Chapter 2 : Ang Aking Unang Tikim

189 7 9
                                    

          Ngayon ay 6 years old na ako at maraming nang mga tanong ang pumapasok sa aking isipan katulad ng "bakit ganitong pangalan ang binigay ni Otor sa akin?" at "bakit kaya ganitong pangalan ang pinangalan ni Otor sa akin?" at dahil sa aking curiousity ay naglakbay ako para hanapin ang sagot sa mga tanong ko na iyon. Kahit bata pa lamang ako ay alam na alam ko na ang mga lugar na punpuntahan ko at kailangan kong puntahan kaya naman 0% ang posibility na ako ay mawawala.

          Habang ako ay naglalakad ay nag-iba ang aking pakiramdam, bumilis ang tibok ng aking puso at parang sasabog ito sa kaba. Di ko inakalang sa kasag-sagan ng aking paglalakbay ay nawala na pala ako. Nagtanong ako sa mga tao doon sa lugar kung saan ako napad-pad:

Ate, pwede po bang magtanong? -- tanong ko sa babaeng nakasalubong ko sa daan.

Oh, bakit? nawawala kaba? -- sagot ng babae (pero sa tingin ay hindi siya sumagot, nagtanong siya sakin)

Ahhhh. Sige po ate, salamat po sa tanong. -- sagot ko sa babae at naghanap ng ibang mapagtatanungan.

           Naglakad-lakad ulit ako para maghanap ng matinong mapagtatanungan at sakto! May nakita akong beauty pageant. Nagkipagsisikan ako sa mga tao papuntang harapan at doon ako tumambay sa likuran ng mga judge. Naghintay ako sa pagdating ng tamang pagkakataon para sa akin, at dumating na nga ito! Ang question ang answer portion. Dito, siguradong pwede akong magtanong. 

Okay, first candidate! The question you need to answer will be given by Mr. Dipanatutulog. -- sabi ng MC.

Uhmmm! Okay, first candidate. Here's your question. -- sabi ni Mr. Dipanatutulog at biglang nakatulog si Mr. Dipanatutulog kaya chance ko na yun para magtanong.

         Kinuha ko ang microphone sa mesa at dahil sa tulog na si Mr. Dipanatutulog ay ako na ang nagtanong sa first candidate.

Okay, first candidate! Here's your question! Asan ako ngayon at anong lugar ito? -- tanong ko sa unang candidato.

Thank you for that very wonderful question sir. Andito ka po ngayon sa isang Beauty Pageant at Gym po ang tawag o pangalan ng lugar na ito -- sagot ng bobong at pilosopang candidato.

Cut muna natin to direk! Kina-usap ko kayo kanina backstage! Sabi ko pagnagtanong ako dito, sagutin dapat ako ng maayos! Tapos ganyan isasagot mo sakin? YOU DONT DO THAT TO ME! -- nagpaka Willie Revillame ako saglit.

Sige, pero kahit hindi mo ako sinagot ng maayos ay nakasagot ka parin naman kaya GIRLS! BIGYAN NG JACKET YAN! -- sunod kong sinabi at nagsipalakpakan ang mga tao at ako naman ay umalis na at nag hanap ulit ng matinong taong mapagtatanungan.

           Naglakad ulit ako at naghanap ng taong makakasagot sa aking tanong at sa aking paglakad ay jackpot! Nakita ko na talaga ang saktong taong aking hinahanap! Nakita ko si Kuya Kim. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at nagtanong:

Kuya Kim, asan po ba ako ngayon? Anong lugar po ba ito? -- tanong ko kay Kuya Kim.

Andito ka ngayon sa Davao City! Alam mo bang dito sa Davao ay sikat na sikat ang Durian? Ang Durian ay nagmula sa malay word na "duri" na ang ibig sabihin ay thorn? Ang Durian ay tinaguriang King of Fruits dahil sa mga tinik nito. -- sagot na Trivia ni Kuya Kim.

Maraming salamat po kuya kim. -- sabi kong pasasalamat kay Kuya Kim.

Walang anuman, basta laging tandaan na ang buhay ay weather weather lang at ako ang iyong lingkod na si Kuya Kim, ang MATANG LAWIN! -- sagot ni kuya kim sa akin at biglang nag-anyong lawin ito at lumipad na palayo.

          At ako naman ay gulat parin dahil kani-kanina lang ay nasa Maynila pa ako at ngayon ay bigla akong napad-pad dito sa Davao. Pero nagpatuloy parin ako sa aking paglalakbay para makita ang mga sagot sa aking mga katanungan at siguro ay dito ko iyon makikita kaya dito ako dinala ng tadhana. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sa paglalakad kong iyon ay medyo naka ramdam ako ng konting gutom kaya sumilong muna ako sa isang kainan doon para kumain. Nagtanong ako sa babaeng nagse-serve doon:

Ate? May Rebisco po ba kayo? -- tanong ko sa babae.

Nako, wala eh. Puro kanin at ulam po hinahanda namin dito. -- sagot ng babae.

Nako! Hindi po ako mahilig kumain ng kanin eh, Rebisco lang po. -- sabi ko naman.

Wala talaga kami niyan eh at tsaka di nakakabusog yan. Magkanin ka nalang at ulam! May libre pang sabaw. -- sagot ng babae.

Pwedeng sabaw na lang po yung kukunin ko? Para wala libre po. -- sabi ko naman sa babae.

Di pwede eh, dapat may kanin talaga. -- sabi ng babae.

Hay nako naman! Sige na lang po kaysa mamatay ako dito dahil sa gutom. Kalahating rice lang po tapos sabaw. -- sabi ko sa babae.

Wala pong kalahating rice dito. Di pwede yun dito eh. -- sabi naman ng babae.

Sige po, buohin niyo na lang po. -- sagot ko.

Oh, eto na. 25 pesos lang yan lahat. -- sabi ng babae.

Pahingi po ng tubig baka po kasi maisuka ko tong kanin. Eto po pala yung bayad oh. -- sabi ko at inabot ko ang bayad.

            Simula pa noong bata pa ako ay puro gatas lamang ang ini-inom ko at biscuit ang kinakain kaya ito ang aking unang tikim ng kanin. Medyo nag-alangan akong kumain kasi hindi ko alam ang lasa nito kaya una kong tinikman ang ulam. Nasarapan ako sa ulam kaya isinabay ko nalang dito ang kanin para di ko malasahan at success naman. Hindi ko nalasahan ang kanin kaya naubos ko ito at hindi isinuka. Matapos kong kumain ay naglakad na ako ulit patungo sa lugar na hindi ko alam.

At iyon po ang storya ng aking unang tikim ng kanin. Di naman pala masama ang lasa ng kanin kapag kasabay nito ang ulam sa bibig mo, hindi mo ito malalasahan masyado.

Sign Out ! Progress: Next Chapter . . .

Reading Nothing - Reading NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon