His DarkPast Compilation Series Chapter 19 ( Dare To Confess )

0 0 0
                                    

His DarkPast Compilation Series   Chapter19 (  Dare  To Confess   )
Revenge, Regret, Love Story, Love Triangle
RSPG 18+

Available in Wattpad

Sa Panulat Ni : Sogin Wp


Tanghali na silang dumating sa bahay. Pagpasok pa lang nila doon sa loob mararamdaman mo ang lungkot at pighati. Nagkatinginan ang magkapatid. Sabay pa silang napabuga ng hininga at umupo sa may sofa. Sinalubong naman sila ng kanilang mga katulong at binati nila ang kanilang amo.


" Magandang tanghali po mga sir " sabay nilang pagbati dito

Napatango lamang sila.


" Yaya kumuha ka nalang ng bisquit at ilagay mo ito sa may plato at magtimpla ka ng nestea " utos ni Acton


" Sige sir paki antay lamang po "

Umalis na sila at nagsibalikan sa kani- kanilang mga trabaho. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala ang kaniyang bunsong kapatid nito sa may sofa . Nakangiti lamang ito .


" Gagawin ni kuya ang lahat-lahat bunso. Wag kang magalala " mahinang boses niya dito

Nang lumapit ang isa sa katulong niya na may bitbit na isang plato na punong- puno ng bisquit at nestea. Sininyesan niya ito na sa labas ng kanilang bahay niya iyon dadalhin . Ayaw kasi niyang maistorbo ang ngayon na nahihimbing na natutulog niyang bunsong kapatid.

Binagalan niya ang kaniyang lakad . Hanggat sa nakarating na ito sa labas. Umupo siya habang tinatanaw niya ang mga halaman  na sinasayaw ng preskong hangin , ibon na lumilipad sa ere at iba pa. Nang matanaw niya si Adelice .

Hinalikan siya ng dalaga sa may labi na labis naman ang ipinagtaka dito  ng mga katulong at tauhan niya. Tinitigan niya iyon ng masama. Sabay alis nila na walang ni  paglingon ang kanilang ginagawa.


" Hindi kita pinapunta dito ah " pagtataka niya


" Oo alam ko. Nagalala lamang ako sayo "


" Ako lamang ba o siya ? " Pagpigil niya dito sa dalaga

Nang hindi nila namalayan na nandun din si Qistina. Kitang kita sa  mismong ekspresyon ng kaniyang mukha ang labis na pagalala . Ni hindi nga bumati ito doon sa dalawa. Basta lamang iyon pumasok sa loob ng bahay.


" Conran   .  " pagalala niya dito habang tumutulo ang kaniyang mga luha na nakayakap sa binata na ngayon ay nagising sa pagkakahimbing niyang tulog

Kinukusot- kusot pa niya ang kaniyang mga mata. Nakangiti ito doon sa dalaga at hinalikan niya iyon sa labi na siyang saktong pagpasok ng dalawa nito.

Parang nakapako ang mismong dalaga  doon sa kaniyang nakikita. Nakangiti pero tumutulo na ang kaniyang mga luha nito. Nakita iyon ni Acton. Nalungkot din siya doon sa dalaga. Binulungan niya iyon.


" Lumabas nalang tayo ulit. Bigyan natin sila ng oras " ngiting tipid niya dito

Pati si Acton naa apektohan doon sa mga pangyayari .

" Ang akala ko lang nung una laru- laro lang itong damdamin ko sayo Adelice pero bakit ang sakit ? " Naiiyak niya dito habang kinakausap niya ang kaniyang isipan

Napansin iyon ng dalaga. Pinahid niya ang mga luha nito.

" Huwag mo akong alalahanin , ok lamang ako . Aalis nalang ako . Babalik nalang ako kung ok na ang lahat " pagkasabi niya dito

Hinayaan niya lamang iyon na umalis.


" Bakit mo ako hinalikan ? " Pagtataka ng dalaga

Nakangiti lamang ito habang may kinukuha sa kaniyang bulsa. Isa iyong maliit na kahon. Lumuhod siya sa harapan ng dalaga at binuksan ang nasabing maliit na kahon.


" I know our first meet was  we over  drunk and  both of us have our first sweet sex. I know that you know my first love is Adelice, but in a blink of an eye you catch my cold stoneheart . Thank you Qistina that you came and bring a light to my dark world . And i think this is the day that i've waited for. Qistina will you be my gf and soon to be my wife ? " Pagkasabi ng binata

" Ito din ang hinihintay ko Conran . Oo i accept your proposal "


Isinuot ng binata ang singsing dito sa isa sa daliri ng dalaga. Tumayo ito at hinalikan niya ulit sa mga labi.


" Ehemmpf  ! Congrats pala sa inyong dalawa " paubo- ubo ni Acton dito sabay niyang pagbati

" Salamat kuya " sagot ni Conran

" Salamat din sayo Acton " dagdag pa ni Qistina dito

" So kailan ang engagement party ? " Tanong niya doon sa dalawa

" Sa makalawa kuya "

" Good ! Ngayon palang we will prepared it. Go Qistina and tell your parents about it "

" Sige "

Umalis ang dalaga. Sila nalang ang naiiwan doon sa loob.

" Kuya nandito ba si Adelice kanina ? Narinig ko kasi iyong kaniyang boses " tanong niya

" Ah wala bunso. Baka guni- guni mo lamang iyon " pagsisinungaling niya dito

" Siguro nga . Sige kuya aakyat muna ako sa aking kwarto at doon ko ipagpatuloy ang naudlot kung tulog  "


" Sige bunso "

Umalis iyong binata papunta sa kaniyang kwarto. Agad tinipa ng binata ang kaniyang phone at tumawag.


********* Phone ring*********

" Adelice , nasaan ka ? "

" Kakarating ko lang sa bahay bakit ? "

" May sasabihin lamang ako sayo pero wag mo sana itong ikabigla " paalala niya

Nakaramdam ng kaba itong dalaga.


" Ano iyon ? "

" Ikakasal na sila Conran at Qistina sa lalong madaling panahon "

Pagkarinig niya dito , nabitawan niya ang kaniyang phone. Umiiyak ito habang dinaramdam niya iyong mga sinasabi ng binata.

" Huli na pala ako " pagiiyak niya dito


..... Ipagpatuloy......















His DarkPast Compilation Series  Season 2  ( ONGOING ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon