Ang sabi nila, dapat mong tandaan ang iyong kabataan
Masasayang ala-ala ay hindi dapat kinakalimutan,
Mga kaibigang nabuo noong nakikipaglalaro ng taya-tayaan,
Mga pinagsamahan na ikaw ay nadapa at ikaw ay tutulungan.Pero nasaan na ang mga ala-alang 'yon?
Pilit kong hinahanap pero parang nasa tuktok na ng mayon,
Sa bawat oras ay sisirain ng nagbabagang apoy,
Anong nangyari at natatakot akong maalala iyon?Nakasarado ang mga pintuan at pilit kong binubuksan,
Ang mga susi ay nawawala at hindi ko na mahanap,
Pero sa tuwing ito'y aking nabubuksan,
Nasasarado ang pintuan bago ako pumasok sa lagusan.Parang sa pagpasok doon ay hindi ako pinapayagan,
Pinapahiwatig na ito'y aking pagsisisihan,
Na kapag ako'y pumasok doon ay babalik ang lahat
Lahat na mga luha na matagal na umaawat.(From: my output in creative writing)
YOU ARE READING
THE BEAUTY OF EVERY VERSE
PoetryPoem's Collections -- PLAGIARISM IS A CRIME All Right Reserved 2024 ©Sulat_Bahaghari Start: March 04, 2024