Chapter 5

10 4 0
                                    

10hrs later...

Ginising ako ni Mameh para sabihan na mag handa na dahil anytime soon malapit na kami ibaba ng driver sa mismo naming address.

Finally nakauwi din kami ng probinsya na maayos ang byahe.
Hastle nga lang dahil lamog at wala maayos na pahinga.

"Nak pakitext mo na si Kuya Bunso mo pakisabi na nasa Ligao na tayo." Utos ni Mameh.

Dali ko ngang kinuha ang phone ko at hinanap sa contacts si Kuya Bunso para itext na.

Meron akong apat na Kuya. Pangalawa sa bunso na lalake si Kuya Bunso kaya pinalayaw nalang sakanya nina Mameh ay Bunso. Hindi lang sia naging Kuya saken, tumayo din sia bilang Ama ko sa paraang makakaya nia.

Message sent.

Binalik ko muli ang phone ko sa bulsa ko.

I'll tell her later na andito na kami after ko na makapag pahinga galing sa byahe.

Hindi nagtagal at tanaw ko na nga ang gate namin. Saktong nasa labas na pala sina Kuya Bunso na nag aantay.

Malayo palang kita na agad ang ngiti nia.

Pumara muna ang taxi driver para maibaba na kami.

Unang bumaba si Mameh at agad naman siang sinalubong ng yakap ni Kuya Bunso.

Sumunod na din akong bumaba.

"Nene!" Masiglang tawag sa akin ni Kuya sabay nag alok ng yakap.

Yumakap naman ako pabalik. Sumenyas ako sakanya na medyo hilo pa ako.

Tumawa lang sia at tumulong na samen mag hakot ng bagahe.

Nag paalam na muna kami ni Mameh sa taxi driver na nag hatid samen at lubusang nag pasalamat dahil naitawid ang byahe namin ng matiwasay.

Nag paalam na din ang driver at sinabihan namin sia na mag ingat ulit sa byahe pauwi.

Nakita kong muli ang lugar na kinalakihan ko.

Malaki ang lupa na tinitirhan namin dito dahil ito ang iniwan ni Lolo at Lola para kina Mameh at sa tatlo nia pa na nakakatandang mga kapatid.

Sa ngayon kay Mameh naiwan ang lupang Ito kaya kami ang naninirahan dito.

Nakapag patayo na din ng sariling bahay dito si Kuya Bunso na ngayon ay tutuluyan namin.

Pakarating sa bahay, bumungad sa akin ang pangalawang asawa ni Kuya at ang nag iisa nilang anak na kami ni Kuya ang nag pangalan. Genth Arkand, his 4yrs old. Panganay na lalakeng anak ni Kuya.

Binati din kami kaagad at pinag handaan ng makakain. Amoy ko kaagad ang niluto nila. Sinigang na baboy.

Binaba na nga muna namin ang gamit.

Pag upo ko inabot din sa akin ni Ate Grace, pangalawang asawa ni Kuya Bunso ang mug na may sabaw ng sinigang.

Humigop na ako non para mainitan na ang sikmura ko at mawala ang pagkahilo ko mula sa byahe.

Nag kwentohan pa sina Mameh tungkol sa naging byahe namin.

Habang ako ay tulala lang habang inuubos ang mainit na sabaw dahil taena, daig ko pa nag lasing mag damag.

Nang mawala wala na ang Hilo ko. Hindi ako nakatiis at hinanap ang phone ko para iupdate si Ssob.

"Ssob where here na." Type ko at sinend din kaagad.

Delivered kaya Alam kong tulog pa sia.

Time check 5am palang.

Malamig dito sa amin dahil napapalibutan kami ng kalikasan. Kada umaga hindi nawawalan ng hamog dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Endlessly Love HerWhere stories live. Discover now