Chapter 1

887 45 17
                                    






Napatingala si Jasmine Gregorio ng narinig nyang bumukas ang pinto ng kanilang opisina. Si Jasmine ay ang receptionist slash customer service agent sa Tandem Skydiving Company, ang kompanya na pagmamayari ng kanyang kapatid na si Samuel Gregorio. She was busy checking the reservations for the day on her computer at tiningnan ang bagong pumasok.

"Welcome to Tandem Skydive Company..." nahinto ang kanyang greeting ng makita ang itsura ng babaeng naglalakad papunta sa front desk. Hindi naman kasi araw araw na nakakakita sya ng isang babaeng nakasuot ng bridal gown na pumapasok sa opisina nila.

"Hi," bati ng babae sa kanya.

"Hello, Ma'am. How can I help you?" Jasmine returned back into office mode kahit tulala pa rin sya sa itsura ng babae.

"Ma'am? Please don't call me that...Jasmine," the woman moved her eye over the name plate on her uniform. "Bata pa ako," the woman gave her a smirk. "Call me Gel."

"Okay, Gel, may reservation po ba kayo?"

"Wala. Honestly, I've been driving all night, and this was the first place I saw...siguro naman may banyo kayo?"

"Of course," Jasmine replied.

"Pwedeng pagamit?"

"Sure, I'll show you kung nasaan ang banyo."

Tamang tama na kakapasok din ng co-agent nya na si Chloe She looked at her co-worker's bewildered face and just smiled. "Chlo, ikaw muna dyan sa harap. I'll just show Miss Gel kung saan ang banyo."

"Sige ba," Chloe looked at her friend confusedly.

Jasmine walked down the hallway at tinuro kung saan ang public restroom ng office. Aalis na sana sya ng tinawag sya ni Giselle.

"Jasmine," Giselle called her. "Sorry, pero pwedeng patulong. As you can see, ang laki ng ball gown skirt ng damit ko, hindi ko kasi mahahanap ng maayos ang toilet bowl. Trust me, I know. I need the help of my maid of honor and another bridesmaid just to go pee kagabi."

"Sure, sure."

"Don't worry, hindi to awkward. Pareho lang naman tayong walang makikita," humagikgik si Giselle.

Jasmine assisted in raising Giselle's skirt and petticoat, and tama nga ang dalaga, wala syang nakita. Pagkatapos ni Giselle ay tinulungan nyang ayusin ang palda nito. She stood there awkwardly na para bang naghihintay pa ng instruction at nakuha naman ni Giselle kung bakit nakatayo pa rin doon si Jasmine.

"Salamat, sige na, kaya ko na."

"Sige po, Miss Gel."

Dali dali namang lumabas ng banyo si Jasmine at iniwan ang babaeng naka bridal gown doon. Bumalik sya sa front desk kung saan nakatingin si Chloe sa kanya na para bang naghihintay ng scoop sa tabloid.

"Friend, ano yun?"

"Malay ko. Kakarating lang din nya at agad agad naghanap ng banyo."

"Ay, alam ko na to!" Chloe clapped her hands excitedly. "Runaway bride to no? Napanood ko na to, bida si Julia Roberts..."

"Paano mo naman nasabi? Baka mamaya pa ang kasal..."

"Friend, wrong," Chloe playfully rolled her eyes. "Anong oras pa lang? 9 AM. Kung mamaya pa ang kasal, eh di sana naghahanda pa lang sya ngayon, hindi ba? Tapos tingnan mo yung buhok nya, gulo gulo na. And her make up is streaky, yung para bang kagagaling lang sa iyak."

"Eh di wow, ikaw na ang maraming alam!" tumawa si Jasmine. "Bigyan ng jacket yan!"

"Sira!" tumawa na rin si Chloe. "Pero seryoso. Either runaway bride or jilted bride. Kawawa naman sya, ang ganda ganda pa naman nya."

TandemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon