His DarkPast Compilation Series Chapter21 ( Here Comes The Devil )
Revenge, Regret, Love Story, Love Triangle
RSPG 18+Available in Wattpad
Sa Panulat Ni : Sogin Wp
********* 7:45am at Collymore's Fitness Gym******
" Hindi hamak na maganda ang nasabing gym mo bunso ah " pagpuri niya dito
" Ito lamang ang alaala ko doon sa mga itinuturi kong mga magulang kuya " wika niya
Nang biglang tumunog ang phone ni Acton. Pagtingin niya unknown number iyon. Nagaalinlangan pa iyon kung sasagutin ba niya o hindi . Patuloy pa din iyon sa pagri ring .
" Kuya baka importante iyan. Sagutin mo nalang kaya " suhestiyon niya
" Baka nga bunso . Sige sasagutin ko muna ito saglit "
Bahagya siyang lumayo. Nung nasa labas na siya ng gym sinagot niya iyon.
" Sino ito ? " Tanong niya habang hawak niya iyong kaniyang phone
" Sir ako po ang leader ng nasabing jailguard dito sa bilibid na kung saan dito nakakulong ang iyong stepmom " pagpakilala niya dito sa binata
" Ah ok sir. Anong sadya niyo at napatawag pa kayo ng maaga ? "
Hindi kaagad nakapagsalita itong jailguard doon sa binata. Kinutuban ito ng masama.
" Sir inuulit ko po bakit ang aga niyong tumawag unless it is a very important matter in regards to my stepmom "
Tahimik parin siya.
" Sir ! "
" Sir huwag sana kayong mabibigla. Pero "
" Anong pero ? "
" Kagabi sir nakatakas si maam sa tulong ng isa mga gwardiya namin. Hindi namin alam na sinuhulan pa iyong isa sa mga gwardiya namin. Under investigation pa iyong tauhan namin sir doon sa pulis station " pagpaliwanag niya dito habang kinakabahan sa kaniyang pagsagot doon sa binata
Napamura iyong binata. Galit na galit sa kaniyang nalalaman . Nang makaramdam iyon ng paninikip ng dibdib at nawalan ng malay. Nagkataon na kalalabas lamang ni Conran kasi nagtataka na ito kung bakit matagal na bumalik sa loob ng gym iyong kaniyang kuya. Nang nakita niyang nakahandusay iyong kuya niya sa may daan ng walang malay nag hestirical ito.
" Kuyaaaaa ! Tulongg ! Tulungan niyo kami ! Tulong ! "
Isang concern citizen ang nakakita sa dalawa. Lumapit iyon at tumawag ng ambulansya. Makailang segundo ang nakakalipas dumating ang ambulansya. Isinakay sa may higaan at ipinasok sa nasabing sasakyan.
Nung nasa hospital na sila , agad lumapit at nagpakilala ang nasabing lalakeng doktor.
" Magandang umaga sir , ako nga pala si Dr. Garrison ang general doktor dito sa nasabing hospital " pagbati niya dito
" Magandang umaga din doktor. Ano po ang dahilan kung bakit nahimatay si kuya ? "
Napatigil siya saglit. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. At tiningnan niya ang results doon sa binata.
" Let me get straight with you sir, base on the results that we test to your brother we found out that he has a heart disease . Papalaki ang nasabing butas ng kaniyang puso. I suggest as soon as possible he needs to be under a chemo so that we can monitor his health. Not only that he has also a ptds ( post traumatic disease syndrome ). Nakukuha lamang ito if a person has experience a physical violence that can trigger his mental health " pagpaliwanag niya dito
Nagulat ang binata sa isiniwalat ng doktor.
" Doktor hindi yan totoo. Bawiin mo iyan "
" I'm sorry sir . Iyan ang lumalabas doon sa test na ginawa namin kanina. I have to go. May round the check pa ako sa mga iba kong pasyente "
Umalis na ang nasabing doktor. Nagising na rin si Acton. Dali- dali itong lumapit doon sa kaniyang kapatid.
" Kuya totoo ba iyong sinabi sa akin ng doktor kanina ? "
Hindi niya sinagot iyong tanong ng kaniyang kapatid .
" Kuya " pagalala niya dito
" Bunso mabubuhay pa si kuya mo . Kung mamatay man ako , lahat ng meron ako mapapasayo. Samakalawa pupunta iyong trusted lawyer ko para pagusapan iyong last will testament ko "
" Kuya ikaw lamang at si Qistina ang meron ako . Kung si itay naman hindi natin alam kung patay o buhay pa siya. Kuya huwag mo akong iwan . Ayaw kong maiwan " pagiyak niya dito
" Kagaya ng sinabi ko , kuya will be forever in your heart. Kuya will be your forever guardian angel . Masaya ako kasi nakita kita . Naalala ko pa nung baby ka palang palagi mo akong nababasa sa iyong ihi kasi minsan umaapaw na sa iyong diaper "
Niyakap lamang niya ang kaniyang kuya habang umiiyak .
" Kuya huwag kang magsalita ng ganyan . Ganyan din ang sinabi ni mama sa atin bago pa niya tayong iniwan " naiiyak niya dito habang nakayakap
Nakangiti lamang si Acton. Nang hindi niya namalayan na may tumawag ulit sa phone niya. Sasagutin niya sana iyon ng biglang may lumapit sa kaniya. Isang binata na may dalang isang napaka preskong itim na rosas . Binigay niya iyon doon kay Acton na siya namang pagtataka niya doon sa binata na nagbigay sa kaniya ng bulaklak . Sinagot niya ang nasabing tawag .
" Kamusta ka na aking anak ? Natanggap mo ba ang aking unang regalo ? Hudyat lamang iyan na bumalik ang isang demonyang katulad ko , hahaha ! "
" Hayop ka ! " Sigaw niya dito habang mariin niyang hinawakan ang kaniyang phone
" Mas hayop ka ! Traydor ! Pagsisihan mo na bumaliktad ka ! "
" Alam kong duwag ka my stepmom ! Huwag mo akong gawing tanga ! Kapag magpakita ka man lang o magparamdam sa amin , asahan mo papatulan kita ! "
Agad binaba ang nasabing tawag .
" Aahh ! Damn it ! " Galit niyang turan dito
" Sino iyon kuya ? "
" Iyong demonya na alam mo nakatakas kagabi sa may piitan ! "
" Ano ? Paano kuya ? "
" Sinuhulan lang naman niya ang isa sa mga jailguards na nakabantay sa kaniya ! "
" Paano iyan ? " Natatakot niyang tanong
" Diba engagement party niyo bukas ? Alam ko mangugulo siya. Gagawa tayo ng entrapment operation laban sa kaniya. Magpapatulong tayo sa mga kapulisan para mahuli ulit siya "
" Sana kuya masakote natin ulit siya "
" Gagawin ang lahat ni kuya para maging matiwasay ang engagement party niyong dalawa . Mahal na mahal kita bunso "
" Mahal din kita kuya "
.....ipagpatuloy......
BINABASA MO ANG
His DarkPast Compilation Series Season 2 ( ONGOING )
General Fictionpaunti- unti lumalabas ang kani kanilang sekreto . mauuwi ba ang lahat na ito sa wala ? mababaon ba sa limot ang lahat ? ating ipagpatuloy ang kwento ni Conran na ngayon ay kasama na niya ang kaniyang kapatid na si Acton na lutasin ang lahat na sekr...