailan nakasama na nila ang kanilang ina , ay siyang pagkawala nito ng wala sa oras.

Agad nilang inaasikaso ang burol ng kanilang ina. Unang araw, unang gabi dagsaan ang mga taong nais makisimpatya sa dalawa. Mapakaibigan, kapitbahay o katrabaho ay nakisimpatya din.

*************** First night ***********

" Nakikiramay kami sa inyo Acton at Conran " pagbati ng mga dating kaibigan ng kanilang ina


" Maraming salamat po . Mabuti at nakapunta po kayo dito Tito Hunter at Tita " nalulungkot na pagkasabi  dito kay Acton habang pinapahid pa ang kaniyang mga luha na kanina pa tumutulo

" Nung nabalitaan namin ang nangyari sa inyong ina, hindi kami nagdalawang isip na pumunta at damayan kayo . " Sagot ni Hunter doon sa binata


" What a pleasant surprise ! Hindi ko inaakala na ikaw si Ace at Conran ay iisa ! " Gulat niyang sambit dito

" Pati ako Tito Hunter hindi ko pa lubos maisip na ako pala ang nawawala nilang anak ni Papa Adriel at Mama Aila po " pilit niyang ngiti dito


" Alam mo Iho Conran ang iyong mga mata kasing tulad ng mga mata ng iyong ama na si Adriel " singgit ng asawa ni Hunter dito sa kanilang usapan


" Alam ko po Tita Leatrix . Ramdam ko pa nung una na may kakaiba sa akin. Na hindi ako tunay na anak nila Papa Alistair at Mama Beula po. Siguro masakit pero maiintindihan ko iyon ng paunti- unti "


Lumapit sa kanila ang iba.

" Grabe sa hinahaba- habang panahon ay may kaya pa siyang magpakita mismo dito at namaril pa , tsktsktsk " pagmumura ni  Abednego nito

" Alam naman natin kung ano ang sadya niya eh " nakikiusyong si Amara dito


" So what is your plan Abednego ? " Tanong ni Akira


" Mas masaya kasi siya na mismo ang lumapit sa kaniyang himlayan ! " Galit niyang tono dito


" Paano na sila ? " Pagalala ni Harriet

" No worries Tita Harriet, kaya namin ito ni Conran kahit sa totoo ay hindi "

Napaiyak silang lahat . Niyakap ng mga kaibigan ni Adriel at Aila ang mga dalawang binata. Makailang segundo ang nakakalipas dumating sila Qistina, Adelice at Ashton. Agad lumapit ang dalawang dalaga doon sa dalawang binata. Si Qistina kay Conran. Samantala si Adelice kay Acton naman na siyang ikinagulat ng binata na si Conran.

" Nakikiramay kami " sambit ng tatlo


Kakamayan na sana nila Adelice at Ashton si Conran pero umalis ito at lumabas sa kanilang bahay. Napansin iyon ni Hunter at Leatrix.


" Acton iho alam ba niya ang ano natin nagawa sa kaniya ? " Pagtataka ni Hunter dito


" Sabi niya oo pero alam ko at ramdam ko na nagagalit siya sa akin at iyan ang ikinatatakot ko po Tito ang kamuhian ako ng aking bunsong kapatid "


" Alam mo iho kahit alam niya ang ginawa natin o nating lahat , iparamdam mo sa kaniya na mahal mo siya. Kapag alam ni Mary Sue ito tiyak lalasunin niya ang utak ng iyong kapatid " paalala ni Leatrix dito doon sa binata


" Gagawin ko po ang lahat na yan Tita . Maraming salamat sa paalala niyo " pagpasalamat ng binata


Umalis muna ang binata saglit doon sa kumpulan ng kaibigan ng kaniyang ina at lumapit kay Adelice habang nakatingin sa ataul ng kanilang ina. Binulungan niya iyon habang mariin niyang hinawakan sa balikat na siyang nasasaktan ang dalaga. Nagkunwari lamang siya na nakangiti at lumabas sila saglit doon sa bahay.

Nagpunta sila sa may labas hindi naman malapit kung saan nandun si Conran , nagiisa na nakatingin sa nagniningning na bituin sa langit.


" Bakit ako pa ang iyong nilapitan ? Dapat sana si Conran at hindi ako ! " Bulyaw niyang sagot dito sa dalaga habang hinawakan niya ng mahigpit iyong balikat

" I miss you na kasi " paghalik niya dito sa labi ng binata


" Kahit na " galit niyang sambit dito


" Akala ko ba itutuloy natin ang plano towards Conran ? "

Hindi nila namalayan na nasa likuran na pala nila si Conran na kanina pa nakikinig sa kanilang usapan.


" Anong plano mo kuya laban sa akin! " Pagtaas ng boses dito


" Kuya of you let "


Hindi niya pinatapos ang kaniyang kuya. Sa halip sinuntok niya iyon ng makailang beses hanggat sa pumutok ang labi nito.



" Tama na Conran , tama na ! " Pagawat ni Adelice dito sa dalawa


Itinulak  niya iyon na siyang dahilan ng pagbagsak nito sa may damuhan.



" Igalang mo ang babae bunso ! " Bulyaw niya


" Ako pa ang gagalang ! Kayong dalawa ang hindi ! Totoo pala ang aking nasagap na ikaw Adelice matagal mo ng alam kung nasaan siya at may nangyari na pala sa inyo ng maraming beses! Mukha ka ngang pera ! "

" Ulitin mo iyan Conran at tiyak babagsak ka sa mga kamao ko ! "


Patuloy silang nagsusuntukan . Nagsisigaw na itong dalaga na siyang nakakuha ng atensyon doon sa mga tao na nasa loob ng bahay .

Lumabas sila at inawat nila ang dalawa. Nang maawat na nila ang dalawa , nagbigay ng babala itong si Conran sa lahat.



" Hindi ko aakalain na aabot sa ganito!  Natagpuan ko na sana ang tunay kong pamilya pero may isa diyan ang huwad !  Huwag kang magalala kuya aalis na ako dito ! Simula ngayon ituturing na kitang aking kaaway ! " Nakatingin ng masama siya dito kay Acton


Umalis ang binata doon sa kanilang bahay. Sa kabilang banda naman sa labas ng kabilang bahay  ay may  isang itim na ford ranger tinted ang nakamasid sa lahat ng pangyayari .



" Iyan ang gusto ko ituring mong kaaway ang iyong sariling kadugo , hahaha ! " Natutuwang si Mary Sue dito sa mga pangyayari



" Kung nawala man sa akin si Acton , mukhang may laruan na naman akong bubuin , hahahha ! " Turan niya dito


Natapos ang gabi na may gulo . Makalawa o siyam na araw sa libing ng kanilang ina , hindi nagpakita si Conran dito o nagparamdam man lang. Inilibing nalang ang kanilang ina ay hindi pa rin ito nagpakita.


Nung wala na ang lahat doon sa sementeryo, doon pa nagpakita ang binata.


" Patawarin mo ako aking ina, hindi ko maipapangako na magkabati kami ni kuya na alam ko siya ang huwad at sinungaling sa amin ! " Pagkasabi niya dito habang umiiyak


Hindi niya namalayan na may nakamasid sa kaniya kanina pa .


" Ayokong maulit ang mga pangyayari na sinapit naming lahat " pangingiyak ni Adriel dito


Narinig iyon ng binata.


" Sino ka ? "

Patakbo niyang hinabol iyon.  Hindi niya kinaya ang kaniyang pagtakbo kasi mabilis iyong tao na hinabol niya. Nang may napansin siya sa ibaba na nagbibigay sa kaniya ng pagasa at pagtataka. Larawan iyon ng lalake. Magkawangis sila ng pigura ng mukha. Nang sumagi sa kaniyang isipan ang nakita niyang larawan na meron siya. Kinuha niya iyon sa bulsa ng kaniyang pantalon at ikinumpara . Nang mapaiyak siya.


" Papa ? "


....... Ipagpatuloy............













His DarkPast Compilation Series  Season 2  ( ONGOING ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon