"Nak, naimpake mo na ba mga dadalhin mo?" Tanong saken ni Mameh.
Hindi ako agad kumibo dahil tiningnan ko lang mga nakaimpake ko na na gamit.
"Baka may makalimutan ka pa ha. I-double check mo na muna lahat." Muling paalala ni Mameh.
"Kumilos ka na at mamaya nian talagang may maiwan ka pa. Buti kung malapit lang and destansya para balikan mong kunin." Aniya ng Kuya ko.
"Saglit lang." Sagot ko.
Isang araw nalang at bukas na ng umaga ang byahe namin ni Mameh pauwi sa probinsya namin. Tatlong taon din kaming nanirahan dito sa Manila. Dito na din ako nakapag tapos ng Senior High. Tatlo lang kami naninirahan sa inuupahan naming bahay dito, at pinili padin ng Kuya ko na mag paiwan mag isa. Taga dito lang din kase sa area naninirahan nakakatanda naming kapatid na si Ate kasama ang pamilya nia.
I feel bad for Ate kase bukas nadin mismo ang kaarawan nia.
Kumilos na nga ako para idouble check pa mga gamit na inimpake ko. Tiningnan ko pang muli ang kwarto ko kung meron pa ba akong maiiwan.
Aalis din kase ako ngayong araw para makipag kita pa sa mga kaibigan ko. Makapag paalam sakanila at Makipag jamming ulit for one last time bago ako umuwi ng probinsya.
Nakapag paalam nadin naman na ako kay Mameh tungkol dito at pinayagan din naman nia ako.
Paalis na ako't lahat lahat, tyaka dumating si Ate.
"Oh san ka pupunta?" Tanong nia saken.
"Aalis muna ako Ate." Sagot ko.
"San punta mo?" Tanong nia ulit.
"May last jamming kami ngayon ng mga kaibigan ko."
Tiningnan lang ako ni Ate at nakita ko sa reaksyon nia na nalungkot sia.
Naiintindihan kong kaya sia naparito sa bahay para sana kami nalang ang huling mag jamming na magkakapatid. Pero ayoko nadin naman kanselahin ang lakad namin ngayon ng mga kaibigan ko.
"Sige, ingat ka." Yan na lamang ang tanging nasabi ni Ate at pinabayaan na ako makaalis.
"Meh, Kuya, Ate. Alis na muna ako. Uuwi din ako maya." Paalam ko sakanila bago umalis ng bahay.
"Sige mag ingat ka at mag chat ka nalang pag andoon ka na." Narinig ko pang binanggit ni Mameh.
≈≈≈≈≈≈
"Teh, Gago antagal naman ni Tonya!" Reklamo ng bakla kong kaibigan na si Henry.
"Tangina ang init!" Aniyang dugtong nia pa.
"Teh ang pasensya mo. Malamang taga dito ka tas sia taga doon. May distansya pa. Importante darating sia!" Sagot ko sa pang rereklamo ni Henry.
Andito na kami ngayon sa bahay nina Henry dahil dito gaganapin ang sinasabi kong last jamming ko with them. Hindi na kami nag antayan pa para mag sabay sabay na makapunta dito dahil may kanya kanya kaming oras ng alis.
In advance kase gustong ganapin ni Henry ang birthday nia within this month lang din naman na dahil daw ay pa-farewell party nia nadin ito sa akin. Kahit ang talagang birthday nia is next week pa.
"Ate Elizabeth oh, Dutchmill." Aniya ni Faith kasama si Danica at Jea. Mag kakasama sila lumabas muna saglit para bumili sa tindahan malapit lang dito sa bahay nina Henry.
"Hala! Thank you!" Nakangiti kong tinanggap ang binili nila para saken.
"Diba favorite mo yan?" Masayang tanong ni Danica sa akin.
YOU ARE READING
Endlessly Love Her
Novela JuvenilA woman-love-woman story. No risk, No story. "When you bounce back this time. Show no mercy."