To the Sky Above Me

3 0 0
                                    


Oh deep blue sky. The rays of sunlight in my eyes reminds me of my past childhood life.

Mula sa aking pulang gate na kinatatayuaan at sa kalsadang aking kanina pang pinagmamasadan ay tila ba binabalik ako sa nakaraan. Bata pa lang ako ay madalas na akong malapit sa pulang gate na ito ng aming bahay dito ko madalas iniintay ang aking Tatay na masayang-masaya na inaantay s'ya. Tuwing sasapit na ang alasais ng hapon ay kaagad na akong tatakbo mula sa mahabang sementadong daan na nagko-konekta ng bahay namin at ng gate. Sa pagtakbo ko ay bitbit-bitbit ko na ang upuan na sinadya pang gawin para sa aking ng aking Tatay. Maliit lang iyun at may ukit ng aking pangalan uupo ako ruon habang nagbibilang ng mga santan na tanim ng Inay. Palagi kong nae-enjoy ang gawaing iyun. Kung madalas ay pipitas pa ako ng mga santan at gagawin itong porselas o di kaya naman ay singsing habang inaantay ko ang tatay na dumating.

To the Sky Above MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon