Sa bayan na kung saan kami nakatira,
Paligid ang berdeng halaman, puno, at palayan,
Hangin ay presko at maaliwalas,
Ang araw ay nasa gitna ng kalangitan at mahiwaga.Ang sabi-sabi ay pagsapit ng gabi
Kailangan mo ng umuwi,
Huwag na huwag kang lalapit sa puno ng balete,
Malaki ang tyansang maligaw ka kung gano'n ang mangyari.Isang araw ay nasa gubat ako,
Hindi ko mahanap ang mga kasamang pumunta dito,
Ang sabi ay maglalaro lamang kami ng tumbang preso,
Bakit hindi ko na sila mahalagilap, iniwan na kaya nila ako?Naalala ko ang sinabi sa amin ni Nanay,
"Huwag kang pumunta sa balete dahil may nakatira diyan,"
Biglang tumaas ang balahibo sa aking katawan,
Patawad 'nay, nasa harapan ko ang puno na pinagbabawalan.Sinubukan kong lumayo sa punong 'yon,
Ilang ulit ngunit, hindi makaalis dito,
Nagsisimula na akong tumangis at hindi humihinahon,
'Nay, nailigaw na ako ng tikbalang na walang pagod.
YOU ARE READING
THE BEAUTY OF EVERY VERSE
PoetryPoem's Collections -- PLAGIARISM IS A CRIME All Right Reserved 2024 ©Sulat_Bahaghari Start: March 04, 2024