Halika't hawakan ang aking mga kamay,
Sabay na 'ting libutin ang mundong liwayway,
Na ang araw ay papalubog mula sa kalangitan,
Ang kulay na siyang humahalik sa ating balat.Ang iyong pisngi ay nababalot ng rosas na pula,
Pumapailalim sa kahel na pinapalibutan ang kapaligiran,
Hingin ay dumadaan sa ating pusong nagwawala,
Mula sa mundong magulo, tayo ay malaya.Tumatakbo ang kotse sa daanan ng walang hangganan,
Ikaw ay nagtataka pero mas pinili mong magtiwala
"Aking sinta, alam mo ba kung saan tayo pupunta?"
Sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala...(From: my output in creative writing)
YOU ARE READING
THE BEAUTY OF EVERY VERSE
PoetryPoem's Collections -- PLAGIARISM IS A CRIME All Right Reserved 2024 ©Sulat_Bahaghari Start: March 04, 2024