Chapter 5

329 9 1
                                    

NIKOLAI

"Good evening sir. What can I do for you ?",aktibong bati ni Sky. May pumasok yatang customer. Nandito kasi ako sa stockroom nagpapalipas oras dahil breaktime ko.

"Hey, excuse  me. Nandyan ba yung isang lalaki na nagwowork din dito ?",narinig ko na tanong ng isang lalaki mula sa counter kay Sky.

"Hmm. Yes ? May kailangan po ba kayo sa kasama ko ?",biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Sky at naging seryoso.

"Ah yeah! May itatanong lang ako sa kanya. I'm a customer too. Look, I bought this yesterday.",napaisip naman ako bigla dahil wala naman akong maalala na may napagbentahan ako kahapon pero parang pamilyar din sakin yung boses nung lalaki.

"Nikolai may naghahanap na customer sayo.",bigla naman pagsulpot ni Sky dito sa stockroom.

Sumunod ako at lumabas din kasunod ni Sky. "Hey, remember me ?",salubong naman ng nakangising lalaki paglapit ko

Sabi ko na eh kaya pamilyar yung boses eto pala yung alagad ni Lucifer. Ano bang kailangan nila sakin bakit ayaw  pa nila kong lubayan. Napatango nalang ako sa tanong ng lalaki dahil alam ko naman ibig nyang sabihin.

"I have to talk to you outside, follow me.",naglakad na palabas yung lalaki na hindi inantay yung sagot ko. Napatingin naman si Sky sakin na parang nagtatanong at nagtataka. 

"Wait lang Sky saglit lang to.",lumabas na din ako at sumunod sa lalaki.

"Here.",agad naman nyang hinagis sakin ang hawak nyang paper bag na galing sa store namin.

"Ano to ? Anong gagawin ko dito ?",nagtatakang tanong ko.

"Open it, stupid!",naiiritang sagot nya.

Binuksan ko yung paper bag at doon nakita ko yung mga binili nung babaeng kasama ni Lucifer kahapon kalakip nun ang isang papel na may nakasulat na address.

"Go to that address and don't you dare tell anyone. Bring those too.",naglakad na sya palayo at di na ulit inantay ang sasabihin ko.

Ayaw naman magprocess sa utak ko kung anong gagawin ko dito at bakit ako pupunta sa address na nakalagay dito sa papel nakasulat pa 3pm sharp daw dapat nandun na ko. Kung ano anonng pumapasok sa utak ko ngayon, eto na ba yun ? Papatayin na ba nila ko ? Di na natapos tapos tong tumatakbo sa isip ko.

Magpasama kaya ko kay Sky ? Hindi hindi, mali pano pagpapatayin na pala talaga ko madadamay pa si Sky! What if magsabi kaya ko sa mga pulis ? Pero wag daw ako magsabi kahit kanino, ugh! Ano bang gagawin ko ?

Natapos naman ang buong duty namin ni Sky nakinukulit kulit nya ko at pinipilit na magsabi about dun sa napag usapan namin nung lalaki pero syempre di ako nagsabi.

Lumipas ang kinabukasan at pumasok muna ko sa school. Napagdesisyonan ko na nga palang icontinue nalang at habulin lahat ng lessons na napag iwanan ako. Narealized ko kasi nalate na din kung lilipat pa ko at sayang nadin kung magsstop pa ko. Magpapalipat nalang ako ng class dun sa subject na magkaklase kami ni lucifer para di na magcross ang landas namin dito sa school.

Natapos na ang klase ko at nandito na ko ngayon sa harap nung address na nakasulat dun sa papel and it's 3:20pm na I'm 20mins late.

*ring*ring*ring* 

May tumawag sa cp ko na isang unknown number at ngayon nag aalanga ako kung sasagutin ko ba. Pero syempre sasagutin ko padin baka si Sky to nakitawag nanaman sa iba.

"Hello."

"WHAT ARE YOU DOING ? ARE YOU PLANNING TO STAND THERE ALL DAY ?!!",galit na sigaw agad ng nasa kabilang linya. Di ko naman alam ano isasagot ko sana pala di ko na sinagot yung tawag kung alam ko lang na si lucifer pala yung nasa kabilang linya.

"GO TO THE HIGHEST FLOOR AND CALL ME WHEN YOU GET THERE!",sigaw nya ulit sabay end ng call. Napapaisip nanaman ako ngayon kung tutuloy pa ba ko o wag na. Nasa harap kasi ako ng condo ngayon at ayun yung address na nakalagay sa papel. Ayoko na tumuloy! Oo tama di nalang.

Nagsimumla na ko tumalikod at maglalakad paalis ng biglang may humila sakin. "Where are you going ?", nakataas ang kilay na tanong nung humila sakin at ngayon ay kinakaladlad na ko papasok ng building. Yung kampon pala!

"Ano pa ba kasing kailangan nyo sakin ? Bakit kailangan kong pumasok pa dito baka kung anong gawin nyo sakin. Ayoko ng gulo kaya kung pwede lang tigilan nyo na ko!",pagpiglas ko sa pagkakahawak nung lalaki habang nandito kami ngayon sa elevator.


"Shut up.",singhal na sagot lang neto. Di na ko nagsalita at baka masikmuraan lang ako ulit. Maya maya lang ay bumaba na kami ng elevator at sumakay ulit sa isa pang elevator pataas paadin. Alam ko na to, mukang sa penthouse ang punta namin.


"Mikhail your toy is here.",sigaw nung lalaki at di nga ko nagkamali na sa penthouse ang punta namin. Oo nga pala, nasakin nga pala yung mga biniling seggs toys nung 'gf' yata ni Lucifer.

Umalis din naman kaagad yung alipores  kasabay nun ang pagbaba naman ng taong ayoko ng makita sa buong buhay ko galing empyerno. He still has the same sharp death glare that he has nung mga oras na binububog nya ko and it send chills all over my body. Gusto ko ng magbackout at tumakbo papauwi.

'Para ka naman kasing hindi nagtithink nyan Nikolai! Lagi mong nilalagay sa gantong sitwasyon sarili mo.' Nasambit ko nalang sa isip ko habang papalapit na sya sa harap ko.

Nakapamewang na tumigil sa harap ko ang lalaking papalit sa trono ni satanas sa empyerno at ibinuga sa mismong muka ko ang usok na nanggaling sa e-cig hinihithit nya.


"Take off your clothes!"

----

Hi everyone!

Can I ask for a favor ? Kung nagustuhan nyo yung upload pls vote or leave a comment. Thank you! :)

Mr. STRAIGHT GUY [BL]Where stories live. Discover now