His DarkPast Compilation Series Chapter20 ( Jail Gone Wrong )
Revenge, Regret, Love Story, Love Triangle
RSPG 18+Available in Wattpad
Sa Panulat Ni : Sogin Wp
" Maam may dalaw po kayo " aniya ng isa sa lalakeng jailguard
" Sino ? "
" Mabuti pa at lumabas na po kayo kasi may importante siyang ibibigay "
Tumayo ang nasabing ginang kasama ng lalakeng jailguard papalabas ng nasabing selda. Nung nandun na sila sa silid dalawan ( visiting area ) natanaw na ng ginang ang sinasabi ng lalakeng jailguard kanina. Bago pa siyang iniwan dito , bumulong muna ang nasabing jailguard.
" Maam wala po ba ang parte ( pera ) ko ? " Mahina niyang pabulong dito
" Makukuha mo lamang iyon kung maayos at walang sabit ang pagtakas ko mamayang gabi " tuso niyang sagot dito
" Makaka asa po kayo maam . Sisiguraduhin ko po na walang makaka alam sa iyong pagtakas mamaya " panigurado ng nasabing jailguard
" Makaka alis ka na . Balikan mo nalang ako mamaya "
" Opo maam "
Pagkatapos iyon ay umalis na ang jailguard ng nakangiti.
" Tsktsktsk , kapag pera nga naman ang paguusapan talagang hahamakin ang lahat " mahina niyang mura dito sa harapan ng kaniyang tauhan
" Mahahalata mo naman iyon maam eh hehe " pagsang ayon niya dito
" Ano na ang ganap sa labas ? "
" Ikakasal na sila Boss Conran at Madam Qistina po maam sa lalong madaling panahon "
" Ganun ba ? Eh di pupunta tayo "
" Pero maam "
" Anong pero ? Dahil ba kay Acton takot na takot ka na? Tandaan mo hinding- hindi niya mararating ang kaniyang rurok ngayon kung hindi dahil sa akin ! Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta tayo kahit hindi tayo inimbita. Magdadala tayo ng regalo na hinding - hindi nila makakalimutan ng magkapatid hehehe " nakangisi niyang sabi
" Sige po maam makaka asa po kayo sa amin "
" Iyong usapan natin alam mo na "
" Opo maam . Sige aalis na po ako at ihahanda ko na ang aking mga tauhan "
" Sige "
Agad tumayo ang lalake at saka umalis. Bumalik na din siya sa kaniyang selda.
******** 10pm , inside the jail ***********
Malalim ang gabi. Tanging mga sirena ng nasabing jail ang iyong maririnig. Napakatahimik ng buong paligid. Dagdagan mo pa ang napakalamig na hangin . Mahimbing na natutulog ang lahat maliban sa lalakeng jailguard na pumunta sa may selda kung nasaan nakahanda na ang mismong ginang sa pagtakas.
Binagalan ng lalake ang pagbukas ng selda. Pabulong niya itong kinausap ang ginang.
" Maam dito po ang labasan. Sa likod nito ng nasabing building ay naghihintay po ang iyong mga tauhan "
Tumango lamang ito. Binagalan pa nila lalo ang kanilang lakad hanggat sa nakalabas na ito sa may selda. Nang biglang tumunog ang sirena na siyang nagbibigay lalo ng ingay doon sa buong lugar ng bilibid.
" Nakatakas ang ginang ! Habulin niyo ! " Sigaw ng leader ng nasabing jailguard
Tumakbo silang pareho ng biglang natalisod ang nasabing lalakeng jailguard sa may daan na siyang dahilan ng pagkasugat nito sa may tuhod.
" Maam tulungan niyo po ako "
Sa halip tulungan niya iyon, tumalikod ito at saka patuloy sa pagtakbo. Nagtagumpay siya sa kaniyang plano. Agad na itong sumakay sa itim na kotse.
" Ang demonya na sinasabi mo Acton ay siyang maghahatid sayo sa impyerno hahahah ! "
..... Ipagpatuloy.......
BINABASA MO ANG
His DarkPast Compilation Series Season 2 ( ONGOING )
General Fictionpaunti- unti lumalabas ang kani kanilang sekreto . mauuwi ba ang lahat na ito sa wala ? mababaon ba sa limot ang lahat ? ating ipagpatuloy ang kwento ni Conran na ngayon ay kasama na niya ang kaniyang kapatid na si Acton na lutasin ang lahat na sekr...