5

127 12 1
                                    

Celebrate

"HELLO, pretty sissy." bungad ni Daniela, nahihiya naman akong kumaway dahil it seems like hinintay nila ako.

"Mabuti at nandito ka na sissy, gutom na gutom na us." hirit ni Bene, I laughed at nag-peace sign. Nakita ko naman na malapad na ngumingiti si Vera habang nakayapos kay Akira, I saw how uncomfortable Akira is kasi parang tarsier si Vera sa tabi niya. Napailing-iling lang ako at sumenyas sa kanila na papasok muna ako sa kwarto. I roamed my eyes at hindi ko nakita si Arth.

Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at nakisali sa kasiyahan nila, hindi ko pa rin mahagilap si Arth. Napangiti ako habang tinitignan ang mga kaibigan ni Arth na enjoy na enjoy.

"Nasaan si Arth?" I whispered to Vera. Tinuro niya naman yung kwarto ni Arth. Nasa kwarto niya lang pala siya.

"Galit siya earlier," bulong ni Vera. Nagtaka naman ako sa sinabi niya, bakit naman magagalit ang isang yun? Namula ako ng maka-isip ng dahilan pero isinantabi ko lang baka sumubra na ako sa pagiging delusional.

"Ewan ko, he just keeps on walking back and forth sa sala kanina at parang inip na inip." Napailing lang ako at tumayo, maybe I need to call him para masimulan na namin ang salu-salo at maibigay ko sa kaniya yung regalo ko.

Nasa bulsa ko lang yung regalo na ibibigay ko sa kaniya. I am rooting na sana magustuhan niya kahit hindi pasok sa taste niya.

I knocked on his door three times at sa ika-apat na pagkatok ko ay bumukas na yung pinto at bumungad siya sa harap ko. Ang gwapo niya talaga, I squealed mentally.

"Mabuti at nakauwi ka na," maarte niyang tugon at nag-pout pa. I smiled sa inakto niya, he looks so cute. Hindi ko naman maiwasan na tumingkayad at kurutin yung pisngi niya.

"Hoy chaka, ano ba?!" At iniwas niya yung mukha niya, nakita ko naman ang pagpula nito.

"Happiest birthday," bulong ko. Lumingon ako sa kinaroroonan nila Vera at nagkakatuwaan pa rin sila. I grabbed Arth's arm at iginiya siya sa sala.

"Nandito na si Heart, let's officially celebrate his birthday. 1,2,3..." sigaw ni Bene.

"Gurang ka na ghorl," natawa ako dahil ngayon ko lang narinig ang matinis na boses ni Akira. Umismid naman si Arth at nag-flip pa sa imaginary hair niya.

"Quiet ka nga, baks," sabay zip ni Arth sa bibig niya, natawa naman kaming lahat.

"Let's sing together, guys! Happy birthday, Heart." panimula ni Vera at lahat namin kami ay kumanta.

"Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday. Happy birthday, Heart."

"Yohoooo." sigaw naming lahat ng sabay.

Nagpalakpakan kami at nakita ko naman ang malaking ngisi ni Arth habang nakatingin sa akin, I smiled widely and wink at him. Umiwas naman siya ng tingin at mukhang naiiyak, bakit ba ako nagkagusto sa bakla na 'to?

"Wag ka na mangiyak-ngiyak diyan anteh, kung hindi lang talaga namin natunton 'tong apartment mo edi hindi sana natin ma-icelebrate tong birthday mo at baka itong si Celine pa ang mumukbangin mo," nagulat naman ako sa sinabi ni Bene. Nakita ko naman na napalitan yung emosyon ni Arth ng galit, nakakagigil naman si Bene.

"Eme lang nay. Let's eat na, tom jones na akez."

Kumuha ako ng plato at nagsandok ng kanin, nagulat naman ako ng lagyan ni Arth ng beef steak at carbonara yung plato ko. I also put chicken wings sa plato niya dahil puro pasta lang yung laman.

"Hoy ano yan, kayo ha ang babata niyo pa." si Vera.
Uminit naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya at sumali na rin sa asaran sina Daniela at Bene.

Tangents Series #1: My Gay HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon