Chapter 6- New Friends

31 7 5
                                    

Nagising ulit ako dahil sa malakas na tunog ng bell. Mukhang nag r-ring talaga ito kapag 5 o'clock ng umga every weekdays.

Bumangon na ako at same sa ginawa ko kahapon. I took a bath and wore my uniform. Apat kasi ang uniform na ibinigay sa amin. Dalawang type A, yung sinuot kahapon. Dalawang type B naman ay itong suot ko ngayon na light brown short skirt at white T-shirt na may logo parin. We have our freestyle every Fridays.

I took my bag in the desk. Nilagay ko doon ang phone ko at ID. Nasa bag ko na rin ang mga gamit na binigay sa amin kahapon.

Lumabas na ako at nakita ko si miss roommate. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan niya. Nagluluto siya sa kusina at mukhang masarap ang niluto niya dahil sa amoy palang ay magugutom ka na. Agad akong lumapit sa kanya.

"Ano niluluto mo?"

Napatalon siya dahil sa gulat. Tumingin siya sa akin ng masama. Pinipigilan ko naman ang sarili ko na matawa... Gosh! Her reaction is priceless! Sayang lang kasi hindi ko na-video.

"What the hell are you doing?! Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot? Para kang kabute." reklamo niya. 'Ang ganda ko naman para maging kabute'

Huminga ako ng malalim para makapagsalita ng maayos at hindi matawa. "Okay... I'm sorry, akala ko kasi namalayan mo na nandito ako." pagdahilan ko.

"Whatever, I don't care. Just don't do that again."

I pouted. "You also did that to me yesterday."

Binalingan na niya ang niluluto na sa tingin ko ay pansit. 'May ganyan din pala dito?'

"It's because you eat my food without my permission first!" eh?

"It's because I don't know that it's yours and I'm hungry that time. And FYI I haven't eaten that yet." pagtatangol ko sa sarili ko. Napairap naman siya.

Hindi na siya sumagot kaya umupo nalang ako sa upuan sa may lamesa. "You know, I think we should be friends. Since you are my roommate." I suggest. Kumuha siya ng pinggan saka hinaon ang niluto niya. Agad na kumulo ang tyan ko dahil sa masarap na amoy nito.

"And I think, hindi naman kaylangan yun."

I inhaled deeply. "Look, kasi nga roommate kita, its better na magkakasundo tayo. Wala naman akong ginawang masama sayo, sa pagkakatanda ko." inilapag na niya sa lamesa ang pansit. Nakatingin lang ako dito kahit na gusto ko ng kumain dahil sa gutom.

"I treated you like that because I'm a bitch."

Ah, ang straight forward mo teh? Proud lang yan?

"Pwede ba akong kumain?" tanong ko sa kanya. Gutom na talaga ako.

Binigyan niya naman ako ng pinggan at spoon. Umupo din siya sa bakanting upuan sa harapan ko.

"Wala ka talagang pera no? Kawawa ka naman." sabi niya sabay sandok ng pansit. Puta, nahiya naman akong kumuha nito... Pero kumuha parin ako kasi gutom na talaga ako.

"Yeah, di ko nga alam kung san ako makakakita ng pera." I said while eating. "Pero hayaan mo, kapag may pera na ako, hati tayo sa gastusin dito sa apartment."

"Speaking of money, you can have your money three days from now."

How?

"San ko naman makukuha pera ko?" I ask confusedly

Hinilot niya ang sentido bago sumagot. "Have you ever heard about the event happened once a year?"

Uh... San ko nga ba nadinig yun? Ay!

"O-oo narinig ko na yan, yung event kong saan mo rin malalaman kong sino ang deity mo. Yun din ba ang event na sinasabi mo?" nagbabakasakali na tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Skyford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon