Mabigat ang katawan ko at parang namamaga ang lahat sa akin nang magising ako. Pakiramdam ko rin ay may nakadagan na malaking bagay sa katawan ko dahilan para hindi ako makabangon sa kama. When I opened my eyes, I saw an unfamiliar bedroom. I wanted to call Sullivan's name, but I can't even find my voice.
Sinubukan kong bumangon ngunit bumagsak lang ulit ako sa kama. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at lumitaw ang lalaking hindi ko inaasahan. It was Azrael Froid. Sullivan's friend. May dala siyang maliit na planggana at maliit na towel. He sat beside the bed and looked at me seriously.
"Don't move. Inaapoy ka ng lagnat." Hindi na ako nagulat nang sabihin niya 'yon. Kahit anong gawin kong pilit sa pagbangon ay napapahiga pa rin ako. Lumapit siya sa akin at piniga ang towel.
"Do you want me to...?"
"Where's Sullivan?" I asked, using my hoarse voice. Natigilan siya at nakita ko ang pagdilim ng mata niya. His jaw clenched, and I know what that means. Sullivan didn't even bother looking for me.
Hindi ko na halos maalala ang nangyari sa akin at paano ako napunta rito. I just know that I lost my consciousness while I was walking in the middle of the rain.
"Don't worry about him; mind yourself first."
Umiling ako at kumapit sa kanya para makabangon. He helped me sit; sumandal ako sa may headboard at hinihingal na tumingin sa kanya.
"Please call him, baka nag-aalala na siya sa 'kin." I wanted to laugh at myself. Alam kong malabong mangyari yon, pero nag-aalala ako na baka hinahanap niya rin ako. At saka, baka malaman din ni Tita Kris na wala ako sa bahay ngayon at masisisi si Sullivan. I don't want him to get mad at me more.
Hindi na nag-aksaya ng oras si Azrael at tinawagan si Sullivan. I couldn't hear their conversation, kasi lumayo sa akin si Azrael. Pagtapos ng tatlong minuto ay muli siyang lumapit sa akin at nagsimulang punasan ang braso ko. Nakasuot na ako ngayon ng pajamas, kunot ang noo ko siyang tinitigan.
"It was my female maid who changed your clothes," putol niya sa naiisip ko. Napabuntong hininga ako at ngumiti ng mapait. Azrael is always like this; he treated me as his young sister, simula nang maging boyfriend ko si Sullivan. Actually, hindi lang siya dahil lahat na rin silang magkakaibigan ay gano'n ang trato sa akin.
Hindi nila pinaramdam sa akin ang mga bagay na pinaramdam ng kamag-anak ni Sullivan. Hindi sila pabor sa pagpapakasal namin ni Sullivan dahil wala naman silang magi-gain sa akin dahil isa na akong ulila, but Tita Kris fights for our relationship, lalo na noong nawalan ng ala-ala si Sullivan.
"I couldn't still understand why you have to keep secret your real relationship with Sullivan," mahinang bulong ni Azrael at naupo sa tabi ko.
"We do this to protect him."
"Yeah. And how about you?" Para akong tinamaan ng palaso sa dibdib nang marinig ang sinabi niya. How about me? Did they even think that I might suffer while making our plans?
"I'm fine with it. Salamat Kuya Azrael sa concern." Napabuntong hininga siya at umiling. Ilang sandali pa ay narinig namin ang malakas na kalabog sa labas. Azrael smirked and looked at me with an evil smile.
"This fucktard," he muttered, and he walked in the direction of the door, but we got halted when it hung open. Malakas ang naging kalabog no'n. Nagulat ako nang makita si Sullivan na madilim ang mukha habang nakatingin kay Azrael. He grabbed his collar and punched his face. Napasinghap ako sa gulat at pilit na bumangon sa kama. Halos hindi ko na kaya at wala akong lakas. Para na rin akong umiikot dahil sa sobrang hilo, pero nakayanan kong bumangon at lumapit sa kanila.
Muling sinuntok ni Sullivan si Azrael ngunit hindi nanlaban ang lalaki.
"S-Sullivan!" My vision became blurry. Nagsimula na ring tumulo ang luha ko sa takot nang makita ko na dumudugo na ang ilong si Azrael at putok ang labi. Sinubukan kong hawakan ang braso ni Sullivan, ngunit malakas niya rin akong tinaboy dahil para matumba ako at tumama ang likod ko sa kanto ng side table.
BINABASA MO ANG
Forgotten Wife (Shattered Wife Duology 1)
RomanceSable Fiore Montalli is just a simple girl who dreams of having her own family because her parents have died since she was a child. She is also a singer and song writer who has a passion for music, and that's how she met her husband. Sullivan Vesper...