To the Sky Above Me

1 0 0
                                    

Sa tuwing darating si Tatay sa amin ay kaagad na lumalabas din si Inay para salubungin siya at makikita niya na karga-karga na ako ng Tatay. Palagi niyang bibigyan ng halik sa labi ang Tatay at idadamay na din niya akong bigyan ng halik sa pisngi. Nami-miss ko na talaga ang ganuong pangyayari. Ngayon nasa pulang gate na muli ako ng aming bahay makalipas ang napakatagal na panahon. Akala ko pa nung una ay hinding-hindi na ako makakabalik pang muli.

Madaming bagay ang palaging pumipigil sa pagbalik ko rito at isa na nga duon ay ang aking trabaho. Oo kayod kalabaw ako parati kasi gusto ko na mabigyan sila ng maginhawang buhay at hindi ko parin naiisip na mag-asawa kasi hindi pa ito yung tamang oras at panahon kasi lahat naman ng bagay may dahilan kung bakit hindi nangyayari at nangyayari, hindi ba at hindi naman sa lahat ng oras makikisabay ka sa agos ng buhay ng iba. Oo nakatayo ako ngayon sa pulang gate pero hindi bilang yung bata nuon na inaantay ang Tatay umuwi kundi ako na ngayon yung inaantay umuwi.

To the Sky Above MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon