#5 Malayo

2 0 0
                                    

Pagkatapos kong umamin sa kanya, she hugged me, nag tataka ako sa kanya kung bakit siya umiiyak so i asked her, "Eos matagal na kitang nahahalata, pero Eos hindi tama ang mahalin mo ko sorry pero hanggang dito lang tayo, ako na ang kusang lalayo sayo para mawala na yang nararamdaman mo sakin, Eos I'm sorry." sabi niya sa akin, parang bang dinudurog ang puso ko noong oras na iyon ang sinabi kong wala namang mawawala kung aamin ako sa kanya ay talagang may mawawala pala at ito ay ang pagkakaibigan namin, kung ipagpapatuloy pa rin namin iyon ay alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin. Mas gusto ko na lamang na hindi na ulit kami makapag usap kaysa pilitin ang sarili ko na wala akong nararamdaman para sa kanya. Wala akong magagawa kundi tanggapin iyon alam ko rin naman kasi na may pagka banal ang pamilya ni Amor. May mga bagay talaga na hindi pwedeng ipilit wala tayong magagawa kundi hangaan nalang sila sa malayo, basta ang alam ko sa sarili ko ay mahal ko si Amor. Kahit hindi kami pwede sa isa't isa ay patuloy ko pa rin siyang gugustuhin hanggang sa mapagod ako pero paano ko titigilan ang nararamdaman ko kay Amor kung kahit kailan man ay hindi ako mapapagod na mahalin siya. Wala akong nais na kilalanin kundi si Amor lamang sa mga panahon na nakasama ko siya ay habang buhay ko iyon na ipagpapasalamat. Kahit na sa maikling panahon lamang ay nakasama ko siya habang patago siyang minamahal at hinahangaan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If Only Loving You Wasn't A SinWhere stories live. Discover now