My date
NASA biyahe na kami at si bakla yung nagmamaneho, first time kong makasakay sa kotse niya and he told me na sariling savings niya ang ginamit niya kaya nakapundar siya nito, that's really fascinating of him. Ang tahimik naming dalawa kaya ako na ang nag-initiate ng conversation.
"Baks, kailan ka ba mag laladlad?" I asked out of the blue, hindi ko pa kasi siya nakita na nagsuot ng mga pambabaeng kasuotan. Tumaas naman yung kilay niya habang nasa harap pa rin yung tingin.
"Huh?"
"Mag-laladlad like mag-cross dress o mag-make up, ganoon?" he just shrugged and umiling-iling.
"I just don't want to, dami mong alam," at tumahimik na ako sa sinabi niya.
Nakarating na kami sa hotel kung saan gaganapin ang party, kahit nasa entrada pa lang kami ay tila papasok ka sa isang engrandeng mansyon. Ang kabuuan ng hotel ay spacious at napaka-fancy and luxurious, hindi ko masabi kung anong tawag ng architectural design nang hotel but maihahambing ito sa mga nakikita ko sa magazine na may mga pictures ng European hotels.
It's my first time to attend a party na sobrang splendid at never pa akong nakapasok sa isang high-end na lugar, thanks talaga kay bakla.
Speaking of bakla, nasa tabi ko lang siya at abala sa pagtitipa ng kung ano sa phone niya. May lumapit na usherette sa amin at iginiya kami sa function hall ng hotel, at pagpasok namin ay namangha ako dahil lalakad kami sa red carpet and the place is so grand.
The people inside are mesmerizing, majestic at eleganteng tignan sa suot at postura nila, parang hindi ako nababagay sa lugar.
I stopped walking at napahawak sa hem ng blazer ni bakla, kinakabahan ako. Shit naman.
"Bruha, bakit?" He whispered. I gulped at tumingin sa maraming tao, nagulat ako dahil he clasped my hand firmly and I felt my stomach tingles. There is a relief nung hawakan niya ako sa kamay.
"Kalma ka lang baks, you look so fetch and charming kaya," kahit pabakla niya yung sinabi ay di ko maiwasan na kiligin, naramdaman ko na kumalabog ng mabilis yung puso ko, as he complimented me and that's the first time.
"Tara na," nilingkis ko naman ang braso ko sa bisig niya at hindi naman siya tumutol.
"It's nice to see you here, Mr. Manzan," ani ng matandang lalaki kay Arth nung makarating kami sa table malapit sa kanila.
"Me too, Tito Rafa." He answered using his manly voice, nakakatunaw po opo. Napansin naman nung lalaki ang magkahawak naming kamay ni Arth kaya agad akong namula ng marealize yun.
"So, who is this lovely lady na kasama mo?"
"Arturo, my son," tugon ng sopistikadang babae at malapad na ngumiti sa akin.
"Tita Bridgette, I'm glad to see you," at yumakap si Arth sa babae.
"Sino naman tong magandang babae na'to, she looks so fine. Bagay na bagay kayo," I felt my cheeks redden.
"Uhm, this is my date, her name is Celine," pagpapakilala ni Arth sa akin. Shit. Ang bilis na naman nang tibok ng puso ko, para akong kinakapos ng hangin.
"Hello po, it's nice to see you all po," mahinhin kong sabi and I tucked my loose hair behind my ears. Napansin ko naman ang pagpipigil ni Arth ng ngiti kaya pinandilatan ko siya.
"This is Tito Rafa and Tita Bridgette, parents sila ni Vera,"
"Nice to meet you, Celine," at dinambahan ako ng yakap nung babae, kumaway naman yung lalaki sa akin at ngumiti lang ako.
BINABASA MO ANG
Tangents Series #1: My Gay Housemate
RomanceFirst Installment of Tangents Series: My Gay Housemate The story of Celine and Arth ♡ A novelette Book Cover: Made from Canva