Chapter 3

367 11 0
                                    

NIKOLAI

"Nasan ako?",yan nalang ang nasambit ko pagdilat ng mga mata ko sa isang hindi pamilyar na kwarto habang umiiyak na nakatingin sakin ang kaibigan kong si Sky.

"Nasa ospital ka.",nanginginig na boses na sagot nya kasabay ng pagpunas ng kanyang luha. Hindi na ko nakaimik dahil nakakaramdam padin ako ng pagkahilo at ang tanging nararamdaman ko nalang ngayon ay takot.

"Nikolai ano bang nangyare ? Alam ko di ko dapat muna tinatanong sayo to pero nag aalala ko ng sobra ngayon sayo. Etong itsura mo ngayon mukang hindi kabubuhayin ng gumawa neto sayo.",di naman ulit napigilan ni sky ang pag iyak habang may awa sa kanyang mga mata na nakatingin sakin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung saan at pano ko magsisimula. Tumayo nalang ako at naglakad papuntang cr para tignan sa salamin ang aking itsura.

*sobbing*

Di ko napigilan maiyak ng makita ko sa harapan ng salamin ang repleksyon ng aking sarili. Halos namamaga ang aking buong muka.  Putok at may tahi ang aking kanang kilay at labi, meron din blackeye ang aking dalawang mata, namamaga din ang aking ilong meron din akong tatlong stitches sa ulo.

"Nikolai.",umiiyak na niyakap naman ako ni sky mula sa aking likod habang parehas kaming umiiyak na dalawa. Ilang saglit lang at bumalik na kami sa bed ng hospital room at naupo. Hinawakan ni sky ang isa kung kamay just maybe to show his support and sympathy to me.

"Sky parang ayoko na ituloy yung pag aaral ko. Parang gusto ko muna magstop at lumipat nadin ng school. Hindi ko alam kung pano sasabihin sa parents ko to pero ayoko sanang malaman nila lalo na ni dad kasi for sure ako padin sisisihin nun sa nangyare sakin at sisisihin nanaman ang pagiging bakla ko.",nakatitig lang si sky sakin na kita padin ang lungkot sa mga mata nya.

"Wag ka mag alala hindi ko sasabihin sa kanila at kung ayan yung desisyon mo irerespeto at susuportahan kita. Kahit na gustong gusto ko malaman ngayon kung anong nangyare, di kita pipilitin dahil traumatizing tung naranasan mo na to kung pwede lang naipaghiganti kita, sabunutan kami.",medyo natawa naman ako sa sinabi na yun ni sky.

"Salamat. Pagnakalabas na ko dito at nagheal na tung sukat ko sa labi ikukwento ko sayo lahat pero I have a favor to ask sana. Pwede bang sayo muna ko makitulog or samahan mo muna ko sa apartment ko kahit 1week lang.",nakikiusap na tinignan ko si Sky.

"Oo naman. Walang problema sakin sasamahan kita sa apartment mo, dun tayo kasi alam mo naman baka biglang may sumulpot na kafubu ko dun sa apartment ko diba hehe.",natawa nalang ako sa sinabi ni sky.

Thankful nalang talaga ko na I have sky as my friend here with me kasi lahat ng ups and downs na pinagdaanan ko sa buhay ngayon college nandyan sya at sobrang totoo nya sakin.

Habang nag uusap kami naikwento din ni Sky kung pano ako nakarating dito sa ospital. Meron daw isang babae na nakakita sakin na nilalaglag daw ako ng isang lalaki sa kotse sa gilid ng kalsada na medyo malapit sa liblib na daan at pagkaalis daw ng nakakotse agad daw akong nilapitan nung babae at nakita nya na yung cp ko ay nalaglag sa bulsa ko kaya kinuha nya yun at naghanap ng matatawagan sa recent calls ko buti na nga lang si Sky yung natawagan nya. Dali dali naman daw nagpunta si Sky at sya na ang nagdala sakin dito sa ospital. Di na daw sya nagtawag ng pulis dahil sa takot nadin daw nya.

Natapos ang araw na yun na hindi ako iniwan ni Sky at tinulungan nya ko sa pag asikaso ng mga bagay na di ko pa magawa at pagpapahid na din ng mga cream sa iba pang mga sugat at pasa sa iba pang parte ng katawan ko.

Kinabukasan naman ay nakalabas nadin ako ng ospital dahil ayoko na din magtagal dun at gaya nga ng napag usapan ay dun muna si Sky tumuloy sa apartment ko. Tuwing umaga tinutulungan nya lang ako sa paglilinis ng mga sugat ko at ako naman nakatoka sa pagluluto ng pagkain namin sa araw araw. Tuwing hapon naman ay pumapasok na sya sa work which is sa work ko din dahil workmates nga din kami at napagpaalam nya na din sa boss namin na di muna ko makakapasok.

Hindi din muna ko pumasok sa school at nagsend nalang muna ko ng messages sa mga prof ko sayings na di muna ko makakapasok at may sakit ako, sinend ko din sa kanila lahat ng records ko sa ospital. I'm still not sure kung papasok padin ba ko sa school dahil natatakot padin ako at traumatized sa nangyare sakin. Ayoko makita yung lalaki na yun, parang hindi ko kaya. Baka manginig nalang ako sa takot kapag nakita ko sya cause you know, hindi ako pala away na tao.

I am not also openly gay gaya ni Sky kaya hindi ko alam pano nya nasabi o nalaman na I'm gay. I don't dress na kagaya sa mga openly at proud gays, I dress like a simple guy lang wala kang makikita sakin na gay ako kasi takot akong majudge at hindi ako ready na makarinig ng panghuhusga ng mga tao kaya nga si Sky lang ang friend ko na nakakaalam talaga na I'm gay.

----

Hi everyone!

Can I ask for a favor ? Kung nagustuhan nyo yung upload pls vote or leave a comment. Thank you! :)

Mr. STRAIGHT GUY [BL]Where stories live. Discover now