To the Sky Above Me

2 0 0
                                    

Sa tuwing mababagot ako sa paggagawa ng mga iyun ay uupo ako ng ayos titingin sa gate na nasa harapan ko at itatanong sa sarili.

"Anong oras pa kaya darating si Tatay? Malapit na ba siya? Ano kaya ang posible niyang dala tinapay kaya o laruan, sige kahit ano na lang basta makauwi siya ng ligtas."

Palagi lang ganun ang ginagawa ko nung maliit pa ako. Tanda ko pa na sa tuwing magbubukas ang pulang gate na iyun ay kaagad na ngingiti ako na tila ba sabik na sabik na makita siya sa likod ng mga iyun. Madalas niyang ipapasok sa loob ang plastic na may laman ng pasalubong o di naman kaya ay paper bag at saka siya magwiwika.

"Well, well, well ano kaya ang laman nitong hawak ko? Meron kayang isang batang fairy na kukuha nito at yayakapin ako?"

Bungisngis ko ang laging sasalubong kay Tatay sa tuwing nasa loob na siya. Ibaba niya ang dala niya at bubuhatin ako para yakapin ng mahigpit and he will undoubtly kiss the top of my head.

"Para sa aming munting fairy!" Saka kukunin ni Tatay yung ibinaba niya at ibibigay niya sa akin. Those days are like a treasure for me that no one will ever take away. Napakasaya at napakapayapa pero hindi naman panghabang buhay na mag-i-stay na ganun diba?

To the Sky Above MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon