" Alam mo Nic, ako ang naeexcite sa trabaho mong yan. Biruin mo unang apply mo pa lang Secretary agad aba ang suwerte mo bruha ka. "
Mahina kong tinawanan si Laika, actually hindi nga din ako makapaniwala na Secretary ako?
" At ang mas nakakaexcite ay 'yong CEO ng kompanya no? Malakas ang kutob ko na halos kaedad mo ang Boss mo tapos Nic ackk kinikilig ako baka ito narin ang pagkakataon mo na magmahal ulit."
" Iwan ko sayo."
Umiling-iling ako at nagpatuloy sa paghahanda ng breakfast, nakita ko naman ang pagseryuso ng mukha niya at ipinatong ang siko sa lamesa.
" Don't tell me si Steve parin?"
" Laika ayukong pag-usapan ang tungkol sa lalaking iyon."
Umupo ako sa tapat niya at nagsimulang kumain.Tila may gumuhit na naman sa puso ko, nakakalimutan ko naman siya kapag hindi na nababanggit ang pangalan niya, but actually gusto kong maging honest.
It's been almost four years but I haven't completed moving on from him.Naiintindihan nila iyon dahil he's my first love, he is the man I loved the most, kaya kung maaaring huwag banggitin ang pangalan niya para makalimot na ako ng tuluyan seguro tuluyan na siyang mababaon sa limot.
" I'm sorry Nic."
Hinawakan ni Laika ang kamay ko at bakas ang pagsisisi niya sa sinabi niya.Isang banggit lang talaga sa pangalan ng lalaking iyon ay tila bumabalik sa'kin ang lahat, pagsisisi ko sa sarili ko at ang trauma na ayaw ko ng maranasan pa simula ng mawala ang anak ko.
" O-okay lang.Huwag mong babanggitin ulit iyon."
" Promise.Sorry talaga."
Hinawakan ko pabalik ang kamay niya at ngumiti para ipakitang okay na at hindi ininda at hindi na pinasin pa ang biglang senaryo na bumalik sa'kin.
Nagpatuloy na lang din kami sa breakfast namin at dahil sabado ngayon ay wala munang pasok itong si Laika.
" Saan mo gustong pumunta? "
" Sa groceries store muna wala na tayong stock eh." napakalmot siya sa batok niya at napangiwi bago tumango-tango.
" Oo nga pala, hehehe I forgot."
Nagpatuloy lang kami sa pagkain at dahil hindi pa naman nagsisimula ang trabaho ko ay tambay kang muna ako dito sa condo pero may online business naman na ako, naalala ko na kaya ako nakapagtapos ay dahil sa pagiging online business ko, kasama ko sina Spencer and Laika.
Pagkatapos kumain ng breakfast ay naglinis muna kami sa buong condo bago namin napagpasyahang maligo na.Nag-ayos narin ako kaagad nang matapos akong maligo at dahil mabilis akong magbihis ay mas nauna ako kaysa kay Laika.
" Tapos kana, Nic? "
" Well, hindi ba obvious ikaw kasi ang bagal mo. "
" So hindi ka pa na sanay?"
Pabiro ko siyang inirapan at tumalikod na sa kaniya na abala sa pagreretouch. Masyado pa namang maarte ang babaeng 'to.I am wearing a purple peplum skirt and a white off-shoulder dress paired with white shoes.
Ngayon ko na nga lang din hindi napabayaan ang sarili ko, dahil sa totoo lang noong nakaraang taon halos hindi ko makilala ang sariling wangis ko.
Pero ngayon bawing-bawi naman ako nalagpasan ko ang madilm na mundong ginagalawan ko, kumbaga muling may lumiwanag na naghihintay sa'kin, ang aking kinabukasan.
YOU ARE READING
HER MERCILESS HUSBAND
RomanceWARNING: R.18 Steve Cameron deeply loved his girlfriend, Nicole Perez.Until one day Madam Luciana, Steve's mother, found out about their relationship. Their once joyful relationship turned into a dire situation.Madam Luciana and Francisca devised a...