Chapter 3

9 4 0
                                    

"Farewell Party ng ano?" Tanong ni Isaac.

Tumingin saken si Henry.

"Sino?" Si Adam na ang nag tanong.

"Ako Guys." Kibo ni Ryan at nag acting pa na nalulungkot.

"Ulol!" Sagot ni Isaac.

Nagsi tawanan ulit tuloy kami.

Inabot ko naman ang alak at nag lagay sa baso ko para muling tumagay.

"Si Elizabeth." Si Henry na ang nag sabi.

"What do you mean na farewell?" Boses ni Adam ang narinig ko.

Hindi ako makatingin sakanilang lahat para iwas sa lungkot.

"Uuwi na kami bukas ni Mama sa Bicol." Kinuwento ko na sakanila.

"Gagi? Weh?! Totoo ba Elizabeth?" Paniniguradong tanong ni Isaac.

Tumango lang ako.

"Pahingi maiiwan mo na maaalala ka namin." Aniya ni Danica.

Wala ako ngayon maisip na maibibigay ko sakanila.

"Remembrance ko nalang sainyo yung memories." Sincere at nakangiting sabi ko tyaka ko na sila natitigan lahat.

Umaliwalas naman mga mukha nila at gumaan ang vibe.

"Doon ka na mag aaral?" Tanong ni Ryan.

"Hindi ko pa sure kung diretsyo ko mag aaral pag uwi ko doon. Pandemic pa kase. Medyo napagod ako nung school year naten dito. Siguro pass na muna ako." Kwento ko sakanila.

"Mamimiss ka namin Ate." May halo nang lungkot na sabi ni Faith.

"Same Faith. Same.." Pag sang ayon ko sa sinabi nia at ngumiti.

"Cheers ulet!" Aya ni Adam kaya nagsi lagay ulit kami ng alak sa mga kanya kanya naming baso at nag toast para muling tumagay.

"Ingat nalang doon Elizabeth at enjoy life." May ngite sa labi na sabi ni Isaac.

"Salamat Isaac." Aniya ko at ngumiti.

"Bumalik ka padin dito saten, para movie night ulit tayo sa bahay." Nakangiting imik naman ni Ryan.

Another elite memories naming magkakasama na sa bahay din kami nila Ryan madalas non maki movie marathon. Welcome na welcome din kami palagi sa bahay nina Ryan.

"Tapos overnight kina Almario. AHAHAHA" Tumatawang dugtong ni Isaac.

"Ewan ko sainyo, walang makatulog pag sumasama kayo e. HAHAHAHA." Sambit ko.

"Iidlip ka lang saglit tas puno ka nang sulat sa mukha tas braso. Pati sa hita pa nga, walang paawat." Dugtong ko pa.

Tumawa naman kaming lahat nang alalahanin ulit lahat ng mga naging overnight namin at movie marathon sa bahay nina Almario at Ryan.

≈≈≈≈≈≈

Alas tres na ng umaga ako nakauwi sa bahay. Kahit mga lasing, pinili padin namin magsi uwi at ihatid ang bawat isa.

Pangalawa ako sa huling nahatid pauwi dahil pangalawa din akong malayo sa area nina Henry.

Nag take lang kami ng group pic na mga lasing at nag farewell group hug.

Malungkot man pero masaya akong uuwi sa probinsya at mag sisimula ulit na dala dala mga alala na nakasama ko sila dito sa Manila.

Hindi naman iniwan nina Mameh na naka locked ang pinto ng bahay kaya nakapasok din ako tyaka naniguradong mag sarado na.

Endlessly Love HerWhere stories live. Discover now