Azy's POV
It is not the usual thing of Eros University unless if there's a spy inside. Pero ang aga naman siguro para umatake ang kabilang panig, pansin ko na ang lahat ng nasa ground field ay ang mga freshmen lang, hanggang sa nagsalita ang announcer,
Announcer: Humanda sa pagdepensa!!!
Ha? Anong ibig sabihin nito? Pagkasigaw ng announcer sa EU ay may mga nagsilabasan na mga taong nakaitim ang suot at balot na balot ang mga katawan maliban sa kanilang mga mata.
"Sh*t hindi ito maganda, Arianne, Felicity, Klein---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang umepal si Pierce.
"Huwag niyong hayaang masaktan ang isa't isa, maging alerto at talasan ang inyong mga mata," wala na sinabi na ni Pierce 'yung sasabihin ko, naging bilog ang puwesto namin ngayon dahil pinalibutan kami ng mga kalaban, buti na lang at nag-aral sila Arianne at Felicity ng martial arts tsaka ang pagseself-defense, pero si Klein hindi ko alam kung anong kakayahan niya sa pakikipaglaban hindi ko pa siya lubusang nakikilala.
"Pierce kung pwede tulungan mo rin siya," pabor ko kay Pierce sabay bigay sinyales sa gawi ni Klein, tumango naman siya bilang sagot.
Nagsimula na ang pag-atake ng kaharap kong kalaban at nailagan ko ito pero mabilis ang kanyang naging pagkilos at atake, kaya tanging pag-ilag lang ang ginagawa ko sa mga suntok at sipa niya, nang makatiyempo ako, sumuong ako sa mga paa niya at binlockingan ko ito dahilan para mawala ang kanyang balanse tsaka ko siya tinadyakan sa tiyan niya ng sobrang lakas kita ko ang pamimilipit niya sa sakit, hanggang sa may umatake nanaman sa'kin, may dalang kutsilyo ito kaya delikado kung madali ako sa isang 'to bawal masugatan ang beauty ko. Sumugod ito at akmang sasaksakin ako sa tagiliran pero sorry siya kasi mali 'yung pagkapuwesto niya dahil nahuli ko ang kamay niya at naunahan ko siyang masampal dahilan para mahilo siya saglit bago ko siya binigyan ng malakas kong kamao boom tumba. Nanggigigil pa naman ako kasi hindi si Pierce 'yung nasuntok ko kanina pero ngayon so satisfying. Ano ba 'to wala man lang kalaban-laban 'tong kaharap ko. Sa sobrang busy ko sa pakikipaglaban biglang sumigaw si Felicity sa kaharap niya kaya lumingon ako sa gawi niya at nanlaki ang mata ko sa nakita napakatigas ng katawan.
Pierce's POV
Matapos ko patumbahin ang mga nakaharap ko tsaka namang pagsigaw ni Arianne kaya napalingon ako sa'kanya owmaysiopao ang laki naman nito tas ang tigas pa, lumingon ako sa gawi nila Azy at pareho kami ng kaharap, hinila ko si Arianne at Klein bago tumakbo palapit sa gawi nila ni Azy at Felicity.
"Anong plano natin dito?" tanong ni Felicity na natataranta na.
"Ang tanging paraan lang ay ang.....TUMAKBO!!! TAKBO!!!" pagkasigaw ko ay nagsitakbuhan kaming lima, sa laki at tigas ba naman nung kaharap namin tapos dalawa pa! Magiging laruan lang kami.
"Kingnamo Pierce mag-isip ka ng paraan!!!" sigaw ni Azy sa'kin kahit kailan talaga sobrang laki ng bunganga ng babaeng ito, mag-iisip na sana ako kaso nagsalita ulit ang announcer,
Announcer: WELCOME TO EROS UNIVERSITY!!! I can see in your face, you all are eligible to be with us and I guess Mrs. Eros was happy and satisfied with your outcomes. If you are confused by our welcoming strategy well every school year we have always a surprise welcome to our beloved freshmen and to measure your skills and ability, that's all thank you and you may go back to your respective classroom, once again thank you for the wonderful performance freshies.
What the!!! Welcome lang 'yun? Pusang gumagala parang patayan ah! Napahinto kaming lahat at parehong naghahabol hininga, tapos na ang laban 'yun na 'yun welcome war ba 'yun? T_T
"Ganito pala sa paaralang ito? Gusto ko na mag backout mahal ko pa buhay ko," saad ni Klein at parang tatalikod na, nagtataka ba kayo kung bakit kilala ko 'tong mo'kong na'to? Syempre tinext din ako ni Azy kung saan siya kanina kasama 'tong si Klein na nasuntok niya.
"Masasanay ka rin bud, by the way I'm Pierce Agustin magiging future husband ni Arianne," pagpapakilala ko kaso iba ang natamo ko imbes na pagmamahal ni Arianne isang batok ni Arianne ang natamo ko, sasama rin ng tingin nila Azy at Felicity sa'kin.
"Alam ko nagseselos lang kayo pero si Arianne talaga tipo ko," saad ko sa'kanila pero binato lang ako ng kahoy buti na lang at nailagan ng kapogian ko.
Matapos ang pangyayaring iyon ay nagtungo kami sa cafeteria imbes na sa classroom namin, buti at magkaka-klase lang kaming lima.
"Akala ko mamamatay na ako kanina," mangiyak-ngiyak na saad ni Klein sa'min, habang naglalakad patungo sa cafeteria.
"Oa mo bud turuan ka namin pa'no makipag-away, nakita ko kung pa'no ka makipaglaban kanina kunting training lang kailangan mo," saad ko nito at inakbayan, tinitigan kong mabuti si Klein pogi rin naman pala ito pero natatakpan lang dahil sa makapal niyang eyeglasses babad siguro to mag gadgets.
"Hoy Pierce kung makatitig ka sa pinsan ko parang bakla ah," nagulat ako sa pagtawag ni Azy sa'kin nahuli pala akong nakatitig kay Klein tsk tsk.
"Tinitigan ko lang maigi buti pa pinsan mo pogi, ikaw kaya kahit kagandahan wala sa'yo azeng maliit," pang-aasar ko sa'kanya sabay takbo sa loob ng cafeteria hinabol naman ako nito.
"Matangkad ka lang kaya nagiging maliit ako!" sigaw niya sa'kin, kaso tinawanan lang siya sa mga studyanteng nasa loob ng cafeteria, ayan laki kasi ng bunganga.
"Ipagsigawan mo pang maliit ka," sa sobrang inis niya sa pang-aasar ko binato na lang niya ang isang empty plastic bottle sa'kin, hindi man lang ako mahuli eh. Tumigil na siya sa paghabol sa'kin at umupo na sa vacant table kaya umupo na rin ako kaharap ko si Arianne syempre ultimate crush ko ito.
"Ano bang gusto mo Arya? Ako na bibili para sa'yo," nakangiti kong saad dito, ako lang talaga pwedeng tumawag sa'kanya n'yan walang puwedeng umepal at maging bida-bida.
"Spaghetti tsaka isang yacult," ngumiti ito sa'kin, hala natutunaw ako shuta nababakla talaga ako at nagiging oa pagdating kay Arianne.
"Ikaw Azeng maliit anong gusto mo?" tanong ko kay Azy pero sinamaan lang ako ng tingin hanggang sa may napansin ako sa likuran niya nakatitig ito kay Azy, wait whuuut? Don't tell me may nagkakagusto sa'kanya? Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko na namalayang nakaalis na pala si manoy sa kinauupuan niya.
Someone's POV
I was peacefully staring at this chubby small girl, I found her cute especially when she got angry, and I was jealous of that guy who always teasing her, I am also a freshman and Mrs. Eros hid my real identity I didn't know why but I guess they have a plan and I know about their son, but this is not the right time, we'll get you soon bro just wait. I was done eating my snacks and went back to my classroom.
A/N: ang lame ng update ko sa chapter na'to but I hope you will enjoy reading this.

BINABASA MO ANG
Mafia's Hidden Son
RandomThis is a fictional story, any scenes of the story are part of an imagination of the author. Meet him soon!!!!!