His DarkPast Compilation Series Chapter22 ( Second Card : Two Deaths )
Revenge, Regret, Love Story, Love Triangle
RSPG 18+Available in Wattpad
Sa Panulat Ni : Sogin Wp
******** A night before the engagement party *******
Nasa labas ng kanilang bahay itong si Conran. Malalim ang iniisip. Inalala niya ang lahat. Iyong engagement party nila ni Qistina, iyong sakit ng kaniyang kuya at iyong ama niya na nakita niya sa sementeryo . Nakita iyon ni Acton. Papalapit siya dito kasama ang kaniyang personal trusted lawyer.
" Mukhang malalim ang iniisip natin bunso ah ? " tanong niya dito
" Wala ito kuya " pagsisinungaling niya habang nagyo yosi at uminom ng gin
" Bunso kahit hindi man tayo nagkasama noong una , ramdam ko ang iyong lungkot. Tungkol ba ito sa nalaman mo tungkol sa aking sakit at banta ng demonya na iyon ? " Pagalala niya
" Opo kuya " malungkot niyang sagot dito
" By the way bunso , naalala mo ba iyong sinabi ko sayo kahapon? Noong nasa hospital tayo ? Iyong tungkol sa last will testament ko ? Supposedly nextweek sana ito kaso minadali ko na baka may mangyari pa sa akin ng masama hahaha " tawa niya dito na may halong kaba at takot
" Kuya ! Don't act like that ! Hindi iyan biro ! " Galit niyang sagot
" Bawas - bawasan mo kasi ang pagkakape hahahaha ! " Panunukso niya
" Ewan ko sayo kuya " nakasimangot niyang turan
" Pasensya ka na attorney if i call u now " pagpaumanhin niya dito doon sa kaniyang abogado
" Anything for you Mr Fennigen. Good evening din sayo Mr Conran. I am Atty. Aldous a trusted lawyer of your brother Acton " pagpakilala niya dito doon sa binata
" Good evening too Atty "
" Hindi na ako magpaligoy- ligoy pa kasi may lalakarin din ako na napaka importante. Dinaan ko lamang dito si Acton for urgent purpose. As you can see Mr Conran may makikita kang isang papel dito na naglalaman ng Last Will Testament ng iyong kuya. All of his assets will be yours. No worries of Maam Mary Sue, kasi ni peso o centavo wala siyang matatanggap " pagpaliwanag niya
" Paanong nangyari iyon Atty ? " Pagtataka ng binata
Ipinaliwanag niya ang lahat.
" Ganun po ba ? "
" Yes. Ang alam niya may mga ari- arian pa siya pero ang totoo wala na. Nung nalaman kasi ng stepdad ng kuya Acton mo ang dirtiest secret ng kaniyang asawa, wala siyang sinayang na oras agad niya iyon inilipat kay Acton with the help of mine. Kaya ito lahat ng ari - arian ng kaniyang stepdad nandito kay Acton. Kung nagtataka ka kung bakit may yaman pa siya, sinigurado din ng stepdad niya na hindi mahahalata ng kaniyang asawa na 50% sa ari - arian niya ay napunta na kay Acton. Kaya iyong 50% na natitira ibinigay niya iyon ng kusa. Matalino si Mr Fennigen pagdating diyan " pagpaliwanag niya
" Naintindihan ko na "
" Bweno , kindly sign this Mr Conran so that it will be effective immediately "
Tumango ang binata . Nilagdaan ang last will testament ng kaniyang kuya Acton na para sa kaniya. Umalis ang nasabing abogado pagkatapos niya iyon nilagdaan.
" Matulog na tayo bunso. Bukas na ang iyong engagement party ni Qistina para maka iskor ka na dun , hehehe " panunukso niya
" Kaw talaga kuya . Sige "
Pumasok na sila sa loob. Kinaumagahan , nagising sila ng maaga. Naka handa na ang lahat. Pati ang mga tauhan nila. Sa ibang lugar naman nakahanda na ang mga tauhan ni Mary Sue.
" Matitikman niyo ang aking pangalawang paghihigante , hahahah ! " Ubod niyang tawag dito kasama na iyong kaniyang tauhan
Tanghaling tapat , nagsimula ang nasabing program. Maayos ang lahat. Dumalo ang mga kakilala at kaibigan ng dalawang binata. Nandun din ang kakilala at kaibigan ng pamilya ni Qistina. Punong puno ng kasiyahan.
Habang lumalalim ang nasabing program at may sasabihin pa sana si Conran ng biglang may nagtapon ng isang klasing bomba na kung malalanghap mo iyon ay mahihilo ka. Nagpa panic ang lahat. Lalabas sana silang lahat ng biglang nagsarado ang bawat pinto nito. Sigawan, iyakan ang maririnig mo doon sa nasabing event. Nang biglang may pumalo sa ulo ng binata na siyang dahilan na pagkawala ng kaniyang ulirat.
Nagising siya sa sigaw at iyakan. Nang biglang kinuha iyong panyo na nakapiring sa kaniyang mga mata at bibig niya kanina. Kinukusot- kusot ang kaniyang mga mata kahit nakararamdam pa rin ito ng paghihilo at sakit.
" Welcome to hell Conran , hahaha ! " Pangiinis ng ginang habang tinutukan iyong ng baril sa kaniyang ulo
Nang maging malinaw na ang kaniyang paningin , nakita niya si Qistina at Acton na parehong nakatali ang mga kamay at paa ng lubid habang nakasuot sila ng mga time bomb .
" Hayop ka Titaaa ! Pakawalan mo na sila ! " Galit niyang sigaw dito
" Ssshhhh , iho hindi mo ba gusto itong inihahandog kong regalo sayo hahahah ! "
" Hayop ka ! "
" Oppps ! Ganito nalang, hanapin mo iyong susi ng nasabing bomba. Kapag nakita mo iyon ng mabilis tiyak mabubuhay pa silang dalawa. Let the bloody game begins hahahaha ! "
Umalis iyong ginang na abot tainga ang ngiti. Kahit nahihilo pa ang binata, hinanap niya iyong susi doon sa bomba. Nilapitan niya iyong dalawa.
" 15 seconds? " Gulat niya dito
" Kuya , Qistina hahanapin ko iyong susi . Diyan lamang kayo. "
Nalilito, nanghihina itong binata. Hinanap niya ang susi habang ito'y nakatingin sa kaniyang relo. Bigo siyang mahanap iyon. Babalikan sana niya iyong dalawa ng biglang sumabog iyong bomba . Natapon siya ng napakalayo.
Pagtingin niya sa bodega nilamon iyon ng apoy . Nakatulala lamang ito habang nakatingin sa malaking apoy na iyon.
Tanging luha , poot at galit ang nararamdaman niya . Kinalaunan dumating ang mga bombero at pulis. Inalalayan siya ng mga rescuers papunta sa may ambulansya na naka istambay doon sa nasabing lugar at binigyan ng paunang first aide.
" Magbabayad ka Tita Mary Sue ! Hahanapin kita ! " Nanginginig niyang mga labi dito dala ng kaniyang matinding galit
..... Ipagpatuloy.......
BINABASA MO ANG
His DarkPast Compilation Series Season 2 ( ONGOING )
General Fictionpaunti- unti lumalabas ang kani kanilang sekreto . mauuwi ba ang lahat na ito sa wala ? mababaon ba sa limot ang lahat ? ating ipagpatuloy ang kwento ni Conran na ngayon ay kasama na niya ang kaniyang kapatid na si Acton na lutasin ang lahat na sekr...