#1 Pagbitaw

9 0 0
                                    

Ako si Eos hilig ko ang paglalaro, ito kasi ang tangi kong libangan noong nagkaroon ng pandemya. Kahit na ito ang naging rason kung bakit na lubusan na lumabo ang aking mga mata. Saway dito saway doon si mama . "Eos tama na nga yang paglalaro" yan ang madalas mong maririnig sa amin. Wala talaga akong ina atupag kundi ang maglaro. Kahit nga ang magkaroon ng interes sa isang tao ay wala sa isip ko kahit madalas na tanungin ako ng aking mama kung ako may natitipuhan na. Ang tanging ini isip ko lamang ay online games. Puyat gabi gabi kakalaro, isang araw nabalitaan ko na babalik na ulit sa face to face ang klase. Labis naman akong natuwa nun sapagkat gusto kona muling maki halubilo sa ibang tao. Hindi yung pagkatapos magaral ay laro nanaman. Isang gabi ay kinatok ako ng aking mama sa aking kwarto napanood niya kasi ang balita tungkol sa pagbabalik ng face to face na klase. Kinausap niya ako na kailangan kong mag focus sa pag aaral at tigilan ang pagalalaro sapagkat alam kong magiging isang malaking distraksyon ko lamang ito. Kahit na ako'y excited na din sa face to face ay mahirap din na bitawan ang libangan ko na ito dahil ito lamang ang paraan ko upang hindi ma boring sa aming tahanan. Dalawang buwan na lamang bago mag face to face talagang sinusulit ko na ang natitirang araw na maglaro. Napapa isip din ako na pwede namang pagsabayin ang pag aaral at paglalaro ngunit alam kong magagalit ang mama sa akin. Labis din kasi siyang nag aalala sa kalusugan ko at ayaw kona din na dumagdag pa ang problema nila, lubos kasi na lumala ang grado ng aking mata kakalaro para bang wala nang makita pag hindi ko suot suot ang aking salamin. Unti unti kona din sinasanay ang sarili ko na lumayo sa online games at sinubukan kong lumabas labas na din sa aming tahanan dahil hindi naman na gaano ganun kalala ang pandemya. Isang buwan ang nakalipas ay sinabihan ako ni mama na maaari na mag enroll sa aking papasukan na school, ako'y lubos talaga na kinakabahan dahil hindi talaga ako sanay na makihalubilo sa iba. Isa kasi akong introvert na tao kahit ninanais ko na mag face to face ay kinakain pa rin ako ng aking kaba. Kinaumagahan ay nagluto ang aking mama ng paborito kong turon, napansin niya kasi na parang namomroblema ako sa pasukan na iyan para daw kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Sinabihan niya ako na gumayak at aalis daw kami ng bahay ng 10am upang mag enroll. Pumayag din naman agad ako para makita ko ang papasukan ko na school. Halong pananabik at kaba ang nararamdaman ko ng oras na iyon, iniisip kung ano agad ang posibleng mangyari sa pasukan, magkakaroon kaya ako ng maraming kaibigan? makakasundo ko kaya sila? tanging sa online nalang kasi ako marunong makipag kaibigan at hindi sa mga nakakasalamuha ko na mga tao pero alam kong kakayanin ko naman ito.

If Only Loving You Wasn't A SinWhere stories live. Discover now