#2 Love at first sight

4 0 0
                                    

Pagpasok na pagpasok namin ni mama sa school ay tumambad ang napaka daming tao, noong oras na yon ay parang gusto ko nalang mag pakain sa lupa. Huminga ako nang malalim at nilakasan ang loob, "Eos ayos kalang ba? enrollment day niyo pa lamang Eos bakit parang kabang kaba kana, ayan kasi e hindi ka marunong makipag kapwa tao kakalaro mo yan ng online games."-Sambit ni mama sa akin. Pagkatapos kong makapag enroll ay iniwan muna na ako ni mama sa isang hallway dahil may kukunin lamang daw siya na mahalagang papeles. Habang ako ay nakatayo ay pinunasan ko ang aking salamin, nadidikitan kasi ito ng hamog sadyang malamig kasi ngayon sa lugar namin. Habang pinupunasan ko ay nabitawan ko naman ito at nagulat ako na may biglang pumulot nito para sa akin. Isang babae na napaka bango tila parang vanilla pa yata ang gamit niya, ito ang una kong napansin dahil wala naman ako makita non. Agad naman akong nag pasalamat sa kanya at nagmamadaling suotin ang aking salamin, pagkasuot nito ay para bang tumigil bigla ang mundo ko, suot ko nanaman ang aking salamin pero bat parang nag blurred ang aking mga mata at sa kanya lamang naka focus. Nginitian niya lamang ako at umalis na siya at habol tingin naman ako na parang bang natutunaw na. "Parang na love at first sight ang Eos ko ha" -pagkakagulat ko na sinabi ni mama nakita niya pala ang buong pangyayari. Agad ko naman itong tinanggi at sinasabing straight ako. Papalabas na kami ng school ni mama ngunit may hinahanap ako na may brown ang buhok at may pagkamaliit na babae siya kasi yung kanina na pumulot ng aking salamin hay sobrang ganda niya talaga. Hindi ko na siya nakita sa loob ng school pero nakita ko siya papasok ng isang kainan kasama yata ang kanyang mga kaibigan. Nakita ko din ang matalino kong kaklase noong elementary nag tataka ako kung bakit niya kasama iyon. Kinagabihan ay sabay kami kumain ni mama, tahimik lamang kami kumakain at bigla nagsalita si mama na "Eos siguro gusto mo na yung babaeng iyon ano? " "ma, wala akong balak na mag ka gusto sa babae no mas gugustuhin ko pang maglaro nalang ng online games kesa magkagusto sa kahit na kanino" -sagot ko kay mama. Sinabi sa akin ni mama na mali talaga ang magka gusto sa kapwa ko babae dahil hindi daw ito matatangap ng Diyos, hindi ko din kasi maintindihan si mama kung ayos lang ba sa kanya o hindi ang magkagusto ako sa babae dahil noong nakita niya ang nangyari sa school ay ina asar niya ako nun. Kaagad kong tinanong si mama kung ayos nga lang ba sa kanya kung mag karoon ako ng gusto sa isang babae pero sinagot niya lamang ako na "Eos mas maigi kung pipigilan mo iyon, sadyang iba lang kasi talaga yung tingin mo sa babae na tumulong sayo kanina kaya kita ina asar nun Eos, pero hindi ako pabor na magustuhan mo yun.

If Only Loving You Wasn't A SinWhere stories live. Discover now