Third Person's POV
Nagmamadaling tumakbo sina Azy at Joaquim patungo sa kung saan nanggaling ang putok ng baril ngunit pagkarating nila sa lugar ay nadatnan nilang nakatayo ang prime minister walang ibang tao ang naroon silang tatlo lang, habang sa kabilang banda ay may taong nakangiting palihim na tinitignan sina Hide at Azy, kinuha nito ang kanyang cellphone at nagdial,
"Make it sure, you do your job clearly," sambit nito sa'kanyang kausap.
"Okay, make them clueless and dumb." Dagdag pa nito bago tuluyang ibaba ang cellphone.
Pierce's POV
Patungo na sana ako pabalik sa classroom galing sa pagbabanyo nang may narinig akong tatlong putok ng baril at sakto ring nakita ko si Azy na tumakbo patungo sa lugar kung saan naroon ang putok ng baril, kaso pagkarating ko roon ay nakita ko si Cassidy?
"Cass! Ginagawa mo rito?" tanong ko sa'kanya matapos niyang ibaba ang kanyang cellphone, at parang gulat pa nung tinawag ko ang pangalan niya,
"Ah wala naman, sige una na'ko sa'yo," sambit nito at ngumiti ng bahagya sa'kin bago ako tinalikuran, senior nga pala namin siya at ang president ng Gymnastic Club. Ang weird naman nang kilos niya ngayon hindi ko na lang ito pinansin at tumungo na sa isang silid na walang katao-tao, nakita ko si Azy roon, eh di'ba may kasama siya kaninang lalaki? Nawala? Ang weird naman ng mga nangyayari ngayon,
"Azy!" tawag ko sa'kanya habang tumatakbo palapit, lumingon naman siya.
"Ginagawa mo rito?" takang tanong niya,
"Ah ano kasi galing ako sa comfort room tapos nung pabalik na sana ako sa classroom may narinig kasi akong putok ng isang baril, tapos nakita kita kaya sinundan kita rito," pagpapalliwanag ko sa'kanya, tumango-tango naman ito bilang tugon.
"Tara na balik na tayo sa classroom," aya niya at nauna nang maglakad.
Tahimik lang kaming dalawa ni Azy hindi ako makaasar sa'kanya dahil nasa seryosong kalagayan siya ngayon mabilis mainis at mairita si Azy kapag gan'yan siya, parang may iniisip siya hindi na nga yata niya napansin na lagpas na siya sa classroom namin.
"Hoy Azy! Lumagpas ka na, mamaya na 'yang iniisip mo aral muna tayo," saad ko rito hindi ko na siya inantay at nauna ng pumasok sa classroom namin, dumeritso ako sa upuan ko na kasunod lang din sa upuan nila Azy katabi ko nga pala si Klein tapos ang pangatlong upuan na katabi namin ay bakante, pagkaupo ko ay tsaka namang pagpasok ni Azy kasama ang aming guro at teka bagong kaklase namin?
"Please make yourself comfortable Mr. Martinez, okay class listen!" pagtawag ng attention ni sir Alvarez sa amin.
"Hi guys it was nice to be in this section by the way I am Reed Martinez, 19 years old, my hobbies are singing and martial arts," pagpapakilala nito parang masama ang pakiramdam ko sa lalaking ito, pero ang pamilyar ng mukha niya.
"Okay you make take the vacant seat you want," naglakad siya papunta sa upuan namin pero hindi ko siya pinaupo, naintindihan niya siguro iyon kaya lumipat siya sa kabilang upuan katabi lang din ng bakanteng upuan namin. Dapat lang na riyan siya umupo para walang gulo ang mangyayari babakuran ko talaga 'tong tatlong disney princesses ko, lalong-lalo na si Arianne.

BINABASA MO ANG
Mafia's Hidden Son
RandomThis is a fictional story, any scenes of the story are part of an imagination of the author. Meet him soon!!!!!