Chapter 12

340 10 1
                                    

NIKOLAI

"I  have to leave.",nagmamadaling tumayo si Maxim para sana lumabas ng apartment ko pero hinarangang ko agad ng sarili ko yung pinto.

"No! Wag mo ko iwan dito kasama yung lalaking yun. I'm not feeling well, see ? Make him leave with you please.",pakiusap ko naman.

Kakaend lang kasi nung call ni Lucifer at sa hindi malamang kadahilanan ay galit sya dahil bakit nandito pa daw si Maxim kaya pupunta daw sya dito at hindi ko alam kung bakit. Baka para manggulo or manakit tutal dun naman sya magaling.

"He'll be here in 5mins for sure. Kapag sinabi nun ginagawa nun.",saad pa ni Maxim na umupo ulit sa couch.

"20mins ang byahe from his condo papunta dito no.",sagot ko na naupo na din at ininom na yung meds.

"As if he cares about the road rules.",ngayon naman ay nakangising sabi ni Maxim na parang proud pa kay Lucife.

"Nag eexist din yung kulungan dito sa pina---",napatigil ako sa pagsasalita ng may tumawag sa pangalan ko galing sa labas ng pinto.

"Open the door!",nagkatingin naman kami ni Maxim ng may kumatok sa pinto na parehas naming alam kung sino.

Nagmamadali akong lumapit sa pinto dahil sumisigaw na sya sa labas at baka magwala pa.

"Ano ba kasing kailangan mo ?!",bungad ko agad pagbukas ko ng pinto.

Parang wala naman syang narinig at dere-deretsong pumasok at naglakad palapit kay Maxim.

*punch*

"Hey stop!",napalapit ako sa kanila para umawat dahil bigla nalang sinuntok ni lucifer si Maxim sa muka.

"Maxim are you okay ?",tanong ko kay Maxim na  ngayon ay dumudugo ang ilong.

"Yeah. I'm sorry but I have to leave.",sagot ni Maxim habang pinupunasan yung dugo sa kanyang ilong.

"Cancel my plan with Phoebe, I'm almost done with her.",sabi ni Lucifer sa papalabas ng si Maxim.

"Grabbing the opportunity, I see."

Natauhan naman ako at napabitaw bigla sa sinabi ni Lucifer dahil nakayakap padin pala ko sa kanya gawa ng pag awat ko kanina.

"Ano ba kasing problema mo ? Diba sabi ko na nga na hindi ako makakapunta dahil masama pakiramdam ko!",inis na tumingin ako sa kanya para hindi halatang naiilang ako sa pagyakap sa kanya.

Infairness sobrang bango nya. Parang never ko pa to syang naamoy na mabaho or mag amoy pawis manlang kainis! Anyway, di nya ko madadala sa pagiging mabango nya masama padin ugali nya para sakin.

"You can't come to meet me and yet you're entertaining Maxim ?",nakakunot ang noo na sagot nya.

"Wtf dude! Anong pinagsasabi mong iniintertain ko si Maxim diba ikaw ang nagpapunta sa kanya dito ? Nagstay lang sya saglit dahil nakisuyo ako sa kanya magpabili ng gamot!",nagsisimula na kong mainis ng sobra. Ramdam ko padin yung init ng katawan ko at sama ng makiramdam ko pero mas nananaig ngayon yung inis ko sa kaharap ko ngayon.

"I'm staying too. Tell me what you need and I'll buy it for.",feeling at home naman syang naupo sa couch at ipinatong pa ang mga paa nya sa table.

"What ? Gusto ko muna magpahinga ngayon kaya please lang lubayan mo muna ko.",iritable kong sagot.

"If I leave right now hindi mo makukuha yung 50k mo monthly cause I won't give it to you.",nakangisi at may halong pang aasar sa boses na sabi nya.

Ngayon ako napaisip sa mga sinabi nya, san sya kukuha ng 50k monthly na papasahod nya sakin ? What does he do in life ?

Ginawa pang panakot sakin yung 50k kainis. Naglakad nalang ako at bumalik sa kwarto ko.

"Going to sleep ?",tanong nya pero di ko nalang sya pinansin.

Maya maya lang may naramdaman akong umupo sa higaan ko at paglingon ko pumasok na pala sya sa kwarto ko at nakiupo pa sa higaan ko.

"Let me sleep here.",nagulat nalang ako ng mahiga sya sa tabi ko at inagaw pa yung kumot ko.

"Alam mo nababaliw kana! What if tabunan ko ng unan yang muka mo mamaya hanggang malagutan ka ng hininga ?",reklamo ko.

"Try me. I have a better idea.",kinuha nya yung kamay ko at meron syang kinuha sa may likod nya at nanlaki ang mga mata ko ng inilagay nya yun sa kamay ko at itinutok yun sa mismong sintido ng ulo nya.

"Aim here or here on the chest directly to the heart. A pillow can't kill me but this, this is your chance. Just one click then you got your revenge.",seryoso syang nakatitig sa mga mata ko habang sinasabi yun. "This gun has no safety lock so give me your best shot.,"nanginginig na ang mga kamay ko habang hawak hawak padin ang baril na nakatutulok sa ulo nya na ginaguide pa nya.

"No, STOP!",pwersahan kong inagaw yung mga kamay ko na grabe na yung panginginig sa sobrang takot at kaba. Jusko magiging mamamatay tao pa ko ng wala sa oras, never sumagi sa isip ko na dadating ako sa gantong point na magtututok ako ng baril sa ulo ng tao.

Nababaliw na yata talaga tung lalaking  to!

"Y-you're aware that I'm gay, right ? Hindi kaba natatakot na mahawaan kita ng kung anong mga sakit ?",pag iiba ko nalang ng usapan baka sakaling mawala yung kaba ko.

Nag aantay lang ako ng sagot habang nakatingi sa kanya na nilalagay yung baril sa bedside table ko.

"That's not what your family doctor told me. Now, go to sleep. Don't make me use that gun on you.",tinalikuran nya na ako at pumikit na parang wala lang nangyare.

Nahiga nadin ako at nagtatakang napaisip sa mga sinabi nya. How ? How did he know ? Bakit may mga alam sya tungkol sakin ? Just who the hell is he ?

---
Hi everyone!
Can I ask for a favor ? Kung nagustuhan nyo yung upload pls vote or leave a comment. Thank you! :)

Mr. STRAIGHT GUY [BL]Where stories live. Discover now