Azy's POV
Hay! Nakakapagod ngayong araw, nandito na nga pala ako sa bahay at dumeritso ako sa kuwarto ko, bukas na nga pala ang simula ng normal na pasukan pero ang sabi ng professor namin ay baka ang mga introductions sa club ang gagawin bukas at pipili kami ng isang sasalihan namin tsaka roon kami mag-aattendance sa club na sinalihan namin equivalent for present sa araw na iyon, ay teka muntikan ko ng makalimutan, bumalikwas ako ng bangon at lumabas sa kuwarto ko,
"Mama!!!!" tawag ko kay mama, hindi pa man ako nakabihis pambahay ay bumaba na ako sa sala para hanapin si mama.
"Nasa kusina ang mama mo," sagot ni papa na kalmadong nakaupo sa sofa niya habang nagbabasa ng magazine, lumapit ako rito at nagmano bago ako nagtungo sa kusina.
"Mama!!! May utang kang paliwanag sa'kin," saad ko sa'kanya sabay nakapameywang.
"Oo alam ko 'yun pero tikman mo muna ito," sagot niya naman at inabutan ako ng chocolate cookies ang paborito kong luto ni mama.
"Sobrang sarap!" nagthumbs up pa ako kay mama.
"Oh sige pautos ako dalhin mo ito sa garden at doon tayo magmemeryenda tawagin mo rin papa mo," tumango naman ako at binitbit ang gawang cookies ni mama, huminto pa ako sa harap ni papa at pinaamoy ang gawang chocolate cookies ni mama bago nagtungo sa garden, alam kong susunod 'yun si papa adik na adik 'yun sa luto ni mama eh.
Nang mailagay ko na sa table ang cookies ay bumalik ako sa loob, may table kasi sa garden namin at upuan, may pahabang lamesa at meron din yung kami lang lima ang kasya pagkabalik ko sa loob ay bitbit na ni mama ang tray na may laman na heater, kape at gatas tsaka baso, kinuha ko yung heater para hindi masyadong mabigatan si mama at nanguna na ako sa table, magkasabay sila ni papa na umupo.
"Mama kuwento mo na!" pagputol ko sa lambingan nila ni papa,
"Anong ikukuwento ba?" takang tanong ni papa, hindi pala alam ni papa.
"Ay nako si Klein ang pogi mong pamangkin," tumango naman agad si papa, kilala rin ni papa?
"Ay nako ang batang iyon nakabalik na pala rito sa Pinas," tinanguan lang ni mama si papa bilang tugon.
"Si Klein Suarez ang nag-iisang anak ng tita Mari at tito Arch mo naalala mo pa ba ang batang lalaki na kalaro mo noon nung ikaw ay nasa tatlong taong gulang pa lamang?" agad ko namang binalikan ang nakaraan ko.
*Flashback*
Nasa park ako at naglalaro akong mag-isa kasi umuwi na si Pierce kasama ang kanyang mga magulang, habang masaya akong naglalaro sa sliding area ay may nakita akong batang lalaki na inaapi kaya lumapit naman ako roon at pinagtanggol siya, nagsitakbuhan ang nang-api sa'kanya.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa batang lalaking ngayon ay tumahan na sa pag-iyak, magsasalita na sana siya kaso may tumawag sa'kanya kaya pareho kaming napalingon.
"Nanny!!!" sigaw nung bata tapos tumakbo sa nanny niya, hindi pa nga nagpapakilala bastos ni hindi man lang nagpasalamat tsk tsk, babalik na sana ako sa paglalaro ko tsaka namang pagdating nila mama at papa hindi pa ako nakapag enjoy ano ba, tapos ngayon kalong-kalong niya pa yung batang lalaki.
"Anak Azy si Klein ito pinsan mo buti na lang at natanggol mo itong batang ito para kasi 'tong binabae kung kumilos kaya hindi nakikipaglaban," nakangiting pagpapakilala ni mama kay Klein.
Simula noon ay madalas siyang bumibisita sa bahay at madalas ko rin siyang nakakalaro hanggang sa isang araw sinabi na lang nila mama sa'kin na nilipat siyang states kasabay rin ng paglipat ni Pierce.
*End of Flashback*
"Oo naalala ko na, pero bakit wala siya sa family profile ng Suarez ma?" tanong ko ulit kasi nakakapagtaka lang, wala siya sa Suarez Family Profiles samantalang sila tita Mari at tito Arch ay naroon pati ako.
"Hindi siya nilagay ng tita Mari at Tito Arch mo kasi ayaw nila na maging assassin din ang anak nila, kaya nga inilipat siya sa states," ngayon ay naiintindihan ko na.
May isa pa akong naalala ang anak ng Eros family, minsan ko na siyang nakita at nakalaro nung kami ay mga bata pa lamang, lagi ako inaasar at hindi tinitigilan kapag hindi ako napikon parang si Pierce lang din, ngunit isang araw ay nawala rin ito nang biglaan hindi ko alam kung saan siya at anong hitsura niya ngayon kahit sa pangalan niya mismo ay hindi ko alam, o sabihin na nating walang nakakaalam bukod sa Eros Family at sa pamilya ko. Ano na kaya hitsura niya ngayon? Sa pagkakatanda ko ay magkaedad lang sila ni kuya Zy, dalawang taon kasi ang agwat namin ni kuya Zy, 19 na ako at si kuya Zy ay 21, buti pa edad niya alam na alam ko pero 'yung pangalan niya hindi ko alam, si kuya Zy, kuya Ethan, mama at papa lang ang nakakaalam ng pangalan niya dahil kaibigan nila mama at papa ang Eros Family. Minsanan lang naman nila ako sinasama sa tuwing bibisita sila sa mansion ng Eros family, kaya paano ko malalaman 'yung pangalan niya? Sa tuwing tatanungin ko naman ay bigla niya kong tatakbuhan at sasabihing uuwi na raw sa'kanila. Hala magbabasa pa pala ako ng information sa club na pipiliin ko bukas, pagkatapos ko inumin ang aking gatas ay kumuha na akong cookies at nauna na akong pumasok, hindi na ako nagpaalam kay mama't papa nilalanggam ako sa pagmamahalan nila eh.

BINABASA MO ANG
Mafia's Hidden Son
RandomThis is a fictional story, any scenes of the story are part of an imagination of the author. Meet him soon!!!!!