Pinagmasdan ko si Sullivan habang inaayos niya ang kanyang necktie. Hindi pa siya nakakaalis, pero parang ayaw ko na agad siyang mawalay sa tabi ko.
I don't know, but I felt clingy after we had sex—he made love for me last night. Pinaramdam niya talaga sa akin na wala akong dapat ikahiya dahil maganda ako. He brushed his hair using his slender fingers and applied some wax. Napangiti ako nang makita kung gaano siya ka seryoso habang nag-aayos ng sarili. Napansin ko na may mali sa pagkakabuhol sa kanyang necktie, kaya nang tumayo ako ay kaagad akong dumiretso sa kanya.
He stopped midway and stared at me. Ngumiti lang ako sa kanya ng maliit at hinawakan ang kanyang kurbata. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, at hindi naman halatang galit. Nang matapos ay pinasadahan ko ito ng palad at saka nakangiting tumingin sa kanya.
"Puwede ba akong pumunta ng mall mamaya?" tanong ko. Kanina ko pa gustong magpaalam dahil plano kong mamili ng mga gamit para sa sarili at sa bahay, paubos na rin kasi ang mga stocks sa fridge kaya kailangan na talaga.
He looked at me for a moment. "You can't."
"Sullivan." Nanlumo ang mukha ko.
"Do you like my friend, Sable?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit parang biglang naiba ang usapan?
"Ha?"
"Do you like Azrael?" Sa pagkakataong ito ay naging madilim ang mukha niya. Nakita ko rin ang pag-igting ng panga niya habang hinihintay ang sagot ko. Nangingiti akong umiling at sinubukang hawakan ulit ang necktie niya, pero umiwas siya.
"Don't fucking lie to me, Sable Fiore. May gusto ka sa kaibigan ko."
"Wala nga... saan mo ba napulot ang balitang 'yan?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko at nanatiling nakatingin sa akin. Umiling pa siya na tila ba dismayado. "I know you're planning to meet with him, kaya hindi kita papayagan na umalis."
I couldn't help but laugh. If Azrael could hear him, he would probably die while laughing now! Magkapatid lang ang turingan namin ni Azrael sa isa't isa at malabo ang iniisip niya. "Wala akong gusto sa kaibigan mo, Sullivan. At kung mayroon man ay wala sana ako rito ngayon."
Mas lalong dumilim ang mukha niya sa sinabi ko. He stopped putting his watch on and marched in my direction. Napaatras ako sa gulat hanggang sa mabunggo ko ang kama at mapahiga ako. He didn't waste time, and he cornered me between his arms. Napalunok ako nang makita nang malapitan ang mukha niya. He looked like a living god.
He stared at me while clenching his jaw. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"So you like him?" mariing saad niya Sinubukan kong itulak ang dibdib niya ngunit natakot akong baka magusot ang kanyang damit.
"Wala..." maliit na boses na saad ko.
He sighed and fixed himself. Umalis siya sa ibabaw ko at humarap sa salamin. Doon ay nagtama ang mata namin; madilim pa rin ang kanya at masama ang tingin sa akin.
"We'll eat luch outside and go to the mall; I just have to attend my meeting." Ayon lang ang sinabi niya at naglakad na paalis. Napabuga ako ng hangin at pabagsak na humiga sa kama. Kinuha ko ang unan at tinakip sa mukha bago tumili ng malakas.
At least I know that even if it took me a long time, there's an improvement.
Maaga akong nag-ayos para sa lunch date namin ni Sullivan... Well, I called it a lunch date, kahit na mamimili pa rin kami.
Lumabas ako nang bahay nang makitang 11:30 a.m. na. Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ang sasakyan ni Sullivan na paparating. I opened his door and got inside the shotgun seat. Dumukwang ako para mahalikan ang pisngi niya dahilan para matigilan siya.
BINABASA MO ANG
Forgotten Wife (Shattered Wife Duology 1)
RomanceSable Fiore Montalli is just a simple girl who dreams of having her own family because her parents have died since she was a child. She is also a singer and song writer who has a passion for music, and that's how she met her husband. Sullivan Vesper...