To the Sky Above Me

0 0 0
                                    

Habang nag-uusap ang Tatay at ang Inay at tinitignan ang laman ng bawat paper bag na hawak nila ay napalingon ako sa dati kong pwesto na miss ko nang tumambay sa pwestong iyun, umupo ruon at masayang mag-intay kay Tatay. Sa aking pagtingin ay tila nakikita ko pa rin yung batang ako, yung batang kahit malungkot ay masaya pa ding ngingiti para kay Tatay.

Tinignan ko din yung upuan na dati kong inuupuan at nakita ko ruon ang iniukit ko bago ako umalis sa aming bahay at magsimulang magtrabaho.

'Mami-miss ko itong gawin Tatay.'

Itong mga salitang ito ang nakaukit ruon at tandang-tanda ko pa na napaluha ako ng matapos ko itong iukit at itinago ko pa ang mukha ko sa kanila ng makita nila akong hawak-hawak ang upuan na ito. Muli kong kinuha ang upuan na iyun at hinaplos ang bawat letrang nakaukit ruon.

"Its been a while pero buo at matibay na parin," saad ko.

Pinapasok ko muna ang Inay at ang Tatay saka ako umupong muli sa mismong pwesto na iyun at tumingin sa langit.

"To the sky above me please watch over my parents whenever I am not around."

To the Sky Above MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon