Someone's POV
Nasa harapan ako ngayon ng Eros University gate, hindi ko rin alam kung bakit nakapasok ako sa ganito ka garbong paaralan, pero kakaiba ang pakiramdam ko sa paaralang ito para bang hindi ito ordinaryo. Papasok na sana ako nang may bigla akong nakabanggaan.
"Tumingin ka naman sa daanan mo bro," paalala nito sabay kindat sa akin tsaka ako iniwan. Buti na nga lang hindi ako napasabak ng away pangalawang araw ko pa nga lang dito, tapos pinag-aral pa ako ng taong hindi ko kilala kaya mabuti na lang talaga at maayos ang araw ko kahapon at ngayon, pero hindi ko talaga makalimutan ang babaeng iyon kahapon.
*Flashback*
Nasa taas ako ng puno at tinignan ang malawak na tanawin ng paaralang ito sa sobrang laki ba naman nito parang isahang lungsod na kaya sino bang hindi magtataka, pero may kagrupohan ng mga lalaki at isang babae ang nakaagaw ng pansin ko para ba itong nagtatalo kaya naisipan kong tumalon galing sa puno at nagtago rito, pero sa hindi ko inaasahan ang isang babae ay para bang nakatingin sa gawi ko kaya minabuti ko ang pagtatago na parang ninja, buti na lang ay hindi siya naglakad palapit dito sa gawi ko at naglakad na palabas sa paaralan, 'may ganun?'
*End of Flashback
Sa'kanya kasi ako nakatitig kahapon ang astig ng galawan, siguro kung naging lalaki lang 'yun ay nako napakaswabe. Umiling-iling ako at pinagtatapik ang pisngi ko, ano ba 'yan nagiging bakla ako pakinggan, saan ba makikita ang classroom ko, kanina pa ako palakad-lakad dito sa hallway ng school nasa ikatlong palapag na ako pero wala pa rin, may nakapagsabi rin kasi na nasa ikalawang palapag daw itong Section Dagger pero wala naman 'yung name ng section ko, napansin ko lang lahat ng section dito ay nakapangalan sa mga weapons at ang iba ay mafia terms. Sa haba ng nilakad ko ay nakita kong may tag na Section Dagger sa isang classroom agad naman akong naglakad palapit bago pa man ako makapasok sa loob ay may sumuntok sa akin dahilan ng pagkatumba ko.
Azy's POV
Pasalamat talaga si Pierce at hindi siya ang tinamaan sa suntok ko, napapunta tuloy ako rito sa clinic room dahil dinala ko rito si,
"By the way, what's your name?" tanong ko rito, habang siya namimilipit sa sakit ng ilong niya sa lakas ko ba naman sumuntok hindi mo talaga aasahang hindi ka magkakatamo ng sugat.
"Klein, Klein Suarez," sagot niya na nakapagpatigil sa'kin, Suarez?
"Suarez? Tama ba ang narinig ko isa kang Suarez?" tumango-tango naman siya na parang wala siyang kamuwang-muwang sa nangyayari, don't tell me kapatid ko ito o hindi kaya'y pinsan, pero kaninong anak naman siya?
"Ikaw ba anong pangalan mo?" tanong niya pabalik sa'kin.
"Ako si Azy, Azy Suarez," pagpapakilala ko sa sarili, para siyang hindi makapaniwala sa narinig niya sa reaksyon ba namang nakanganga bibig niya at ang mga mata niya'y nanlalaki.
"Hala! Hindi ko alam na may kamag-anak pala ako rito, sino ba mga magulang mo?" pati ako hindi rin makapaniwala, pero sa galawan niya kanina hindi siya isang assassin ano kaya ang meron sa'kanya? Inuusisa ko siyang mabuti nang biglang tumunog ang phone ko, tinignan ko muna kung sino ang tumawag at si mama lang pala ano kayang pakay nito.
*On Phone Call*
"Hello ma?" bungad ko sa tawag.
"Did you meet Klein, your cousin?" so kilala ni mama si Klein, unfair ah.
"Yeah and sadly nasuntok ko siya sa mukha niya," sambit ko kay mama, hindi na rin siya nagugulat sa mga nagagawa ko sa school kasi ganyan lagi ang record ko.
"Kawawang Klein haha, okay I'll hang up the call for now, let's talk later," and she ended the call.
"Si tita Celin ba 'yun?" chismoso nito pero teka kingna, mama ko kilala niya, ako lang yata ang walang kaalam alam dito.
"Oo, teka nga bakit hindi kita kilala?" takang tanong ko sa'kanya, lahat kasi ng family namin ay may record kami, pero wala naman siya ron.
"Hindi nga rin kita kilala eh, ngayon lang," sagot niya na nakapagpagulo sa utak ko, kung kilala niya si mama at kilala rin siya ni mama eh ano ako? Ampon? Eh? AKO? AMPON? Hindi maaari nasa dugo ko ang dugo ng Suarez kaya hindi ako ampon, pero what if ampon talaga ako? Uwaaahhh T_T papanget niyo kabonding humanda ka sa'kin mamaya mama.
Nandito kami ni Klein sa cafeteria ng EU, first time niya raw makapasok sa ganito kagarbong paaralan, madami pa siyang ikinuwento sa akin tulad ng pambu-bully ng kanyang mga kaklase sa rati niyang paaralan, tapos nung andito siya kakaiba naman 'yung pakiramdam niya sa school na ito, sabagay may punto siya sa katagang iyon, hindi talaga ordinaryong school ang EU, may tinatawag sila ritong Dark x Spell Battle, nandito nga rin pala sila Felicity at Arianne tinext ko kasi sila na nasa cafeteria kami ni Klein, kinuwento rin ni Klein kung ano 'yung nangyari sa loob ng clinic nagulat nga rin sila na may kamag-anak pala akong pogi, pogi naman talaga si Klein nakasuot lang ng makapal na eyeglasses sakit sa mata 'yung eyeglass niya.
"Alam mo ba Klein na sa paaralang ito may tinatawag na Dark x Spell Battle," kuwento ni Felicity kay Klein na ngayo'y nakikinig lang,
"Ang Dark x Spell Battle ay isang laro pero with a twist, there are 5 spells in the battle," pagpapaliwanag ni Arianne, nakikita ko ang pangangamba ni Klein sa mukha at parang takot siya sa gulo. Sa Dark x Spell Battle, ang bawat manlalaro ay bibigyan ng tig-iisang spell na gagamitin nila sa pakikipaglaban, Revitalize, Auspices, Purify, Execute, and the last one is Nemesis.
"Ang Revitalize spell, you can have the product of medic, meaning you are harmless and it's your choice if you will help a player," napakamot naman sa ulo si Klein, napansin ni Arianne na hindi masyadong kuha ni Klein.
"Sa madaling salita, ikaw ang healer pero kapag nasali ka man sa battle na iyan ay dapat itago mo ang iyong spell dahil nanganganib din ang iyong buhay," nakuha na ni Klein kaya tumango ito at namangha.
"Second is the Auspices, you have a protector inside the game this is the luckiest spell of all because someone will be your protector but don't be so calm because if that protector dies, you will be the next target," pagpapatuloy ni Arianne sa pagpapaliwanag kay Klein, buti na lang at mabilis niyang nakukuha ang ibig ipahiwatig ni Arianne.
"Third is the Purify, you can have a second chance to live but cannot escape death," was the shortest explanation that Arianne did, but I exactly agreed with her explanation.
"Fourth is the Execute, in other term fighter, sila 'yung sasabak sa mismong paparusahan," kita ko sa pagmumukha ni Klein na nagtataka,
"Paparusahan? What do you mean by that?" tanong niya kay Arianne.
"Yes, minsan sa mga nakakakuha ng execute na spell ay iyong mga may balak mag traydor," sambat naman ni Felicity na mas lalong ipinagtaka ni Klein.
"Mamaya malalaman mo rin patapusin mo muna ako, the last spell is the Nemesis, in other term the Hunter or ang taga parusa," paliwanag ni Arianne at parang nakukuha na ni Klein ang punto nito.
"Ang Execute at Nemesis lang talaga na spell ang maglalaban kaso the owner of this school suggested na dagdagan, kaya nasali ang Revitalize, Purify at Auspices, ang tatlong iyon ay pwede mong maging kakampi o maging kaaway mapa Execute or Nemesis man ang spell na iyong hawak," dagdag ni Arianne sa pagpapaliwanag.
"Pero huwag ka mag-alala nagaganap lang ang Dark x Spell Battle kapag may gustong patalsikin sa paaralang ito na isang kaaway ng Eros Organization, ang paaralang ito ay isang paaralan ng mga membro ng Eros Organization, so kapag ikaw ay isa sa anak o kamag-anak na membro ng Eros Organization automatic na mapapabilang ka sa paaralang ito," pagtatapos ko sa paliwanag nang biglang tumunog ang alarm ng school hudyat na may nangyayaring hindi maganda,
Announcer: All students please proceed to the ground field. Again, all students please proceed to the ground field, thank you.
Bakit parang masama ang kutob ko sa lagay namin ngayon? Ano kayang nangyayari?

BINABASA MO ANG
Mafia's Hidden Son
RandomThis is a fictional story, any scenes of the story are part of an imagination of the author. Meet him soon!!!!!