Matapos naming makakain lahat. Inumpisahan na nga nina Ryan ang mag timpla ng mga iinomin naming alak.
Tumayo din ako para humanap ng shot glass namin.
"Okay na Guys. Ito na pinaka malupitan kong finished product." Proud na sabi ni Ryan at nilapag na ang pitsel na may alak sa lamesa.
"No worries, Wala naman si Ryan nailagay na vitsen dyaan." Biro ni Adam
"Safe!" Naka thumbs up na aniya ni Ryan.
Narinig ko naman na nag tawanan sila tyaka ko palang inilapag sa lamesa yung shot glass.
"Sis, Halika samahan mo ko kumuha pulutan." Sabi ni Henry saken kaya hindi na muna ako nakiupo sa grupo.
Lumapit na kami ni Henry sa mga handa at kumuha ng plato para pag lagyan na ng mga pulutan.
"Sis, ayos ba?" Biglang imik ni Henry
"Ayos ba ang alin?" Takang tanong ko sakanya
"Na ininvite ko sina Adam?"
Natahimik ako at wala kaagad maisagot.
"Sis, aalis ka na bukas. Hindi mo padin ba sakanya sasabihin?" Tanong ulit saakin ni Henry.
"Sis, para pa saan? Yung mga umaamin, para lang yon sa mga umaasa o may chance." Aniya ko sakanya.
"Hindi sa delusional at supportive lang na kaibigan mo pero sa tingin ko Elizabeth? May mararamdaman si Adam kung nalaman nia kaagad na gusto mo sia."
Napahinga ako ng malalim.
Ang pagka gusto ko kay Adam ay tanging simpleng pag hanga lang. Na sina Henry lang din nakakaalam pwera kina Isaac.
Kaso sa hindi inaasahang pagkakataon, Nadulas si Tonya na makwento kay Ryan at Gerald na may pagtingin ako kay Adam.
≈≈≈≈≈≈
*Ting!* (1 message from Anthonette)
Binuksan ko nga ang notif na eon at nabasa ang chat ni Tonya.
"Ate I'm sorry." Bungad nia kaagad.
Nag tataka naman ako kung para saan sia humihingi ng sorry.
"Bakit ka nag ssorry?" Reply ko sakanya.
"Ate kase, nakwento ko kay Gerald at Ryan." Reply ni Tonya at may kasama pa na sad face emoji.
"Ptngina?!!!" Hindi makapaniwalang reaksyon ko at Sinend ko kaagad na voice message sakanya.
Anthonette send a voice message
"Ate sooorrry huhu!"
"Ano pa ba magagawa ko, e nasabi mo na!" Voice message sent.
Hindi ako makapaniwala. Parang sasakit ulo ko.
Biglang nag send ng Video Call si Tonya. Sinagot ko din kaagad.
"Ate Elizabeth" Bungad nia habang kitang kita sa mukha nia na feel sorry talaga sia na naikwento na nia kay Gerald at Ryan.
"Ano sabi nila nung nalaman na nila?" Tanong ko.
"Napa 'pucha' si Gerald tapos sinabi bakit hindi ka pa daw nag sasabi. Bagay naman daw kayo ni Adam."
Umirap ako at napahawak sa noo ko.
"Si Ryan naman Ate ang sabi, 'Halata naman na may gusto si Elizabeth kay Adam. Unexpected padin kase akala namin hindi kami tama.' " Dugtong na kwento pa ni Tonya.
Namilog mga mata ko pakarinig non.
"Anong ibig sabihin ni Ryan na akala nila?" Kinakabahang tanong ko.

YOU ARE READING
Endlessly Love Her
Novela JuvenilA woman-love-woman story. No risk, No story. "When you bounce back this time. Show no mercy."