Prosa: "Heto‚ choice lang kasi no choice‚ ikaw ba?"

2 0 0
                                    


Dati rati’y natutuwa akong palagi kang pinagmamasdan sa tuwing tayo’y nag k-kwentuhan. Yung tipong natutunaw ako sa iyong mga ngiti at sa boses mo ako’y nahahalina. Ewan ko ba‚ malakas lang siguro sa’yo ang aking tama. Hindi mo lang alam pero pinaplano ko na’t inihahanda ang sarili ko na mapakinggan ka’t patuloy na mamasdan kapag tayo’y tuluyan ng nagsama. Natatawa ako sa sarili dahil alam kong masyado pang maaga para sa pagpaplano ng kinabukasan na kasama ka lalo na’t ngayo’y tila ba’y sa iba ka na tunay na sumasaya.

Maaring patuloy na itanggi ng iyong mga labi ang aking paratang ngunit hinding hindi maitatanggi ng iyong mga mata. Iba ang galak mo sa tuwing nag-uusap tayo na patungkol sa kaniya. Ang ngiti mo’y abot hanggang tainga‚ ngiting ni minsa’y hindi ko nakita kapag ako ang iyong kasama. Sa tuwing ika’y kinokompronta ang pakiramdam mo’y ako’y praning lang at nababaliw na. Sa tingin mo palagi ako’y selosa— oo na! Nagseselos na! Sino ba naman kasi ang hindi gayong ang kasintahan mo’y nagpapantasya sa iba?

Palagian mong palusot na ako’y gumagawa na naman ng away sa ating dalawa ngunit mali ka! Ikaw mismo ang naglalagay ng lamat sa relasyon nating pinipilit ko pang isalba. Hahaha... hindi mo kasi nakikita kung paanong ang mga mata mo’y nagniningning sa tuwing ang bida ng usapa'y siya. Kung paanong ang mga ngiti mo’y mas tunay pa kaysa sa mga binitawan mong pangako noong sagutin kita.

Kung dati rati’y masarap kang pagmasdan sa tuwing tayo’y nag k-kwentuhan‚ ngayo’y halos malabo na para sa’kin na miski saglit ay ika’y matitigan. Gustuhin ko mang magbulag-bulagan at mag kunwaring manhid para hindi ako masaktan ngunit hindi naman ito uubra eh‚ sadyang tumatagos parin sa aking kalamnan ang sakit at sumasagi sa aking isipan na “Baka nga ginusto mo lang ako dahil alam mong pagdating sa kaniya’y wala kang pag-asa.



____________________________________________
🌱footnotes🌱
photo: https://pin.it/5RaZDi7A0
:: bukas sa pagtatama

To Where The Lost Soul ResideWhere stories live. Discover now