CHAPTER 7 : GIVE UP

587 7 0
                                    

Sabi ko sarili ko magiging matapang ako.Na kahit anong mangyaring pagpapahirap ng Mommy ni Steve ay matatag parin ako at ipaglalaban ko ang lalaking mahal ko.

Pero paano kung sakaling pagpapanggap lang ang lahat na matatag at matapang ako?Sa totoo lang nakakapagod din eh.Sobrang nakakapagod dahil kumbaga malaking pader ang binabangga ko.

Umabot ng isang linggo ang pananatili ko sa bahay nina Laika at aaminin kong nakakahiya din dahil dumagdag ako sa pinapalamon nila.Ginawa ko ang lahat-lahat para makahanap ng trabaho pero lahat binabalewala ako.

" Segi naman po, kahit anong trabaho pa yan gagawin ko.Pagiging waitress, janitor okay lang po basta huwag iyong illegal." Pagsusumamo ko peru umiling lang ang lalaki at tinaboy lang ako na parang aso.

Sa pagkakataon na ito tumulo na ang luha ko,nag-sstay ako sa bahay nina Laika pero wala pa akong mahanap na trabaho nakakahiya naman kay Tita kong iaasa ko ang lahat.

Lahat ng trabaho na in-applyan ko ay hindi ako nabigyan ng pagkakataon para makuha, halata naman na binabayaran sila ng Mommy ni Steve no?

Mapakla akong napatawa  sa kawalan at umiling-iling habang nakahilamos ang palad ko sa mukha. Makapangyarihan talaga ang pera at kaya nitong kontrolin ang buhay ng isang tao.Inayos ko ang sarili  ko at pinunasan ang luha sa mata ko nang biglang may humintong sasakyan sa harapan ko.

" Nic? "

Pinilit kong ngumiti nang makita si Steve at nagmadali naman siyang bumaba kasabay no'n ay hinarap niya ako at hinawakan ang kamay ko.

" Why are you here? Hindi ka pumasok sa University?"

" Ahmm.." Kinagat ko ang labi ko at nag-isip ng idadahilan, actually hindi ko parin sinabi sa kaniya na pinapahirapan ako ng Mommy niya para saan pa? Na maaawa siya sa'kin? Hindi na nga sila okay ng Mommy niya tapos dadagdagan ko pa hindi ako uri ng babaeng gano'n.Ililihim ko nalang sa kaniya ang bagay na ito.Ayukong maging problema na naman ito ni Steve.

" Hey, Nic?"

" Ahmm a-ano kasi.May importante akong nilakad pasensiya kana kung hindi ko 'to sinabi sayo." Napabuntong hininga siya at nanlambot ang ekspresyon sa mukha kasabay ng pag-ipit niya sa iilang hibla ng aking buhok sa tainga ko.

" I'm sulking."

" I'm sorry." He pouted.

" Come with me, babawi ka okay?"

Hindi ako naka-hindi nang hawakan niya ang kamay ko papalapit sa kotse niya at binuksan iyon.

" Get in." matagal ko pa siyang tiningnan hanggang sa huli ay pumasok narin ako dahil hinihintay niya akong gawin iyon.

" Saan mo ako dadalhin?"

" Secret."

Hindi naman na ako nagtanong pa, buong biyahe ay tahimik lang akong nakamasid sa labas ng bintana hanggang sa huminto ang magarbo niyang sasakyan kaya napatingin ako sa kaniya at nakita ang matamis at nakakahalina nitong mga ngiti.

Nauna siyang bumaba at umikot sa kabila para pagbuksan ako.Hindi ako nakapagsalita nang bumungad sa akin ang napakatahimik na lugar, isa siyang patag na lugar at sa dulo nito ay makikita ang kahoy na medyo pandak.Sobrang tahimik at ang sarap ng simoy ng hangin, naramdaman ko tuloy na nasa probinsya ako.

" Peaceful right?"

Nilingon ko si Steve sa likuran ko at tumango.Muli akong humarap sa unahan at pumikit habang sinusubukang kalmahin ang sarili sa mga problema ko ngayon.Madiin ang pagpikit ko hanggang sa may pumulupot na braso sa bewang ko.

HER MERCILESS HUSBANDWhere stories live. Discover now