Isang maulang araw nang ako ay iniluwal ng aking ina dito sa mundo. Alam na alam ko pa ang mga pangyayari habang ako ay nasa sinapupunan pa ng aking nanay. (story mode)
Aray ko, ansakit na ng tiyan ko. Manganganak na yata ako! -- sabi ng nanay kong si Katrina Halili Jr.
Ano? Tara, dadalhin na kita sa hospital. -- sabi naman ng lola kong si Katrina Halili Sr.
Nay! Manganganak ka na po ba? Malakas po ang ulan sa labas, hintayin niyo po ako dito at kukuha ako ng masasakyan niyo. -- sabi ng kapatid kong si Katrina Halili III.
Sige, bilisan mo at baka di na umbaot sa hospital tong nanay mo at biglang manganak dito. -- sabi ni lola.
at nagmadaling umalis ang aking kapatid at nakabalik naman kaagad na may dala nang lemousine.
Nagulat si lola at Nanay:
Uy! Ano yan? Lemousine? San galing yan? -- tanong ng gulat na lola ko.
Ha? Eto? Wag po kayong mag-alala, nag cheat lang po ako ng CELEBRITYSTATUS para lumabas yan. -- sabi ng kapatid ko.
Naka cheat ka ba ng AEZAKMI? Baka habulin tayo ng pulis niyan? -- tanong ni lola.
Opo la! Tara na po, sakay na. -- sabi ng kapatid ko.
(LEGEND: Ang AEZAKMI ay isang CHEAT sa GTA San Andreas para hindi ka mawanted sa mga pulis at ang CELEBRITYSTATUS naman ay CHEAT para sa pag spawn ng LEMOUSINE)
at sumakay na sila sa lemousine at nag drive (si Lola) patungong FLYING WITHOUT WINGS HOSPITAL.
Pagdating nila doon ay nagulat si lola at ang aking kapatid, nang nakita nila si Nanay. Nanganak na pala si Nanay, nailuwal na pala ako ni Nanay ng hindi niya namalayan sa bahay pa lamang namin.
Nanganak na pala ako sa bahay, hindi ko man lang namalayan. -- sabi ng Nanay ko.
Naku! Sabi ko na nga ba eh. Balikan na nga lang natin sa bahay ang anak mo at baka mapano pa yun. -- sabi ng lola ko.
At nung papalabas na sila sa hospital, sa kasamaang palad ay hindi na sila naka-labas at naka-uwi dahil lumipad na ang FLYING WITHOUT WINGS HOSPITAL kasama silang tatlo patungong outer space. Napad-pad sila sa Mars, naging Martians at duon na namuhay.
Ako naman, nang mangyari ang aksidenteng iyon ay may nanloob sa bahay namin ng oras na iyon. Nakita ako ng kawatan at naawa siya sa akin kaya ako ay inalagaan niya at doon na siya tumira sa bahay namin hangang sa lumaki ako at tumongtong sa edad na 5 Years Old.
Sa tuwing kaarawan ko naman ay ako lang mag-isa ang nagcecelebrate kaya bentang-benta sa akin ang "HAPPY BIRTHDAY TO ME" na word. Pero kahit ganun ay masaya naman ang birthday ko dahil sa tuwing birthday ko ay may na di-discover akong new ability ko.
At dito nagtatapos ang storya ng aking kapanganakan. By the way, ipinanganak ako November 1994 - 2:13 AM! Di ko alam ang araw ng birthday ko kasi nakalimutan ko na.
Abangan mo ang susunod na Chapter kung interesado ka pa kasi dun magsisimula ang aking Journey bilang si Gutom A. Dipakumakain. Salamat sa pagbabasa, sana ay uminit ang ulo mo sa pagbabasa nito, at sana mas uminit pa lalo sa susunod na Chapter.
Sign Out ! Progress: Next Chapter . . .
BINABASA MO ANG
Reading Nothing - Reading Nothing
UmorismoHello guys! Ako si Gutom A. Dipakumakain. Sabayan niyo ako sa non-sense adventure ko para ma meet ang aking mahal na Otor. Maraming maraming salamat sa mga sumabay na sa non-sense journey ko at sana magtuloy-tuloy kayo sa pag supporta sa akin kahit...