#4 Pagtatapat

2 0 0
                                    

Lumipas ang siyam na buwan ay papalapit na ang pagtatapos ng school year. Lumalim ang pagkakaibigan namin ni Amor, alam ko na sa simula palang ay gusto ko na siya. Sa mga araw, linggo at buwan na pinag samahan namin ay labis ko din siyang nakikilala pero sa mga araw na lumipas ay hindi ko nagawang umamin sa kanya, napapansin ko kasi kay Amor na wala siyang interes sa iba kundi sa pag aaral lamang. Sinamahan ko si Amor sa mga problema at pagsubok na dumaan at ganun din naman ang ginagawa niya sa akin. Parang si Amor lang kasi talaga ang tangi kong naging kaibigan simula noong bumalik na ang face to face kahit hindi kami mag kaklase. Sabay din kami nitong umuuwi dahil parehas lang kami ng sinasakyan dahil nadadaan namin ang baranggay nila bago ang baranggay ko. Napag isipin ko na umamin na kay Amor dahil mag babakasyon na din naman at hindi ko na siya ganun na makakasama ng dalawang buwan. Inisip ko muna ang magiging pwedeng maging epeketo kung aamin ako sa kanya. Ang alam ko din ay straight si Amor at kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin pero inisip ko nalang na wala namang mawawala kung umamin ako sa kanya. Last day ng school ay sabay pa rin kami ni Amor umuwi at ito na ang pagkakataon na sabihin ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. Habang kami ay naglalakad papuntang 7/11 ay kinukwentuhan niya ako at saktong tinanong niya kung may natitipuhan na ako. Para bang tumigil nalang bigla ang puso ko nun sa kaba dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya pero gustong gusto ko na talaga ipahayag ang nararamdaman ko sa kanya. Ang ginawa ko na lamang ay inalarawan ang katangian ni Amor ito'y may pagka maliit, brown ang buhok at may magandang mata at ngiti na nag papatunaw sa akin, nagtaka na lamang si Amor na tulad pala sila ng buhok ng na titipuhan ko. Nagbanggit siya ng ilang mga pangalan at patuloy niya ito na hinuhulaan pero isa sa mga yun ay wala dahil walang iba naman iyon kundi si Amor lang. Sadyang manhid talaga pero nag request pa siya sakin ng clue, sinabi ko na lamang na gumagamit ito ng vanilla na pabango. Biglang tumingin sa akin si Amor at bigla akong tinanong "Eos sino ba talaga yang gusto mo?, hindi sa pagiging feelingera Eos pero ako ba yang gusto mo?" -pagtatanong niya sa akin at sa oras na iyon ay labis akong kinakabahan pero hindi ko na ito tinanggi pa.

If Only Loving You Wasn't A SinWhere stories live. Discover now