7

108 10 0
                                    

Act of Service

MANY days have passed and it's Saturday morning already. I regret dahil hindi ako nakapaghanda ng susuotin dahil abala ako within the past few days sa mga requirements na kailangang ipasa for midterm.

"Good morning, baks huhuhu hindi ko alam anong susuotin mamaya." Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaniya.

"Just wear anything comfortable--"

"So, pwedeng magsuot ng pajama?"

"Tangeks ka talaga chaka ka, wag ka na ngang ma-stress sa susuotin mo dahil pupunta si Vera dito mamaya at dadalhin ng merlat na yun yung susuotin mo."

"Okay po." at lumingkis ako sa bisig niya, ever since that night nung hinayaan niya akong sumandal sa balikat niya ay hindi na ako nagtatanong ng consent niya pag hahawakan ko siya at nagiging clingy ako sa kaniya. Physical touch kasi yung love language ko, when it comes lang siguro pag sa kaniya charot.

"Bitaw bruha at mag-aagahan na tayo" tumango ako at umupo na.

Ngayon ko lang nalaman na fashion designer si Vera and she owns a boutique clothing store, she just came an hour ago and dropped by at umalis rin agad.

Nilabas ko sa box yung susuotin ko at namangha ako dahil bumungad sa akin ang isang knee-length cocktail dress na kulay blush pink na pinili ni Arth para sa akin, napaka-fashionable naman ng baklang yun.

It looks so charming and fancy na para bang pupunta ako sa isang elite party. Nakita ko si baks na lumabas ng CR kaya agad ko siyang hinarangan.

"Napakagara naman ng dress na pinili mo para sa akin juding, baka magmukha akong mayaman at makahuli ng mayamang lalaki sa party na pupuntahan natin," biro ko sa kaniya, napansin ko naman ang pagkunot ng noo niya at tinaasan ako ng kilay.

"Nag-iilusyon ka na naman, baka mapagkamalan ka pang serbidora nang hotel," umakto akong nasasaktan at humawak pa ako sa dibdib ko.

"Ang harsh mo naman baks, ouch nakakasakit ka." He just rolled his eyes at tumungo sa kwarto niya.

"Baks, bakit isa lang yung nirentahan mo? Hindi ka ba magsusuot ng gown?" panunuya ko at lumabas naman siya na topless, busog na naman ang mata ko sa pandesal na nakikita ko.

"Eyes up here chaka, kung saan-saan na naman nakatingin yang mga mata mo." ngumiwi naman ako at inismiran siya.

"Syempre hindi ako magsusuot ng gown no, baka kabugin ko yung mga tao at ako pa ang maging face of the night tas kukunin ako ng Vogue bilang model---" iniwan ko na siya, ang senseless kasi ng mga lumalabas sa bibig niya tsk mahiya naman ako sa kaniya na tawagin niya akong delusional. Narinig ko naman siyang sumigaw pero kumaripas na ako ng takbo patungo sa CR para maligo na.

KUMATOK ako sa kwarto ni Arth at pinagbuksan niya naman ako ng pinto, agad naman akong pumasok at nakita ko na nakahanda na yung susuotin niya para sa event mamaya. We still have 4 hours to prepare.

"Ano na naman chaka?"

Umupo ako sa gaming chair niya at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto niya, minimalist lang naman yung design at sobrang linis. Ngayon lang kasi ulit ako nakapasok sa kwarto niya.

"You are invading my privacy bruha, labas ka nga kung wala ka namang gagawin dito at mukhang iinspekyunin mo lang 'tong kwarto ko." singhal niya. Tumayo ako at tinignan ang repleksyon sa vanity mirror niya, ang gara talaga ng baklang to.

"Pahiram naman ako ng blower oh, matagal pa kasi bago matuyo 'tong hair ko at malapit na yung oras para umalis tayo."

Tinignan ko ulit yung sarili ko sa salamin at napansin ang basa kong buhok na hanggang beywang na ang haba, maybe I should cut my hair sa susunod na mga araw. I always tie my hair dahil ang init talaga kaya hindi ko maappreciate yung sarili kong buhok.

Tangents Series #1: My Gay HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon